Chapter 87: Taos Puso Kaya nahihiya ako sa nagawa ko noon sa kanya at nasabing masasakit na salita pinagsisihan ko na iyon ngayon. Tanging malaking pasasalamat na lamang ang namutawi sa aking bibig sa nagawa ni Anton noon. Mabuti nga at hindi niya ako sinukoan at kahit nakipaghiwalay ako sa kanya ay nandiyan pa rim siya ngayon handang tulungan at alagaan ako kahit alam niyang walang kasiguraduhan na mababalik pa kami sa dati. “Gusto mong sumama?” tanong niya. “Ayos lang ba? Nako huwag na lang Anton baka ako pa ang dahilan ng matagalan ka sa pamimili dito na lang ako maghihintay sayo sa bahay matutulog,” sagot ko sa kanya. Kahit gustihin ko mang sumama ay iniisip ko rin ang sitwasyon puwede naman akong sumama pero ayaw ko ng ako pa ang dahilan ng pagkakabagal ni Anton. Alam kong marami

