The Accident

2686 Words
Sienna's Nagpuyat ako ngayong gabi para tapusin ang mga assignment ko para bukas. At dito ako sa may sala pumwesto kasi kapag sa kwarto siguradong hihilahin ako ng kama para matulog. "Oh, bakit gising ka pa?" napatingin ako kay kuya Drake na kakalabas lang sa kwarto niya. "Gumagawa po ako assignment." sagot ko naman. Dumiretso naman siya sa may kitchen area at maya maya ay bumalik na may dalang gatas at tubig. Inilapag niya ang gatas sa harap ko at ininom naman niya ang tubig na hawak niya. Umupo siya sa may sofa at pinanood ang ginagawa ko. "Inumin mo muna." sabi niya naman sabay turo sa gatas na inilapag niya sa harapan ko. Tumango naman ako at agad na sinunod ang sinabi niya. "Thank you." sagot ko sabay ngiti. Napalingon naman ako sa kanya at hindi siya sumagot, nakapikit lang ang mga mata niya habang nakasandal ang kanyang noo sa may sofa. Tumayo naman ako ng bahagya para sana pumunta saglit sa CR. Okay na sana eh, kaya lang hindi ko alam kung bakit nataon na ang lampa ko ngayong gabi at naout-balance ako, dahil na rin siguro may coffee table sa gitna. At dahil naout-balance ako ay napaupo ako sa kanyang lap at nahalikan siya sa mukha. Napadilat naman ang mata niya sa gulat. Ako 'man ay nagulat sa nangyari. "Sorry po!" sigaw ko sabay tayo ng maayos. Tumango naman siya bilang sagot sa akin. "Na-out balance po ako. Pasensya na po." paghingi ko ng tawad sa kanya. "Okay lang, aksidente." sabi niya naman sabay ngiti, "Atleast hindi sa labi." dagdag pa niya at bahagyang tumawa. *** "Yiiieee, dumadamoves ka lang eh." pang-aasar ni Aila sa akin, "Kunwari nawalan ng balanse pero ang totoo sinadya." dagdag pa niya. "Tama!" dagdag pang-asar naman ni Bea. "Tumigil nga kayo riyan." suway ko naman sa kanila. Pero humagikgik pa sila at tinignan ako ng mapang-asar. Mga baliw talaga 'to. Habang nag-aasaran kami ay narinig ko naman ang mga kaklase namin na nagbubulungan. "Dinala raw sa ospital si Sir Drake." sabi ng isa kong kaklase kaya naman napatingin ako agad sakanila. "Oh, bakit daw?" tanong naman ng isa. "Nawalan ng malay eh, baka overfatigue." sagot naman ng isa. "Saan dinalang ospital?" tanong ko agad sakanila. "Diyan lang, 'yung sa may paglabas ng campus. Malapit lang, Dr. Josias ata." sagot niya naman sa akin. Kaagad ako na tumayo at lumabas ng campus. Pagdating ko sa ospital ay nagtanong agad ako sa nurse na nasa front desk. "Ma'am nasa emergency room po." sagot niya naman sa akin, "Dito na lang po kayo mag-antay sa labas." pagpigil niya ng balakin ko pumasok sa loob. Ano ba nangyari sa kanya? Bakit ba siya hinimatay? "Kayo po ba ang guardian ni Mr. Lopez?" tanong ng isang nurse sa akin. "Opo." sagot ko naman. "Kaano-ano niyo po?" tanong sa akin. "Ummm, uhhh, relative." sagot ko naman sa kanya, unsure if ano ba ang isasagot ko sa tanong niya dahil hindi naman talaga kami magkaano-ano. "Pirma na lang po kayo rito habang ililipat po namin siya sa ward." sabi naman ng nurse sabay bigay sa akin ng form. Pagkatapos ko pirmahan ang form ay pumunta na ako sa ward kung saan siya magstay muna. "Ikaw ang relative?" tanong ng doctor sa akin na tinanguan ko naman, "Kailangan niya muna magpahinga. Sobrang pagod ang katawan niya, nasobrahan kaya bumigay. Pakisabi kapag nakarecover siya alagaan ang katawan. Mukhang stress na stress." sabi naman ni Doc. "Pero okay naman po ba siya?" tanong ko with my very worried voice. "Okay siya, need lang talaga magrest ng utak at katawan niya." sagot niya naman sa akin bago magpaalam na aalis na muna siya. Napahinga naman ako ng maluwag sa naging sagot ni doc. Atleast okay siya at hindi seryoso ang naging sakit niya. Nakaupo ako sa may upuan sa tabi ng kama niya habang nagbrowse sa phone nang gumalaw siya bigla kaya naman napatingin ako. "Si...sienna?" pagtawag niya sa pangalan ko. "Kuya." sambit ko sabay lapit sa kanya upang marinig ko kung ano gusto niya sabihin. Medyo mahina pa kasi ang boses niya dahil siguro pagod pa ang katawan niya. "A...ano'ng nangyari sa akin?" tanong niya naman sa akin. "Overfatigue po. Magpahinga ka lang po, 'yan po ang kulang sainyo, pahinga." sagot ko naman. Tumango naman siya, "May klase ka pa diba? Paano ka nakalabas?" mahinang tanong niya naman sa akin. Hindi naman kasi talaga ako pwede umalis sa campus kasi nga senior high ako, hindi naman ako college, so may fixed hours kami ng pasok at uwi. Pero syempre, dahil siya na ang usapan dito gagawa ako ng paraan para makapunta sa kanya. "Huy! Seryoso ka ba, Sienna? Baka naman mapaano ka pa sa gagawin mo. Baka malagot ka sa principal." pagpigil naman sa akin ni Aila. "Hayaan mo sila. Basta seryoso ako rito. Kawawa naman si Sir Drake, wala siyang kasama sa ospital." sagot ko naman sa kanya. "Basta 'wag mo kami idamay ni Aila ah." sabi naman ni Bea sa akin. "Oo naman, bakit ko naman kayo idadamay? Ako ang may desisyon nito kaya papanindigan ko. Basta 'wag lang tayo papahuli." sagot ko naman sa kanya. Tumingin naman ako sa pader na nasa harapan namin. Mataas pero kakayanin ko ito akyatin. Kumuha lang kami ng isang old chair dito sa may gilid. Tambakan kasi itong lugar na ito ng mga sirang upuan, lamesa, or mga gamit ng school na hindi na ginagamit. Kaya noong may makita akong matibay na upuan ay agad ko iyon kinuha. Tumungtong ako sa may upuan at sinubukan ikapit sa may tuktok ng pader ang mga kamay ko. Pero dahil kulang ako sa height ay hindi ko magawa, kaya naman nagpatulong ako kay Aila at Bea. "Pakitulungan ako. Buhatin niyo ko para makaakyat ako sa pader." sabi ko naman sa kanila na kaagad naman nilang ginawa. Buti na lang at sa pagkakataon na iyon ay naabot ko na ang pader. Lilipat na ako sa kabilang side ng biglang may sumigaw na guard. "Hoy! Ano'ng ginagawa niyo diyan?" napatingin ako sa dalawa na ang bilis tumakbo paalis sa lugar. Napatingin naman ako kay kuya guard at kaagad na napatalon sa kabilang side. Hindi ko alam kung okay ba ako kasi mataas ang tinalunan ko at bumagsak pa ako. Pero mukhang okay naman? Ang mahalaga ay mapuntahan ko siya. That's what matters. Napabalik ako sa realidad ng tawagin niya ulit ang pangalan ko. "Sienna." tumingin ako sa kanya at napatingin naman ako sa tinuturo niya sa may tuhod ko. "Ah, wala po 'yan." awkward na sagot ko. Nagkasugat pala ako kanina mula sa pagkakabagsak ko. "Cutting classes?" tanong niya sa akin. "Alam niyo po para sa isang may sakit masyado ka pong madaldal. Matulog ka na po kaya?" tanong ko naman sa kanya, "Magpahinga ka na po muna diyan." Lumabas kaagad ako sa ward kung saan kami nagsstay. At saktong paglabas ko at pagrelax ng katawan ko ay ang pagdama ko sa sakit ng paa ko. Ika-ika akong naglakad hanggang sa makapunta ako sa may bench na malapit. "Okay ka lang po?" tanong naman ng nurse sa akin na dadaan lang sana. Napansin niya ata na may masakit akong nararamdaman. "Masakit po 'yung kanang paa ko." sagot ko naman sa kanya. Napatingin naman siya sa kanan kong paa, "Nasprain ka, namamaga ang paa mo. Tara sa ER at aayusin po natin 'yan." sambit niya naman atsaka ako inalalayan papunta sa ER. *** Hindi ko alam kung paano ako babalik sa ward dahil may bandage na ang aking paa. Baka mapansin niya kasi at magtanong pa tapos baka isipin na crush ko siya. Mga ganun ba. Pero wala naman akong choice kung hindi ang bumalik dahil ako lang naman ang pwedeng mag-alaga sa kanya. Pagdating ko sa ward ay naabutan ko siyang nakahiga pa rin at hawak ang phone niya. Aba, kakagising lang niya at nagpphone agad. "Sabi po ng doctor magpahinga ka." pagsaway ko naman sa kanya pero tumingin lang siya at ngumiti sa akin at patuloy na ginawa ang ginagawa niya. Hay naku, matigas ang ulo. Nahiya naman ako ng mapansin ko na napatingin siya sa paa kong may bandage ngayon. "Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong niya naman sa akin. "Wala po, natapilok lang kanina paglabas ko." pagsisinungaling ko na mukhang pinaniwalaan naman niya. Binasa ko naman ang isang face towel para malinisan ko ang mukha niya at maging fresh ang pakiramdam niya. Habang pinupunasan ko ang mukha niya ay nagkatitigan kaming dalawa, dahilan upang lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko. Naputol ang tinginan namin ng marinig ko ang boses ng kuya ko. "Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong niya kay kuya Drake. "Okay lang ako, nasobrahan lang sa pagod." sagot niya naman sabay ngiti sa kanya. "Pahi-pahinga rin. Baka akala mo superman ka." sagot naman ni kuya. Tumingin naman siya sa akin at mukhang napansin ang nakabandage ko na paa, "Ikaw naman, ano'ng nangyari sa'yo?" "Nadulas ako." pagsisinungaling ko ulit. "Lampa." natatawang pang-aasar niya sa akin na inirapan ko lang naman. Kung alam mo lang ano'ng totoo. "Paano 'yan, sino'ng magbabantay sa'yo hanggang makalabas ka?" tanong naman niya kay kuya Drake. "Ako na, kaya ko naman sarili ko." sagot niya naman pabalik. "Ako na lang." pagprisinta ko, "Friday naman bukas, hindi na po ako papasok. Wala naman masyado gagawin." dagdag ko pa. Napatingin si kuya sa akin at kumunot ang noo. Nahahalata na ata niya ako na may gusto ako kay kuya Drake. "Sipag mo ah. Pero sige, okay, senior high ka palang naman. Hindi masyado mahigpit." sagot niya naman atsaka ibinaling ang atensyon kay kuya Drake. Okay, hindi niya naman nagets. Buti na lang, kinakabahan ako kasi baka magets niyang crush ko eh. **** "Bakit ka nagcutting classes last time?" kaharap ko ngayon ang principal namin at naisumbong ako ng guard. Namukhaan pala ako. Pero luckily, sila Aila at Bea ay hindi nakita ang mukha kaya naman hindi sila naipatawag. "May emergency po." sagot ko, pero hindi ko naman pwede sabihin na may emergency ako at si kuya Drake 'yun. Kilala kaya sa campus si sir dahil gwapo tapos matalino. Kahit hindi niya estudyante kilala siya. "Gusto ko ipatawag ang parents mo or guardian. I need to talk to them." sabi naman ng principal. Badtrip naman oh, pano ko sasabihin sa kuya ko? Lumabas ako sa principal's office na stressed ang mukha. Hay naku, paano ko sasabihin? Paano rin ako hihingi ng tulong kay kuya Drake? Malalaman niya na nagcutting ako. Bahala na talaga. "Ano'ng sabi ng principal sa'yo?" tanong ni Bea pagbalik ko sa room. "Ipinapatawag ang parents or guardian ko. Kaya lang paano ko naman sasabihin sa parents ko or sa kuya ko. Baka malaman nila na crush ko si kuya Drake." sagot ko naman sa kanya at sinubsob ang mukha sa desk ko. "Ayun lang." sagot naman ni Aila sa akin. I'm so stressed! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Natapos ang buong araw na stressed ang utak ko. Monday na monday tapos lutang ako. Kahit kamo sa mismong subject na itinuturo ni Sir Drake hindi ko na rin masyado nagets or appreciate. Habang naglalakad ako pauwi ay nagulat ako ng biglang may lumapit sa akin. Napatingin ako at si Sir Drake pala 'yun. Napangiti na lang ako sa kanya at itinuloy ang lakad ko. By the way, iika-ika pa rin ako dahil sa sprain ko. "I've heard some news from your principal." sabi niya naman sa akin kaya napatingin ako agad, "Well, nalaman niya kasing family friends tayo while she's having a conversation sa ibang faculty member. So, kinausap niya ako." Don' tell me sinabi sa kanya na nagcutting ako. Nakakahiyaaa! "And yes, nabanggit niya na nagcutting ka last week. Specifically noong day na dinala ako sa ospital." he paused, "Thank you and I appreciate you. Just please don't do it again. I've already talked to her and pumayag naman siya na hindi na ipatawag ang parents mo. Hindi mo raw kasi sinasabi sa kanya ang real reason that's why akala niya nagsisinungaling." dagdag niya pa. Hindi ko actually alam kung magiging masaya ako dahil nakausap niya ang principal at hindi na ipapatawag ang parents ko or magiging stressed ako dahil nalaman niyang nagcutting ako for him. Ano ba magiging reaksyon ko? Hindi na lang ako nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa condo. When we arrived, umupo agad ako sa sala para tanggalin ang sapatos ko dahil masakit na naman ang paa ko. I was about to stand up nang bigla siyang dumating na may dalang yelo. Umupo siya sa may harap ko at iniabot niya ang paa kong namamaga. "Lagyan natin ng yelo. Para mas mabilis umimpis. Always remember sa sprain ang acronym na RICE. Rest, Ice, Compress, Elevate." pag-eexplain niya naman sa akin. Nahihiya nga ako na hawakan niya ang paa ko dahil panget nga tsaka baka mamaya may amoy pa. Pero wala akong magawa dahil hawak na niya. Tinanggal niya ang elastic bandage at nilagyan muna ng yelo bago ibalik ng mas mahigpit ang bandage. Ipinatong niya rin sa may coffee table ang paa ko para maelevate siya. "Thank you, Sienna. I appreciate your efforts." sabi niya naman sabay ngiti sa akin. Ngumiti na lang din ako sa kanya para itago ang kilig na nararamdaman ko. Nagstay ako ng ilang sandali sa sala pero nadecide ko na umalis na rin at pumunta sa kwarto ko. Inalalayan naman ako ni kuya Drake pero dahil mali ang pag-alalay niya ay bumagsak kaming dalawa. At dahil sa pagbagsak namin ay nahalikan mo siya sa labi. Nanlaki ang mga mata ko at agad na tumayo at umiwas ng tingin sa kanya. "So...sorry po." sambit ko nang hindi tumitingin sa kanya. "Okay lang." dinig kong sagot niya. Tumayo ako ng dahan-dahan at ika-ika akong bumalik sa kwarto ko. First kiss ko 'yun, first kiss ko. Omygosh, omygosh! Hindi ko alam paano pakalmahin itong nararamdaman ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Mababaliw na ata ako. Huhu. Habang nakasandal ako sa pinto ay nagulat ako ng biglang may kumatok sa pintuan ko kaya bahagya ko itong binuksan at nakita ko naman siya na dala ang bag ko. "Naiwan mo." sabi niya naman sabay abot ng bag ko sa akin. Kinuha ko naman iyon sa kanya at ngumiti, "Salamat po." Tumango lang siya at nagtungo na rin sa kwarto niya. Habang tumatagal mas napapatunayan ko lang na gusto ko na talaga siya. Pero siya kaya? Ano na kayang nararamdaman niya para sa akin? *** Kinabukasan, nagpapasalamat ako dahil wala na si kuya Drake sa unit paglabas ko, nauna ata siyang pumasok. Or baka may dinaanan. Tinignan ko naman ang oras sa cellphone ko at napansin na may message pala from him. "Nauna na akong pumasok, may kailangan pa akong ayusin eh. Kumain ka na diyan ng breakfast, iniwan ko sa lamesa." text niya naman sa akin na nagpasaya agad ng umaga ko. Pagkatapos ko naman kumain ng pagkain na inihanda niya para saakin ay kaagad na akong nagtungo sa campus. Masaya akong naglalakad sa hallway ng makita ko si Sir Drake na may kausap na babae. Actually, pamilyar nga ang itsura ng babae sa akin. Inisip ko kung saan ko ba nakita ang babaeng kausap niya sa hallway. Ah, naalala ko na. Si Ms. Rodriguez ng CAS, 'yung sinasabi ko na maganda at sexy na prof sa faculty nila. Hindi ko alam na close pala silang dalawa na may time silang maglakad sa hallway para magkwentuhan at tawanan. "Bagay si Sir Drake at Ma'am Kath noh." dinig ko naman na sabi ng isang estudyante na nasa hallway din sa kasama niya. "Oo, mukhang magkakaroon ng loveteam sa CAS faculty ah." komento naman pabalik ng kasama niya. Napatingin ako ulit sa kanya at hindi ko naman maikakaila na bagay nga silang dalawa. Magkatabi palang sila, para na silang magboyfriend at girlfriend. Kaya siguro maaga siya pumasok ay para makausap pa niya si Ma'am Kath? Or ewan ko, hindi ko alam. Pero bakit ba sila magkasama? Bakit sila nag-uusap? Parang may kumurot sa dibdib ko habang nakikita ko silang masayang nag-uusap. Gusto ko siya puntahan para itanong kung anong meron sila. Pero anong karapatan ko? Sino ba ako sa buhay niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD