Sa unang araw niya sa trabaho ay pinili ni Valeria ang pinakamaganda niyang damit. Hindi naman sa gusto niyang magpa-impress kahit kanino, pero gusto niyang magmukhang maganda, magpakita ng pagbabago sa kanya, kahit man lang sa panlabas na anyo. Pinili niyang gamitin ang Audi na nasa garahe. Tumingin siya sa rearview mirror. Tanaw niya ang kanyang napakagandang bahay. Darating ang nanay niya ngayong lingo at inaabangan niyang dumating ang araw na iyon. May nurse sila na mag-aalaga sa nanay niya sa tuwing wala si siya. Their lives will completely change for the better. Tiniyak niyang tama ang dala niyang bag at suot na damit para sa unang araw niya sa trabaho. Pagkapasok pa lamang niya sa building ay ramdam niya ang kakaibang kaba. Ngunit inihanda niya ang sarili bago pumasok. Naisip

