Kabanata 6

1989 Words
Pagkalabas niya sa lugar na iyon  ay mabaho at madungis siya.  Mabaho ang kanyang hininga at masakit ang kanyang katawan. Tumingala siya sa kalangitan. Nnag tumama ang sinag ng araw sa kanyang mukha ay nagsimula siyang umiyak. Dalawang linggo lang ang nakakaraan magmula nang makulong siya pero ramdam niya ang pagkawalang pag-asa. Bawat oras ay nilulukob siya ng matinding takot, hindi alam ano ang mangyayari sa kanya. Masyado siyang inapi at walang nagmamalasakit sa kanya roon. Tiningnan niya ang kanyang bag kung may pera siya, walang taxi na gustong magpapasok sa kanya sa sobrang baho niya. Namatayan ng baterya ang kanyang cell phone dahil sa loob ng dalawang lingo ay nakabukas iyon at hawak ng mga pulis. Wala man lang siyang dalang charger. Napansin niya ang isang sasakyan na dumaan sa harapan niya, napakabagal at nakababa ang mga bintana. Nakatawag ng pansin ang blonde na buhok ni Elena, pati na rin ang lalaking mapusok niyang hinahalikan. Si Adrien iyon. Gusto niyang ibaling ang mukha sa kabilang direksyon ngunit hindi niya magawa. Nakatitig lang siya sa imaheng iyon habang nahulog ang bag mula sa mga kamay niya, nagkalat ang lahat ng laman niyon sa kalsada. “Excuse me.” Lumapit sa kanya ang isang lalaki, tinulungan siyang kunin ang mga gamit niya sa sahig. “I think you are Mrs. Valeria Richardson.” “Ako nga, naman sa ‘yo ngayon?” basag ang boses na untag niya. Inisa-isa niyang dinampot ang laman ng bag niyang nagkalat. “Wala akong problema. Ako ang driver ni Mrs. Janet Mckenzie, naghihintay siya sa iyo sa kotse. Kung puwede ay huwag n’yo siyang paghintayin, kakaunti lang ang oras niya at pumunta siya para makita ka.” “Si M-Mrs. Mckenzie?” Mali siguro siya, sigurado siyang siya kay Elena ang sadya niya, pero wala na sila dahil nakaalis na. “Nagkakamali ho kayo, pasensya na.” Kinuha niya ang bag niya at nagsimulang maglakad palayo sa lalaking iyon. “Hindi ba ikaw ang bagong Mrs. Mckenzie?!” tanong ng lalaki na tumatakbo habang sinusundan siya. “Ikaw ba ang bagong Mrs. Mckenzie? Sumama ka sa akin. Hindi ako nagkakamali ng tao. Huwag mo nang aksayahin ang oras ko.” Tiningnan ni Valeria ang sarili. Napakabaho niya. “Hindi ko kayang makita siyang ganito, nakakadiri ako.” “Alam ng ginang na kalalabas mo lang sa kulungan. Sumama ka sa akin.” Sumunod si Valeria kahit nahihiya siya. Kailangan niyang makilala ang ina ni Adrien na mukhang masama. Pinagbuksan siya ng driver ng pinto ng kotse, bumungad sa kanya ang isang magandang babae sa loob. “Hindi ako puwedeng lumapit sa kanya nang ganito ang itsura ko. Puwedeng dito ko na lang siya sa labas kakausapin?” mungkahi niya. “Valeria Richardson, pumasok ka na,” sabi ng isang boses mula sa loob. Wala siyang ibang pagpipilian kaya pumasok si Valeria. “Pasensya na po kayo. Mabaho ako,” paghingi niya ng paumanhin. Sumiksik siya sa gilid  ng pinto, palayo sa ginang na nakasuot ng puting suit, who was wearing a white suit. Sopistikada at maganda pa rin siya kahit maputi na ang buhok nito. Tiniyak niyang may sapat na distansya sa pagitan nila para hindi siya maamoy nito.  Kumikinang ang hikaw na suot nito na may nakakawit na brilyante na nakatawag pansin sa kanyang buong mukha. Ang kanyang kuwintas na perlas, ang kanyang mga kamay ay pinalamutian ng ilang pilak na pulseras at kanyang mga daliri ay puno ng mga singsing. Parang mahilig si Mrs. Mckenzie na palamutihan ang sarili ng mga mamahaling alahas. Nasa isang gilid ang kanyang bag na Prada, maliit na kasya sa loob ng murang bag ni Valeria. “Huwag kang mag-alala, alam kong hindi naging maganda ang kalagayan mo. Kaya kita pinuntahan ngayon.  Hindi ko alam kung ano ang sinabi mo sa anak ko para palabasin ka niya sa kulungan. Pupuntahan sana kita pero naunahan niya ako. Hindi ko maintindihan kung paanong nangahas ang mga Sinclair na ipakulong ka. Siguro ay minanipula ni Elena si Adrien pkaya nagawa nila iyon. Mga walanghiya. Kumusta ka pala?” Nagtatakang tumingin si Valeria sa ginang. Bigla siyang naguluhan. “Ayos lang po ako,” pagsisinungaling niya, pero biglang tumulo ang kanyang mga luha.  “Naging mas malala pa siguro sana iyonn.” Pinahid niya ang sariling mga luha.  “Hindi ko maintindihan kung ano ang ginagawa ko rito.” “May pupuntahan ka ba?” “Siguro ay uuwi ako sa nanay ko.” “At iiwanan mo ang iyong asawa sa lugar na ito?” “Sa pagkakaintindi mo, asawa ako ni Adrien, pero parang hindi ko siya asawa. Isang taong lang kaming mag-asawa dahil sa kasunduan namin. At kahit galit siya sa akin, parang hindi niya kayang sirain ang pangakong binitawan niya. Hindi ko alam kung nakakabuti iyon o nakakasama. Sinamantala ko lang ang sitwasyon niya para makalabas ako sa kulungan. Ngayon ay hindi ko na alam ang gagawin ko, wala akong plano. Babalik ako sa nanay ko para alagaan siya at maghahanap ako ng trabaho doon, kung ano man iyon. Puwedeng cashier sa kung saan. Nais ko po munang manahimik at lumayo sa kaguluhan.” “Pinaimbestigahan kita. Alam kong nagtatrabaho ka sa kompanya namin.” “Baka nasisante napo ako.” “I don’t think so. Kasalukuyan kang nagtatrabaho sa advertising department ngunit alam kong marami pang ibang pangangailangan sa ‘yo si Adrien. Nakatira ka sa bahay ng mga Sinclair dahil kinuha ka nila habang nag-aaral ka noon. Kaibigan mo si Elena, ang kanilang anak, at ngayon ay kinasusuklaman ka nila dahil ikaw ang naging asawa ng anak ko. Ibig sabihin, hindi ka na makakabalik doon. Hindi ka galing sa magandang pamilya, pero tinulungan ka nila para makapagtapos ka.. Balak mo bang bumalik sa nanay mo para magtrabaho bilang cashier pagkatapos ng lahat ng sakripisyong ginawa nila para sa iyo? “Ano pa bang magagawa ko?” “I want you to stay, be Adrien's wife. Gagampanan mo ang role mo bilang Mrs. Mckenzie, tinitiyak ko iyon sa ‘yo. Ang hindi ko lang maipapangako sa iyo ay ang pagmamahal ng aking anak, kailangan mong pagtrabahuhan iyon. Asawa ka niya, gampanan mo ang iyong tungkulin at gawin ang lahat ng paraan sa kanyang puso, maging ito man ay manatili sa natitirang taon ng kasal o kahit na manatili nang mas matagal. Hindi ako magiging masaya kung hihiwalayan mo si Adrien pagkatapos ng isang taon. Alam mo ba ang reputasyon na ginawa ng anak ko? Ang kanyang salita ay mahalaga, ngunit pati na rin ang kanyang reputasyon, kung ano ang kanyang ipinapakita, kung ano ang kanyang ibinibigay upang ipakita, ang kumpiyansa na kanyang inilalabas, ang seguridad. Kakailanganin niya ang kanyang asawa sa kanyang tabi, kahit na sa papel ka lamang, isa kang imahe na kailangang gamitin ni Adrien sa mata ng publiko. Kasal kayo kahit hindi ka niya gusto, kahit may relasyon sila ni Elena. Tanging kabit lang siya. Ikaw si Mrs. Mckenzie.” “Mrs. Mckenzie?” “Ngunit hindi sa ganyang kalagayan, hindi sa ganyang ugali at kawalan ng poise. Kailangan mo ng bahay kung saan maaari kang maging babae, bibisitahin ka ng asawa mo kaya kailangan ipakita ang iyong sarili kung sino ka. Dadalhin namin dito ang nanay mo para magiging komportable ka. Pero... kailangan mo munang baguhin ang sarili mo. Hindi ka maaaring lumabas sa publiko nang ganyang ang estado mo. Hindi ka makakabalik sa kompanya na wala kang kumpiyansa sa sarili. Lucius, pumunta tayo sa spa.” Nang araw na iyon ay nagbigay ng kaunting pag-asa si Janet Mckenzie sa buhay ni Valeria, tunay na ginawa siyang bagong Gng. Mckenzie, sa mga gusto o ayaw nina Adrien at Elena Sinclair. Dinala siya nito sa spa, kung saan literal na pinaliguan si Valeria mula ulo hanggang paa. Ni-wax nila ang buong katawan niya, ilang session ang ginawa nila at mula roon ay dinala siya sa beauty center para ayusin ang nasira niyang buhok. Isang lagpas balikat na buhok na tuwid na tuwid. Bahagyang mas mahaba kaysa sa likod, binuhay nila ang kayumangging kulay sa kanyang buhok at pinatingkad ito. Pati ang kanyang kilay ay pinakialaman. At nang tingnan niya ang sarili sa salamin ay hindi makapaniwala si Valeria na nakahawak sa kanya nakikita. Inaamin niyang maganda siya at nagustuhan niya ang hitsura ng bawat parte niya. Mga damit. Kailanman ay hindi siya nagkaroon siya ng napakaraming damit. Lalo na ng mga branded na damit. Tanging sa mga designer store lang sila nagpunta ni Mrs. Janet. At manghang-mangha siya sa sobrang mahal ng kanilang mag binili. Nandoon lang siya, nakatayo, pinagmamasdan kung paanong ang mga empleyado ay patuloy na nagdadala ng mga damit sa kanyang sukat at si Janet ay nag-uutos. Kinailangan pa nilang magdala ng isa pang sasakyan dahil hindi kasya ang mga binili nila sa kinaroroonan nilang dalawa. Sapatos? Ang salita ay nawalan ng kahulugan para kay Valeria ng napakaraming pares ng sapatos ng lahat ng uri, klase at tatak na mayroon siya ngayon. “You better master all those heels. Kailangang laging matangkad ang isang elegante kang maglakad. Kailangan makinis at malinis. Huwag kang masyadong magsusuot ng revealing, hindi iyon classy. Palaging gumamit ng parehong taas ng takong, maaaring mas mababa ng kaunti, ngunit hindi mas mataas. Ang mga bag ay isang mahalagang bumagay sa lahat ng isusuot mong damit. Kapag maling bag ang ginamit mo, ang lahat ng tungkol sa iyo ay magmumukhang masama din. Tandaan mo ang mga sinabi ko dahil mahalaga iyon.” Pinakinggan niyang mabuti ang lahat ng sinabi sa kanya ng ginang at itinamin ito sa kanyang isip. Ngayon, kasama ang dalawang sasakyan na puno ng mga mamahaling gamit ay pumunta si Valeria sa kanyang bagong bahay, kung saan malapit na niyang dalhin ang kanyang ina at siya ang magiging tagapamahala. “I-Itong bahay na ‘to?” hindi makapaniwalang untag niya. Bumaba siya ng kotse na nakabuka ang bibig. Pinagmasdan niya ang kamangha-manghang multi-level na bahay sa harap niya, na may malawak na bakuran na pinalamutian ng bato. Malalaking bukas na salamin na mga bintana. Maraming mga bulaklak, pinalamutian ng maraming halaman ang isang hardin. Napakaganda. “Ito ang bago mong bahay. Marahil isang araw ay mapupuno mo ito ng mga bata.” “Napakalaki!” Ngumiti ang ginang. “Ito ang pinakamaliit na pagmamay-ari namin. At ito rin ang madalas na binibisita ni Adrien. Ang sabi niya na gusto niyang pumunta rito para makapag-isip-isip. Kaya dito kita inilagay. I want his sanctuary to be with his wife. Isn’t it amazing? Magkakaroon ka ng mga empleyado na susunod sa lahat ng utos mo, kailangan mo lang ibuka ang iyong bibig. Tandaan na ikaw ang ginang, ang bagong Mrs. Mckenzie. Gamitin mo ang apelyido na hawak mo ngayon, nang walang pag-alinlangan. Marunong ka bang magmaneho? Naalala kong mukhang may dalawang kotse sa garahe na bagay sa ‘yo. Kung kailangan mo ng driver, huwag mag-atubiling kumuha ng isa at mula bukas ay bumalik ka sa trabaho. Pumaasok ka sa kompanya Mrs. Mckenzie, hindi lamang empleyado. Huwag mo akong biguin, Valeria. Malaki ang tiwala ko sa ‘yo. Kumuha siya ng maliit na box sa loob ng bag niya at inabot iyon kay Valeria. Ito ay isang bagong cellphone. Para sa iyo ito. Huwag ibibigay ang iyong numero mo sa lahat. Dapat marunong kang magkaroon ng privacy para sa sarili mo. Maging matatag ka, hindi madaling harapin ang pagtanggi ng isang lalaki, ngunit nagawa mo.” Apat na babae ang lumabas mula sa kusina na naka-uniporme ng kulay asul at puti. Binati ang bagong ginang ng bahay, nagpakilala sa kanya. Nagsimula silang maglabas ng mga bag sa mga sasakyan habang si Valeria ay naglilibot sa loob ng bahay. Nagsimula ang panibagong yugto para kay Valeria, kailangan lang niyang maging matatag at tiisin ang mga pagtanggi ni Adrien, ang mga pang-aapi ni Elena. Haharapin niya ang buhay na tatahakin niya mula ngayon bilang Mrs. Mckenzie. At kung sinusuwerte nga naman siya, biglang dumating si Adrien sa kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD