Chapter 102: Sinamahan Buong Araw Medyo nawala na din ang inis ko dahil sa sinabi ni Anton napangiti pa nga ako ng tago dahil nasisiyahan ako sa sinabi niya sa babae. “Busy pala siya haha busy siya sa akin kung ganun sorry ka na lang babae,” ani ko sa sarili. “Oo Sophie tawag ka na lang mamaya hah.” “Sige papatayin ko na.” Sineryos ko na ang aking mukha ng ibaba ni Anton ang kanyang cellphone saka bumaling sa akin para hindi ako maging tanga tingnan kong nakangiti ako habang nakatingin sa kanya. Lumapit siya sa akin agad pagkatapos mailagay sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone. “Saan mo gusto ilagay Anna sa kwarto mo ba o sa sala?” “Sa sala na lang ako Anton manonood ako ng palabas baka may magandang mapanood ngayon,” sagot ko sa kanya. “Ikaw may gagawin ka ba?” tanong ko sa k

