Kabanata 11

1359 Words

Walang mapagsidlan ang sakit na nararamdam ni Valeria. Nasasaktan siya at umiiyak siya dahil mas gusto pa ni Adrien ang batang dinadala ni Elena kahit na hindi naman iyon kanya. Habang siya ay kinailangan pang magsinungaling para lang maprotektahan ang anak nila. “Katawan ko lang yata ang gusto. Kahit kailan ay hinding-hindi niya ako kayang mahalin dahil si Elena lang ang laman ng puso’t isip niya,” aniya sa sarili. Pumasok ang nurse sa kwarto. “Kumusta na po ang pakiramdam ninyo?” tanong nito sa kanya. “Ang sakit ng ulo ko. Ang lala, simula ng magising ako.” Mas masakit dahil sa mga sinabi ni Adrien. “Nakikita kong umiiyak ka,” ani ng nurse nang makita niya ang kanyang basang mga mata. “Masama ba ang pakiramdam mo? Tatawagin ko si Doc.” “Sandali lang,” malumanay niyang putol sa nurs

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD