Chapter 88: Naiwang Mag isa Kahit gusto ni Anna ang palabas ay nakaramdam pa rin siya ng pagkabagot dahil nag iisa laamang siya roon na nanonood. Lumingon siya sa kusina para tingnan kong nandoon pa ba si Anton subalit wala ng tao roon. Napasimangot na lamang siya hindi man lang ito nagpaalam sa kanya kanina kong pupunta itong kwarto. Panigurado naman talaga niya na sa kwarto iyon tutungo dahil makikita naman niya kong sa labas dahil sa sala ito dapat dumaan. Kahit nawalan na ako ng gana na manood ay tinapos ko pa rin iyon dahil kahit ayaw ko man wala naman akong malilibangang iba. “Baka may ginagawa si Anton doon sa kwarto niya maghihintay na lamang ako na babalik siya rito maghahanap na lang ako ng iba pang palabas,” ani ko sa sarili. Hanggang sa natapos ko na ang ikalawang palabas a

