Kabanata 5

1568 Words
Dahil sa pananakit ay dalawang linggong nakulong si Valeria. Ipinakulong siya ng mga Sinclair, dahil sa natanggap na mga paso ni Elena sa kanyang likod. Kung tutuusin ay halos pareho lang sila ni Elena na napasok ng apoy at hindi niya naman kasalanan ang nangyari. Dinipensahan niya lamang ang sarili. Tinawagan niya ang kanyang ina nang makulong siya. Ngunit ang kapitbahay nila ang sumagot at sinabing nagpapahinga ang kanyang ina. Sobrang nagulat nang malaman ang tungkol sa ginawa niyang pang-aagaw sa asawa ni Elena. At lalong nagulat ito nang malamang itinulak niya si Elena sa apoy, kaya inatake ito sa puso.   Dahil sa nangyari ay napagtanto ng kanyang ina na walang utang na loob si Valeria sa ginawa niya sa pamilya Sinclair na nag-aruga sa kanya. Siya ay nasa isang karaniwan at mabahong selda kasama ang dalawa pang babae na walang tigil sa pag-aaway, pang-aagaw ng kanyang higaan at kinakain ang kanyang mga pagkain. Mabuti na lamang at hindi siya nila sinasaktan, bagay na ipinagpapasalamat ni Valeria. Isang Martes ng umaga ay nakatanggap siya ng bisita, wala siyang ideya kung sino iyon. Walang nakakaalam sa mga kaibigan niya na nandoon siya. Ang nanay naman niya ay mahina pa. Kaya inakala niyang si Adrien ang bibisita. Pero nagulat siyang nang si Elena Sinclair ang dumating. Maaliwalas at maganda ito gaya ng dati. Taas-noo itong naglakad papasok ng presinto. Mabining hinawi nito ang kanyang buhok. Mataas ang taking ng kanyang sapatos. Ang kanyang mahaba at at maputing mga binti ay kitang-kita, kaya naman nakuha niya ang atensyon ng mga naroon.   “Valeria Richardson, lumapit ka,” utos ng isa sa mga guard. “Ilabas mo ang iyong mga kamay para maikabit ang mga posas sa iyo. May bisita ka.” Inilabas niya ang kanyang mga kamay at ikinabit nga sa kanya ang posas. Parang hindi naman masyadong malayo ang pupuntahan nila, ilang metro na lang sa mga upuan na kupas na lahat. Taliwas iyon sa kaginhawaan na hinihingi ni Elena para sa kanyang pagbisita. “I’m not going to sit on that thing,” naiinis niyang sabi ng makitang nakaupo na si Valeria. “Buweno, tumayo ka na lang kung gano’n, Ma’am” sabi ng bantay sa kanya. “Nagsisimula na ang pagbisita, may sampung minuto ka lang para kausapin si Richardson at mayroon ka na lang siyam na minutong natitira.” “Then shut up para makapagsalita na ako.” Natahimik ang pulis na bantay. Kumuha siya ng ilang papel sa Gucci bag na nakasabit sa kaliwang braso at inilagay sa kupas na lamesa. “Kunin mo. Maghahanap lang ako ng ballpen.” Hinalungkat niot ang dalang bag saka naglabas ng asul na ballpen. “Annulment papers iyan, pirmahan mo.” Nang marinig ni Valeria ang salitang “annulment” ay bigla siyang nanginih. Naglandas ang mga luha sa kanyang mga mata. “Bakit hindi siya dumating?” aniya kahit na malinaw naman na ayaw man lang siyang makita ni Adrien Mckenzie. “Anong kailangan mo kay Adrien? Ang pagkakaalam ko, boss mo siya at empleyado ka lang niya. Isa ka lang hamak na palamunin sa pamamahay namin. Bakit ka naman pupuntahan ni Adrian sa lugar na ito? Ilang linggo pa lang kayong kasal, ‘wag ka na rin magpanggap na naaapi. Pirmahan mo na lang, para mas magiging mas madali para sa lahat.” Kinuha ni Valeria ang mga papel sa abot ng kanyang makakaya at sinimulang basahin ang mga ito. Sa ibaba, kung saan kailangan ang mga pirma, ay mayroon nang pirma si Adrien. At matatapos ang lahat kung pipirma siya. Matatapos ba talaga ang lahat kung pumirma siya? Paano siya makakalabas sa kulungan na iyon kung wala na siyang halaga sa mga Sinclair at hindi na siya asawa ni Adrien. Kakainin ba nila siya kakainin nang buhay? Muli niyang tiningnan ang pirma ni Adrian. Nasaan ang dapat ang pinagkasunduan natin? Isang taon sana silang kasal, pero itinapon lang ni Adrien ang lahat ng mga sinabi niya na parang basura. Isang tanga ang tingin nito sa kanya, lahat ng tao ay itinuturing siyang tanga. Ang ang tingin nila sa kanya ay walang kwenta na magagamit nila, tapak-tapakan, hampasin at duraan pa. Kung pipirma siya ako ng annulment ay walang makapagpapalabas sa kanya. Isang taon ang pinag-usapan nila, ngunit mukhang magmumukha na lamang siyang isang magnanakaw ng asawa at taksil sa mga Sinclair. Isang babaeng mababa ang lipad. Hindi. Hindi niya kayang gawin iyon sa sarili niya. “Sabihin mo kay Adrien na kung gusto niyang pumirma ako ng annulment, siya mismo ang pumunta rito. Nakatulong ba sa iyo ang dalawang linggong honeymoon namin para mawala ang batang dinadala mo pero hindi naman si Adrien ang ama?” Nakita niyang namutla ang mukha ni Elena. Mukhang nagulat ito na may nakakaalam ng sikreto niya. “O parang problemado ka pa?” “Hindi ko alam ang sinasabi mo, Valeria. Hindi pupunta si Adrien sa lugar na ito para lang papirmahin ka ng annulment papers.” “Kung gano’n, hindi ko pipirmahan ‘yan. Excuse me, Sir. Tapos na ang pagbisita na ito.” Tumayo si Valeria at naglakad kasama ang pulis. Tinanggal ang posas niya at ibinalik siya sa loob ng selda. Makalipas ang sampung minuto, nasa harap na ng selda si Adrien Mckenzie. Talagang gusto niyang mapunta sa lugar na iyon ang hiwalayan na iyon. “Gusto mo bang pumasok, Sir? O ilalabas ko siya?” tanong ng security. “Hindi na kailangan. Kakausapin ko siya mula dito. Hindi ako magtatagal.” “Sige, Sir.” Lumapit kay Valeria ang dalawa pang babae na nasa loob, na napansin ang gwapong mukha ng lalaking tinawag nilang sir. “Bakit pumunta ang magandang babae na iyon upang makita ka at ngayon ang napakaguwapong lalaki?” “Siya ang asawa ko,” pagtatapat ni Valeria. Namamanghang nagulat ang mga babae. “Ano pa ang hinihintay mo? Kausapin mo na siya!” anila sa kanya. “’Wag mo na siyang paghintayin, baliw ka ba?” “Hindi pa.” Huling beses niyang nakita ang kahihiyan nito at wala siyang nagawa. Ngayon ay siya na ang unang nagsalita. Tinitigan siya ni Adrien na may kumikinang na mga mata, naghihintay na una itong magsasalita. Ngunit tiningnan lang siya ni Valeria at hindi man lang kumibo. Hindi, hindi ito lalapit. Ito ay isang tahimik na labanan sa pagitan nilang dalawa at kung sino ang unang bibigay ay siyang talo. “Valeria.” Sa wakas ay sinabi ni Adrien. Ayaw niyang magtagal doon ng kahit isang minute. Mabaho roon at maraming basura. “Lumapit ka. Pag-usapan natin ang tungkol sa annulment,” aniya. Nasa labas kasi ito ng selda. Namamangha ang dalawang babae habang nanalo si Valeria sa unang round laban sa makapangyarihang lalaki na nanonood sa kanya mula sa loob ng mga rehas. Napatayo siya, naglapatt ang pang-upo niya sa matigas na kahoy na upuan. Mabaho ang hininga niya, alam niya, kaya dumistansya siya kay Adrien. “Anong ipinunta mo rito?” walang ganang tanong niya. “Gusto kong pirmahan mo ang annulment. Hindi dapat nangyari ang kasal na iyon, kaya tapusin na natin ang lahat ng ito.” “Hindi pa sila magkasama,” sabi ng isang kasama niyang preso. “Walang dapat paghiwalayin.” “Sabi mo pipirma ka ng annulment?” “Sinasabi ko...ang bagong Mrs. Mckenzie ay nakakulong sa isang maruming selda, kasama ang dalawang maruruming kalapating mababa ang lipad na hindi tumitigil sa pag-aaway sa isa't isa, nakikipag-agawan ng higaan tuwing gabi at pati pagkain ko ay kinukuha nila. Gusto mo bang malaman ito ng press? Tingnan mo nga ang sitwasyon ko, sa tingin mo ba ay pipirma ako ng papeles na ‘yan? Wala akong ligo at hingi ako nakakatulog nang maayos at nagugutom ako.” “Gusto mong paalisin kita dito, tapos pipirmahan mo ang mga papeles?” Mukhang nataranta si Adrian. “Hindi mo naiintindihan, Adrian.” Naikuyom niya ang kanyang panga nang sabihin nito ang kanyang pangalan. “Ako ang asawa mo, ang dapat na pinakamahalagang bagay na mayroon ka, na iginagalang at ang iyong salita ay itinatapon mo lang sa isang sulok. Hindi ba may kasunduan tayo na isang taon ang epekto kasal natin?” Tumalikod siya para tingnan ang mga kasama sa selda. “Girls, huwag kayong magtitiwala sa salita ng isang mayaman, hindi sila mapagkakatiwalaan. Mas maigi kapag pera ang usapan, hindi totoo ang salita nila.” “Totoo iyon! Manggagamit sila pero hindi naman tumutupad sa usapan!” “Masahol pa sila sa mga daga sa imburnal!” sabi naman ng isa. Nang marinig mula sa mga babae ang pag-insulto ay nawalan ng kontrol si Adrien, humawak siya sa maruruming rehas at lumapit sa kanila. “My word is worth what I say it is worth, and it is worth a lot. But…” “Naku! Mr. Mckenzie! Madudumihan ang mga kamay mo,” mapang-uyam na bulalas ni Valeria. Sinabayan siya ng mga kasamahan niyang babae at minura si Adrien ng kung anu-anong masasamang salita. “Shut the f**k up! Ang lahat ng sinasabi ko ay mas mahalaga kaysa sa buhay ng tatlo! Isang taon, magiging parang isang libong taon kapag ikaw ang kasama ko. Dahil katumbas ng isang paghihirap ang pagiging asawa mo. Pero tatandaan mong mas mahirap ang magiging pagdadaanan mo,” malamig niyang sabi. Lumayo siya roon at makalipas ang ilang minuto ay nakalabas na si Valeria sa selda. “Malaya ako na ako,” aniya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD