Chapter 33: Pupunta sa Bahay nila Anton “Naisipan ko nga pumasok na sana kaso pinigilan ako ni Jenia bruha kaya humihingi ako ng tawad sayo.” “Alam mo ba Isang umaasa akong darating kayo na babalik kayo agad ng may makapagsabi kay Inay na hindi lang kami ni Anton ang nagsama kundi pati rin kayo naroon baka sakaling maniwala si Inay kayo lang sana ang pag asa ko nun pero hindi kayo dumating alam mo bang itinakda na ang aming kasal ni Anton sa kagustuhan ni Inay. Nagulat si Isang sa sinabi ko kitang kita iyon sa mukha niya habang ako ay maiyak iyak ng nagsabi sa kanya. “Talaga Anna nagdesisyon agad si Aleng Alana?” tanong nito. “Oo malapit na nga ang kasal namin Isang hindi ako makatutol dahil pinagsabihan na ako ni Inay.” “Ano ba naman iyang Inay mo Anna bakit nagdesisyon siya para sa

