Bumigat ang talukap ng mata niya nang subukan niyang buksan iyon. Nakarinig siya ng malakas na beep at hindi siya komportable, may mga yabag na palapit sa kanya, may sumigaw at tumakbo palayo. Hindi niya maidilat ang mga mata niya. Tumama sa isang matagis na bagay ang ulo niya nang mahimatay siya. May malakas na amoy na malapit sa kanya, baka dugo? Iginalaw niya ang kanyang mga kamay nang hindi alam kung saan hahawakan, nakapikit pa rin. Ngayon ay may mga boses sa tabi niya ngunit hindi niya na mawari dahil sa sakit na nararamdaman niya. May naririnig ulit siyang mga boses ngunit hindi niya magawang idilat ang kanyang mga mata kahit ano’ng gawin niya. Hanggang sa naramdaman niya lamang na may bumuhat sa kanya. At parang inilapt sa kama. “Stable na siya. Nabagok siya kaya siya nahimatay

