Falling in Love with You

2622 Words
Sienna's Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Sir Drake na kumakain ng breakfast na mag-isa. "Si kuya po?" tanong ko sa kanya. "Nauna umalis, may aasikasuhin daw sa botika niyo." pagsagot niya naman sa tanong ko, "Kumain ka na rito, baka malate ka pa sa klase mo." dagdag niya pa. Umupo na rin ako sa may dining table at kumain ng breakfast. And as usual, nauna na naman siya matapos kumain kaysa saakin. "Mauna ka na po sa university." sabi ko naman sa kanya kasi mukhang aantayin na naman niya ako. "Intayin na kita." sagot niya naman saakin sabay ngiti. Bakit niya ako kailangan intayin? Bakit ganito 'yung nararamdaman ko? Ito pala 'yung sinasabi niyang kilig. Sa 19 years kong nabubuhay, ngayon ko lang naramdaman itong ganitong feeling. Never naman kasi ako nagkagusto pa sa isang tao kahit dati pa, kaya nga alam kong weird din talaga ako. Kaya everything is new to me, 'yung joy na nararamdaman ko, 'yung pagbilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam, the first time I saw him, bigla na lang ako nagkaganto. Before, hindi ko talaga magawa magkagusto sa kahit sino, sa kadahilanang akala ko lahat ay katulad ng ugali ng kuya ko. Pero I was wrong, mayroon palang mga lalaki na kaya ka alagaan talaga. At gaya nga ng sinabi niya, inantay niya talaga ako matapos at sabay kaming pumasok. "Hoy, umamin ka nga." sabi naman ni Bea sa akin pagkaupo ko palang sa seat ko. "Ano 'yun?" nagtatakang tanong ko kasi umagang umaga palang at may tanong na agad siya sa akin. "Gusto mo si Sir Drake noh?" tanong niya sa akin. "Hin..hindi ah." pagsisinungaling ko, kahit alam ko naman deep inside na oo na ang sagot dun. "'Wag ka nga magsinungaling, nakita kita kanina." sabi niya pa sa akin. "Wait, ano'ng nakita mo? Bakit mo nasabing may gusto itong si Sienna kay sir?" tanong naman ni Aila kay Bea. "Hinatid ako ni daddy, nakita ko silang naglalakad papasok ng university at alam mo ba itong si accla, halatang halata kung makatitig kay sir parang matutunaw na." pagkekwento naman ni Bea ng nakita niya nga. "Huy, ano ba." sabi ko naman atsaka yumuko sa hiya, "Halata ba ako?" "Hindi naman." sagot niya, "Halatang halata lang." dagdag asar niya sa akin. "Hala, baka alam na niya na crush ko siya?" tanong ko naman sakanila. "Oh, sayo na mismo nanggaling na crush mo nga talaga. Nahuli ka rin sa sarili mong bibig." sabi naman niya sabay tawa. "Kasi naman eh. Pinagkakatuwaan mo ako." puna ko naman sa kanya. Natawa naman silang dalawa, pero sumeryoso rin naman agad ang mukha ni Aila. "Para saakin ah, wala namang masama if magustuhan mo siya. Hindi naman malaki ang agwat niyo, diba? Sabi mo 23 na si Sir Drake." sabi naman ni Aila sabay tingin sa akin. "Oo ata, kasi sabi ni kuya sa akin one time mas bata raw sa kanya si sir." pagcoconfirm ko naman sa sinabi niya. "Sige, para safe sabihin na nating kaedad ng kuya mo. Kunwari 24 siya at ikaw naman 19, 5 years lang naman ang gap niyo. And I can see nothing wrong with it. Kaya lang iba kasi ang situation ngayon." sabi naman ni Aila, "Diba masyado kamong mabait sa'yo si sir, so, baka gusto ka rin niya? Although we're not sure about it pa ah, ayoko rin naman na bigyan ka ng false hope." Tumatango-tango naman si Bea habang patuloy sa pagsasalita ng kanyang words of wisdom si Aila. "Sige, sabihin na natin na may gusto kayo sa isa't isa, sa tingin mo kaya okay 'yun? Siguro, if you really want him na maging boyfriend mo, you have to wait until you become a college student at hindi mo na siya prof. It will spark speculations lang din kasi, and I don't want them to question your credibility of passing his subject. Plus, hindi naman ikaw ang pinakamaapektuhan kung hindi si Sir." dagdag pa ni Aila. Pero may punto siya, tama naman ang sinabi niya. Kaya lang, bakit nandun na agad? Hindi naman ako gusto ni Sir Drake. "Beh, ang advance mo mag-isip." natatawang puna naman ni Bea sa kanya. "Mas okay na 'yun, para lang naremind natin siya. Baka mamaya maging impulsive ang decision niya eh kung sakaling malaman niyang gusto talaga siya ni sir." sagot naman niya kay Bea. Although tama naman talaga siya. Kung sakaling may gusto siya at magkaligawan kaming dalawa, hindi ako ang pinakaapektado eh, siya talaga. Pero tama na, wala pa namang sinasabi 'yung tao about sa nararamdaman niya sa akin. "Basta ah, 'wag mo masamain ang sinabi ko. Advice ko lang 'yun, ang desisyon ay nasa sayo pa rin. Whatever decision you make, I will always support you." pagpapaalala naman ni Aila sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya, I am really blessed to have them as my friend. *** Nagising ako ng madaling araw at nakita ko na naman sa may sala si Sir Drake, but this time umiinom siya. Napatingin naman ako sa lapag at nakitang nakahiga si kuya. Siguro ay nag-inom silang dalawa noong tulog na ako. Umupo ako sa tabi niya kaya napatingin naman siya sa akin. "Nakita mo na naman ako." he said, napansin ko naman na namumula na ang pisngi niya kahit pa dim lights lang ang open. "Uminom kayo ni kuya, sir?" tanong ko sa kanya. Tinanguan niya lang ako bilang sagot, pero wala na siyang ibang sinabi pa. "Matulog ka na po kaya, mukhang lasing ka na po eh." sabi ko naman sa kanya. Halos hindi naman ako makahingi ng tumitig siya sa mga mata ko at ngumiti. 'Yung t***k ng puso ko grabe, parang ayaw tumigil. "Sir." hindi ko alam kung bakit ko naisip na tawagin siya. "Sabi ko sa'yo kuya na lang ang itawag mo eh." sabi niya naman sa akin sabay pindot sa ilong ko. Bakit kaya ang hilig niya guluhin ang buhok ko, o hindi kaya pisilin ang pisnge at ilong ko? Sobrang nagpapakilig sa akin lahat ng ginagawa niya at hindi ko maiwasan isipin na baka parehas kami ng nararamdaman. "Kuya." pagsunod ko naman sa sinabi niya. "Ayan, good." sagot niya naman sa akin, "Pumasok ka na sa loob ng kwarto mo, magliligpit na rin ako." sabi niya naman sa akin. "Tutulungan na po kita, wala naman po akong pasok bukas eh." sagot ko naman pabalik sa kanya. "Ako na, okay lang. Tulungan mo na lang 'yang kuya mo na makapunta sa kwarto niya." pagtanggi naman niya sa sinabi ko. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang itayo ito si kuya at alalayan papunta sa kwarto niya. Napakabigat, nakakainis! Iinom inom kasi tapos hindi naman pala kaya. "Tulungan na nga kita." pagprisinta naman niya ng makita niya na nahihirapan ako na alalayan si kuya. Naramdaman ko naman ang pagwawala ng puso ko ng madaplis ang kamay niya sa kamay ko. Considered na ba 'yun na holding hands? Pwede na ba? "Okay ka lang?" napansin niya ata na parang nawala ako sa sarili ko, "Ah, opo, okay lang ako." sagot ko naman sa kanya. Ibinaba naman namin si kuya sa kama niya at natawa naman kaming dalawa dahil bigla siyang nagmurmur. "Kuya mo talaga, mabilis malasing." natatawang puna niya naman. "Ikaw po? Sure ka pong hindi ka lasing?" tanong ko. "Oo, sure ako na hindi ako lasing. Nakainom lang." nakangiting sagot naman niya sa akin at ginulo na naman ang buhok ko. Napatingin lang ako sa kanya, at ngumiti naman siya sa akin. "Matulog ka na, ako na bahala rito magligpit." sabi naman niya sa akin sabay tulak sa akin papunta sa kwarto ko. "Pero pwede naman po kita tulungan." pagprotesta ko pa, pero umiling siya. "Matulog ka na. Kaya ko na ito. Goodnight." sabi niya naman sabay tulak sa akin ng bahagya papasok sa kwarto ko. Wala na akong nagawa dahil ayaw talaga niya magpatulong kaya hinayaan ko na lang siya. Pero ganto pala ang feeling ng may crush, ng inlove. Masarap pala sa feeling kapag kinikilig. Hihiga na sana ako sa kama. Kaya lang, naalala ko na iinom nga pala ako ng tubig kaya ako lumabas kanina. Kaya naman napagdesisyunan ko na lumabas uli sa kwarto ko para makainom ng tubig. Paglabas ko nakita ko siyang nakaupo pa rin sa may sofa. Akala ko ba maglilinis na siya? "Bakit lumabas ka na naman?" tanong niya sa akin. "Nakalimutan ko uminom ng tubig." sagot ko naman sa kanya. Nakita ko naman na napangiti siya sa sinabi ko atsaka tumango. Nagtungo na ako kaagad sa kusina para kumuha ng tubig. Pabalik na sana ako sa kwarto pero hindi ako mapakali kaya lumapit ulit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. "Okay ka lang po ba talaga?" tanong ko sa kanya. "Oo, okay lang ako. Sinabi ko na naman kanina diba?" pagsisigurado naman niya sa akin. Pero alam kong hindi talaga, kaya tinitigan ko siya sa mga mata niya ng diretso, "Alam kong hindi ka po okay." Napangiti siya ulit atsaka nagbuntong-hininga. "Parang kilalang kilala mo ako. Kahit hindi ako magsalita, alam mo talaga ang nararamdaman ko." sagot niya naman sa akin. Nanatili akong nakatingin sa kanya. "Ang swerte ng kuya mo sa'yo. Maalaga ka at maalalahanin." komento naman niya, "Siguro kung nandito pa ang kapatid ko, magiging magkaibigan kayo." dagdag pa niya. Kung nandito pa ang kapatid niya? Bakit nasaan na ba siya? "Masyado ka ng nalalaman tungkol sa akin. Baka iblackmail mo na ako." natatawang sambit niya, "Alam mo, gumagaan talaga ang damdamin ko kapag nakakausap kita. Kaya salamat talaga." dagdag pa niya. Hindi ko naman naiwasan ang pagngiti ko dahil sa sinabi niya. "Masaya po akong marinig iyon sa'yo, kuya." sagot ko naman sa kanya. "Maiba tayo." panimula niya, "Ako naman ang magtatanong sa buhay mo. Kamusta ka naman? Kamusta ang research mo?" tanong niya naman sa akin. "Okay naman." nakangiting sagot ko, "Medyo nahihirapan po pero kayang kaya." dagdag ko pa. Aba, syempre magpapakitang gilas na ako sa kanya noh. "Good to hear, basta kung may hindi ka naiintindihan, sabihan mo lang ako. I'm ready to help, always." sagot naman niya sa akin sabay ngiti, "Matulog ka na, masamang magpuyat ang mga batang tulad mo." pagsasabi naman niya sa akin. "Hindi na po ako bata." pagpapaalala ko naman sa kanya. "Okay, sige, sabi mo eh." sagot naman niya sabay ngiti sa akin. Tumakbo na ako sa kwarto ko at sobra akong kinikilig sa simpleng interaction namin na iyon. Ano ba ang ibig sabihin kung bakit siya sobrang open sa akin? Normal ba yun? Hindi naman siguro diba? Gusto niya rin ba ako? Ang daming tumatakbo sa isip ko, ang dami kong gusto malaman na sagot. Pero paano ko malalaman kung hindi ko itatanong. At ayaw ko rin naman na magtanong. Sa kakaisip ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako dahil nakarinig ako ng katok sa kwarto ko. "Aga aga, sino ba 'to." mahinang tanong ko sa sarili ko. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si kuya na nakakunot ang noo. "Kanina pa ako kumakatok, bakit ba nakalock kwarto mo?" tanong niya sa akin. "Eh nilock ko, pake mo." sagot ko naman sa kanya kaya nakutusan na naman ako, "Aray. Ano ba kasi 'yun?" naiiritang tanong ko sa kanya. "Aba, baka gusto mo maggrocery? Pupunta pa ako sa botika, pumasok naman si Drake." sagot niya naman sa akin. "Mamaya na lang." inaantok na sambit ko naman. Aga aga pa tapos papaalisin ako agad. "Basta mamili ka, ito 'yung pera." inilagay niya sa kamay ko ang pera, "Baka malate ako makauwi. Sabihan mo na lang si Drake na magpadeliver kayo." "Oo na, umalis ka na at matutulog pa ako." sagot ko naman sa kanya. "Kung magkataon din baka bukas na ako bumalik. Kailangan ko rin pumunta sa botika sa bulacan. Ikaw na bahala rito." pagbilin naman niya sa akin. Tumango-tango na lang ako bilang sagot. At buti naman tumigil na rin siya sa pagbilin kaya naman sinarado ko na ang pinto ng kwarto ko at bumalik na ako sa pagtulog. Sinubukan ko bumalik sa pagtulog pero hindi ko na magawa dahil naputol na ang mahimbing kobg tulog, salamat sa kuya kong epal. Kaya kahit nakakainis pang bumangon ay napilitan na akong umalis para mamili ng mga kailangan sa bahay. Mabilis lang din naman na natapos ang pamimili ko kaya naman nakabalik agad ako sa condo. Pagpasok ko ay nabigla naman ako ng makita ko si Kuya Drake na nakahiga sa sofa at nakapikit, namumula ang mukha niya at nakakunot ang noo. "Kuya?" pagtawag ko ng atensyon niya. Iminulat naman niya ng konti ang mata niya atsaka tumingin sa akin. "Oh, nandiyan ka na pala." nanghihinang sabi ni kuya Drake sa akin. "Naku, okay ka lang po ba?" nag-aalalang tanong ko. "Oo. Kailangan ko lang ipahinga ito." sagot ko naman sa kanya. Napapikit naman siya ulit kaya naman sinalat ko na ang noo niya gamit ang aking kamay. Napakainit niya, may lagnat pala siya. "Lagnat lang ito, 'wag ka mag-alala." pag-eexplain niya naman niya sa akin kahit na hindi pa naman ako nagtatanong. Hindi na ako nagsalita pa. Kumuha na lang ako ng towel sa kwarto ko and naglagay ng yelo sa tubig para doon ako magsawsaw ng towel para sa kanya. "Nakakahiya naman sa'yo." sambit niya habang pinupunasan ko ang mukha niya ng malamig na bimpo. "Palagi mo na lang akong inaalala." Paano kitang hindi aalalahanin? Eh hindi mo inaalala ang sarili mo. "Salamat, Sienna. Mas bata ka sa akin pero mas alam mo kung paano mag-alaga. Pasensya ka na rin kung naabala kita." paghingi niya ng pasensya sa akin sabay ngiti. "Wala po 'yun. You've been a great friend to my kuya at naging mabuti ka ring prof sa akin at kuya." sagot ko naman sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa habang pinupunasan ko ang mukha niya. Hindi ko maiwasang hindi kiligin. Pero agad ko iyong binawi dahil nahiya ako at baka mahalata niya ako. Napansin ko naman ang pagngiti niya sa peripheral view ko. "May gusto ka ba sa akin?" tanong niya with matching ngiti. "Huh?!" hindi ko alam anong sasabihin ko, "Hin..wa..wala ah. May iba akong gusto at hindi ikaw 'yun." dagdag ko pa pero sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Nasstress ako. "Joke lang, masyado ka namang defensive." natutuwang sambit niya. "Eh kasi naman po, bakit niyo po iyon itatanong sa akin?" tanong ko sa kanya. Hindi pa rin bumabagal ang pintig ng puso ko, rinig na rinig ko pa rin siya hanggang ngayon. "Trip ko lang. Pero, hmm, meron ka'ng crush?" tanong niya sa akin, "Sino naman 'yan? Kaklase mo ba?" tanong niya pa ulit sa akin. "Hindi. Sa kabilang section po." pagpapauso ko, kahit na wala naman talaga akong crush sa kahit kanino dun. "Hmm? Sa STEM 12-B?" tanong niya sa akin. "Uh, oo. Nandun po." pagsisinungaling ko naman. "Mga estudyante ko sila." sagot niya naman sa akin, "Mukhang alam ko na kung sino." Badtrip, sino kayang nasa utak nito? Eh wala nga akong kilala sa section B. Siguro sasagot na lang ako ng oo kung sino 'man ang sabihin niya. "Xander." pagsambit niya, "Xander Alonzo?" Sino 'yun? Gwapo kaya 'yun? Pwede ba pang front? "Para sa isang may lagnat, masyado ka pong maraming sinasabi. Magpahinga ka na po at 'wag niyo na alamin sino ang crush ko." sagot ko naman sa kanya sabay tayo mula sa sofa. Napatawa naman siya sabay tango sa akin. "Kapag sinaktan ka noon, sumbong mo sa akin. Ibabagsak natin." sambit niya kaya napalingon ako sa kanya ulit, "Joke lang. Hindi ako ganun, fair ako. Pero, kapag sinaktan ka syempre hindi ako papayag. Ayokong nasasaktan ang bunso kong kapatid." Bunsong kapatid? 'Yun lang ba talaga ang tingin niya sa akin? Kapatid? Kaya ba siya mabait sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD