Pagdating ng Lunes ay dumaan si Valeria sa isang pharmacy bago pumasok sa trabaho. Bumili siya ng dalawang rapid test para sa mas accurate ang resulta. Anuman ang resulta ay pupunta siya sa ospital para makumpirma kung tama nga ang hinala niya. May parte sa kanyang nasasabik, dahil may posibilidad na buntis pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Adrien noong honeymoon. Napakasayang sandal iyon dahil ipinaramdam sa kanya ng asawa ang pagmamahal, taliwas sa ipinapakita nito sa kanya ngayon. Pero…may ibang parte sa kanya ang natatakot din, dahil sa sinabi sa kanya ni Adrien noong Sabado ng gabi. Na ayaw nitong magkaanak sa kanya. Paano kung buntis nga siya? “Dapat ko bang sabihin sa kanya o mananahimik na lang kung sakaling positive ang lumabas?” tanong niya sa sarili. Takot siya kay Elena

