The Reason

2268 Words
Sienna's "Mauna ka na po sa bahay, sir." sabi ko naman sa kanya, "Bibili pa po ako ng milktea." "Sasama na ako. Hindi naman ako nagmamadali." sagot niya naman sa akin. Tumango naman ako kaya sumama na siya sa loob ng milktea shop. Habang nag-aantay kami sa mga inorder namin ay nabigla ako ng may lumapit sa amin. Napatingin kaming dalawa at nakita kong iyon ang kausap niyang babae last time, ang mommy niya. "Drake." pagtawag niya sa kanya. "Ano pong ginagawa niyo rito?" tanong niya sabay buntong-hininga, "Hindi pa po ba malinaw sainyo 'yung sinabi ko last time?" tanong niya naman. "Alam mo naman diba na kailangan ka ng tatay mo diba?" tanong niya kay Sir Drake, "Pwede ba'ng pagbigyan mo na kami ngayon." dagdag pa ng mommy niya. "Hindi ko kayo tutulungan." sagot naman niya ng madiin, "'Yan pa rin po ang sagot ko sainyo." Saktong pagkasabi naman niya ay ang pagtawag sa akin para sa order namin na milktea. Kaya umalis muna ako saglit para kuhanin. Pagbalik ko naman ay kaagad na akong hinatak palabas ni Sir Drake mula sa shop. "Drake, anak." paghabol sa amin ng mommy niya, "Patawarin mo na ang tatay mo. Matagal na 'yun nangyari." dagdag pa niya habang bakas sa mukha niya ang pagmamakaawa. "Marami pa po kayong mahahanap na compatible sa kanya. May pera naman kayo, diba? Kaya niyo bumili, kahit ilan pa." sagot niya naman ng madiin. Ano ba kasing pinag-uusapan nila? "Aalis na po kami." pagpapaalam naman niya sabay talikod at hila sa akin. "Anak, ikaw lang ang pag-asa namin. Matagal na nasa waiting list ang daddy mo, wala pa ring compatible sa kanya." Napahinto si Sir Drake sa paglalakad pero hindi na siya lumingon pa. Bumuntong-hininga lang siya atsaka nagsimula na maglakad ulit. Napatingin ako sa mga kamay namin na ngayon ay magkahawak dahil sa paghila niya sa akin. Napansin naman niya ata ng medyo makalayo na kami kaya naman binitawan niya ako ng dahan-dahan. "Pasensya ka na at kailangan mo pa mawitness ang bagay na iyon." sambit niya naman sa akin. "Okay lang po." sagot ko naman. Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa unit. Gusto ko sana siya tanungin pero wala akong masabi, hindi ako makasalita dahil nahihiya naman ako na mag-usisa sa problema na meron sila. "Nanay ko 'yun." pagsisimula niya nang mailapag niya ang susi sa lamesa, "Nakakahiya sa'yo. Pero ayun eh, ganun ang buhay ko." dagdag pa niya. "Okay lang po 'yun, kuya." sagot ko naman sa kanya. Since nasa bahay na kami, kuya na ang tawag ko sa kanya. "Magulo ang pamilya ko." sambit niya, "Kaya pinili ko na lang magsarili. Kaya tignan mo ngayon, nandito ako nakikitira sa inyo. Ayoko na kasing guluhin nila ako, pero sa trabaho naman ako ginugulo." dagdag pa niya sabay iling. "An..ano po ba ang gusto ng mommy mo?" tanong ko naman sa kanya. "Gusto niya na idonate ko ang isa kong kidney sa tatay ko. Matagal na kasi silang nasa waiting list pero wala eh, may dumarating 'man hindi naman nagmamatch sa tatay ko. Kaya ako na lang ang pag-asa niya." sagot niya naman sa akin, "Pero ayoko, ayoko silang tulungan." sambit niya ng madiin. Tatanungin ko sana kung bakit nang bilang pumasok si kuya shaun sa unit. Wrong timing talaga ito kahit kailan. "I'm back, ano'ng ginagawa niyo?" tanong ko sa kanila. "Nagkekwentuhan." sagot ko naman sa kanya, "Wrong timing ka pumasok." bulong ko sa kanya nang makalapit ako. Tumingin naman si kuya sa akin sabay batok sa ulo ko. "Hindi mo ba ako namiss?" tanong niya sa akin. "Hindi." sagot ko naman. "Aba, habang tumatagal mas lalo kang nagiging masama ah." sambit niya naman. Inirapan ko lang siya atsaka nagdecide na pumasok na lang ako sa kwarto ko. Napaisip naman ako, bakit kaya ayaw tulungan ni kuya Drake ang pamilya niya? Ano ba'ng nagawa nila na hindi niya kaya palampasin? **** Paglabas ko sa campus ay napansin ko ang pamilyar na mukha. Sinalubong niya naman ako ng mapansin niyang nakalabas na ako. "Ikaw 'yung kasama ni Drake noong isang araw sa milktea shop diba?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya. "Pwede ka ba makausap?" tanong niya sa akin. Gusto ko sana tumanggi pero hindi ko magawa. "Sige po." sagot ko naman. Pumunta kami sa malapit na coffee shop sa university. Pagdating namin ay umorder kaagad siya ng inumin para sa aming dalawa, habang ako naman ay umupo na sa bakanteng upuan. "Pasensya ka na, magiging straightforward na ako sa'yo." panimula niya naman sabay buntong-hininga, "Baka pwede naman kaya mo baguhin ang isip ni Drake para tulungan ang tatay niya. Kailangan ng kidneys ng tatay niya dahil may kidney failure niya at siya lang ang maaaring maging compatible sa kanya. May mga kidney donors, but sadly hindi compatible sa kanya." Hindi ko alam ang isasagot ko. Nabigla naman ako ng hawakan niya ang kamay ko at tignan ako ng direkta sa mata ko. "Malakas ang kutob ko na compatible sila ng tatay niya. Kaya please pakipilit at kausap naman siya." nagmamakaawang sambit niya. Hindi ko siya matanggihan dahil naaawa ako sa sinasabi niya. At mukhang desperada na rin siyang mapapayag si Sir Drake. "Hindi ko po maipapangako pero gagawin ko po ang best ko." sambit ko naman sa kanya. "Salamat." nakangiting sagot naman niya sa akin. Pagkatapos ng usapan namin ay umuwi na ako sa condo. Saktong pagdating ko ay ang pagdating din niya, magkasunuran lang pala kami. "May dinaanan ka pa?" tanong niya sa akin, "Kanina pa tapos ng klase natin ah. Mukhang gumala ka ah." nakangiting dagdag pa niya. Tumango na lang ako bilang sagot, hindi ko rin kasi naman alam paano masisimulan ang pagpilit ko sa kanya sa pakiusap ng mommy niya. "Umm, uhh." panimula ko kaya naman napatingin siya ulit sa akin. "Bakit? May sasabihin ka ba?" tanong niya sa akin. Hindi ako kaagad nakasagot. Naninimbang din kasi ako kung ano ba ang sasabihin ko. "Ah, wala po." pagsisinungaling ko naman sabay pasok sa loob ng kwarto ko. Hahanap muna siguro ako ng tyempo. *** "Sienna." napatingin naman ako sa tumawag sa akin. Nandito na naman ang mommy ni kuya Drake, mukhang kakausapin na naman ako. Lumapit siya sa akin ng makalabas na ako sa campus. "Nakausap mo na ba si Drake?" tanong niya sa akin. "Hin..hindi pa po." sagot ko naman, "Humahanap pa po kasi ako ng tyempo." dagdag ko pa. Magsasalita na sana siya pero napigilan sa pagdating ni kuya Drake. "Ano na naman pong ginagawa niyo rito? " tanong niya sa mommy niya, "At bakit ginugulo mo rin si Sienna?" medyo naiinis na ang tono ng boses niya. "Gusto ko lang naman pumayag ka." sagot ng mommy niya. "Tapos na po ang usapan natin, 'wag niyo na itry ulit na pakiusapan ako." sagot naman niya sabay hawak sa kamay ko. Hinila na niya ako paalis pero hinawakan ng mommy niya ang kabilang kamay ko. "Sienna." nagmamakaawa ang mga mata niya sa akin. Tumingin ako kay kuya Drake at bakas sa mukha niya ang pagkainis sa ginagawa ng mommy niya. Pero mas nilakasan niya ang paghila saakin dahilan para mapabitaw sa akin ang mommy niya. Pagdating namin sa condo ay tahimik lang kaming dalawa. Buti nga at wala si kuya dahil for sure maninira na naman yun ng mood. "Pwede ba, kung ginugulo ka ng nanay ko magsabi ka naman sa akin." sambit niya naman na halatang naiinis sa nangyari. "Hindi naman po ako bata para magsumbong ng magsumbong sa'yo." sagot ko naman sa kanya. Medyo nainis na rin ako dahil sa ginagawa niya. Oo, hindi ko alam ang rason kung bakit niya hindi kayang tulungan sila pero I don't think na sobrang bigat noon para matiis niya ang tatay niya. "Sabihin mo lang sa akin, hindi ka nagsusumbong, sabihin lang. Kasi affairs ko 'yun, hindi iyon sa'yo. Labas ka na sa kung anong meron kami." sagot niya naman sa akin. Oo nga pala, labas nga pala ako sa kung anong meron siya, sa affairs nila. "Okay." 'yan na lang ang nasagot ko sa kanya. Alangan makipagtalo ako, eh may point naman siya. Hindi na siya nagsalita pa at umalis na siya sa harap ko at pumasok sa loob ng kwarto niya. Papasok na rin sana ako ng dumating bigla si kuya. "Oh, nakauwi na pala kayo." sambit niya. Tumingin lang ako sa kanya at hindi sumagot. Ang daming tanong sa isip ko, gusto ko itanong kay kuya. "May sasabihin ka ba?" tanong niya sa akin. "Hmmm." inisip ko muna kung dapat ko ba sabihin, "'Wag na lang." "Sabihin mo na." nakakunot-noo niyang sambit. Napabuntong-hininga muna ako, "Alam mo ba ang reason bakit ayaw ni kuya Drake tulungan parents niya?" "Shh. 'Wag mo nga lakasan boses mo, baka marinig ka. Ayaw pa naman niyang pinag-uusapan ang parents niya." sabi naman ni kuya sabay hila sa akin sa loob ng kwarto niya. "Bakit ba?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Bakit mo ba kasi 'yan biglang tinatanong? Saan mo naman nalalaman 'yan?" tanong niya sa akin. "Nakita ko ang mommy niya habang magkasama kami. At kinausap din ako para tulungan siyang kumbinsihin si kuya Drake." sagot ko naman sa kanya. Pero grabe makareact, akala mo naman end of the world na. "'Wag mo na subukan. Dahil hindi 'yun papayag. Baka magalit pa sa'yo." sagot naman niya sa akin. "Eh bakit ba? Ano nangyayari?" tanong ko naman. Nalilito na ako, dapat malaman ko kung ano ba kasi nangyari. Para alam ko paano ako aakto. "Namatay 'yung kapatid niyang bunso dahil sa tatay niya. Kaedad mo na sana 'yun, kaya lang namatay." pagkukwento ni kuya, "'Wag mo na lang banggitin na naikwento ko sa'yo. Ang kulit mo kasi." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kaya pala ayaw niya tulungan dahil mabigat pala ang dahilan. "Basta SA victim ang kapatid niya. At tatay niya mismo ang gumawa nun sa kanya. Nagsumbong sa mommy pero hindi pinakinggan. Ayaw makulong ang asawa kasi nga kahihiyan, eh diba kilala sila. Kaya ayun nadepress at nagpakamatay 'yung kapatid niya." hindi ako makapaniwala. Wait, totoo ba lahat ng ito? Baka nananaginip lang ako. Bigla akong nakonsensya, ni hindi ko 'man lang inisip ang nararamdaman niya. Nahihiya na tuloy akong harapin siya, para palang sobra akong naging pakialamera. Na akala ko alam ko talaga ang rason pero hindi pala. *** Kinabukasan, dahan-dahan akong lumabas mula sa kwarto ko. Ayoko kasi sana na magkita pa kami ngayong araw dahil nahihiya nga ako. Kaya lang saktong paglabas ko ay ang paglabas niya. Nakakatawa nga talaga ang tadhana, para kang pinaglalaruan, kasi the more mo iniiwasan mas lalo mo nakikita. "Tungkol pala sa kahapon." pagsisimula niya, "Sorry. Hindi ko dapat ibinuntong saiyo ang galit o inis ko. Pasensya ka na." dagdag pa niya. "Huh? Ahhh, ehhh." bawal ko sabihin na alam ko na ang rason, kaya medyo nabaliw ako sa pagsagot. "Sorry din po. Masyado po akong nangealam, dapat kinuha ko pa rin po ang opinyon niyo tungkol dito." dagdag ko. "Okay lang. Alam ko namang gusto mo lang maging maayos ang lahat. I appreciate you, swear." he said at ngumiti sa akin, "Pero sana kapag ginulo ka pa niya, sabihan mo na ako. Ayokong madamay ka sa problema na meron ang pamilya ko." Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. "Let's buy some breakfast bago pumasok. I'll treat you." sabi niya naman sabay ngiti, "Pambawi sa nasabi ko kahapon." Dumaan kami sa isang stall na usual na nadadanan namin. Puro breakfast ang tinda rito at masasarap ang pagkain din. "Oh, ito na order mo. Sa campus na tayo kumain para hindi na rin malate?" pagkuha niya sa opinyon ko. "Okay po, wala naman pong problema." sagot ko naman sa kanya. Habang naglalakad kami papunta sa university ay nagsalita siya. "Magulo ang pamilya ko." he started, "May pera pero malungkot. Alam mo ba, may kapatid akong babae. Siguro kaedad mo siya ngayon." napatingin naman ako sa kanya dahil mukhang ikekwento na niya sa akin ang tungkol sa kapatid niya. "Akala ko po only child kayo." sagot ko naman sa kanya, which is true naman. Akala ko naman talaga isa lang siya kasi 'yun ang sinasabi niya. "Only child na, kasi patay na kapatid ko." sambit niya, "Dahil sa daddy ko. Kaya hindi ko rin sila magawang tulungan, alam ko kasing dahil sa kanila nahirapan ang kapatid ko." Nalungkot ako, iba pala kapag sa kanya galing ang kwento. Ramdam mo 'yung pain eh. "Sinasabi ko ito sa'yo para malaman mo ang rason kung bakit ayaw ko sila tulungan. Pero sana sa atin na lang ito." sabi niya naman, "Alam mo naman ang SA diba? Ginawa 'yun ng tatay ko sa kanya." at eto na nga, kinwento na niya ang rason kung bakit. At dahil sabi nga ni kuya dapat hindi ko pa kunwari alam, ay nagkunwari akong ngayon ko lang nalaman ang lahat. "Nagpakamatay ang kapatid ko. Sobrang sakit, Grade 10 ako nang mangyari iyon. At siya naman ay nasa Grade 6 ata. Siguro kung hindi eiya namatay, magkaibigan kayo." ngumiti naman siya sa akin, "Buti nga dumating ka eh, nagkaroon tuloy ako ng instant kapatid. Baka ipinadala ka ng kapatid ko para sa akin, para hindi ko siya masyadong mamiss." nakangiti dagdag niya pa. Hindi ko naman namalayan na nakarating na pala kami sa campus sa sobrang dami ng usapan namin at dahil nakikinig din ako ng maayos sa sinasabi niya. "Kapatid?" tanong ko sa sarili ko na narinig pala niya. "Oo, kapatid. Ikaw at ako, magkapatid." pag-ulit niya pa. Kapatid, 'yun lang pala ang tingin niya. So, lahat ba ng gestures na ito ay dahil kapatid ang tingin niya sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD