Chapter 6: Nagtagpong Muli
Nang sumunod na araw ay muli na naman bumisita sa bahay si Isang mgaa banda hapon alas 5 na iyon.
“Ano Anna sasama ka ba sa akin?” kaagad na tanong ni bruha.
“Saan ba bruha?” tanong ko naman pabalik.
“Hay nako Anna nakalimutan mo na agad ngayon na ang party na sinasabi ko sayo noong nakaraang araw nung nag usap tayo,” ani nito.
“Isang wala akong ganang umalis ng bahay ikaw na lang muna.”
“Ano ba naman iyan Anna walang mangyayari sayo kong lagi kang magmumukmok sa iyong kwarto dapat ay lumabas ka rin minsan maglibang ng sa ganun ay hindi mo masyadong maiisip si Andrew saka puwede ba kalimutan mo muna siya iniwan ka na nga niya diba,” sabi ni Isang.
“Madali kang tatanda niyan sayang yang ganda mo bruha,” dagdag pa nito.
Hindi ako kuminbo sa sinabi nito napayuko na lang ako at pinag isipan ang mga sinabi nito.
“Basta daanan talaga kita rito mamaya bruha sige na sama kana kasi wala akong ibang kasama roon na pupunta,” pamimilit nito.
“Sige na Anna.”
“O-o sasama na ako,” sabi ko naman sa kanya saka ngumiti kay Isang.
“Daanan mo ako rito mamaya,” sabi ko pa.
“Hay mabuti naman at pumayag kana Anna basta dadaanan na lang kita rito mamaya ahh,” sabi pa ni Isang.
“Sige Isang aalis kana?” tanong ko sa kanya.
“Oo bruha alis na ako,” sagot naman nito sa akin sabay labas sa bahay namin.
Tumango ako sa kanya at hinatid ko pa siyya ng tingin sa hanggang sa makalabas ito ng bahay nahing kaibigan ko na ito simula pa nung elementarya pa kami magkaklase na kami nito matalik ko na itong kaibigan at itinuring na isang kapatid. Si Isang ang naging sumbungan ko sa mga problema at hinaing ko saa buhay siya ang nandiyan para pagsabihan ako at payohan. Ganun rin siya sa akin magkapit bahay lang naman kasi kami kaya malapit lang ang bahay namin kaya magkasundo talaga kami nito kahit nagkaboyfriend na ako ay hindi pa rin ito nawala sa aking tabi lagi ako nitong inintindi tungkol sa pakikipagrelasyon ko kay Andrew.
Dakong alaa siyete ng gabi ay muling bumalik sa bahay si Isang na nakabihis na at handa na ito sa sinabi nitong lakad.
“Handa ka na ba Anna?” tanong nito sa akin ng makapasok sa aming bahay.
“Oo bruha handa na nakabihis na rin naman ako,” sagot ko sa kanya.
“Sige kong ganun tara na,” ani nito.
“Teka muna Isang magpapalam na muna ako kay Inay baka hanapin ako nun at isipin na nakipagkita ako kay Andrew.”
“Nasaan ba si Aleng Alana bruha?” tanong nito.
“Nasa palengke si Inay Isang nagtitinda tatawagan ko na lang may telepono naman sa tindahan,” sabi ko sabay dampot sa telepono na nasa aking tabi saka tinawagan si Inay.
Sa awa naman ng panginoon ay pinayagan ako ni Inay naa pumunta kasama si Isang himala at hindi ako nito pinagsabihan kunsabagay ang gusto lang naman ni Inay ay magpapaalam ako ng maayos sa kanya lara hindi niya ako hanap hanapin kong saan.
Nang matapos ko na makipag usap kay Inay sa telepono ay lumakad na kami ni Isang. Sumakay na muna kami ng tricycle para makarating kina Geraldine.
“Isang nakakahiya naman na sumama ako hindi ako imbitado ikaw lang yung sinabihan,” sabi ko kay Isang.
“Ano ka ba Anna okay lang yun nohh huwag kang mag isip ng negatibo diyan bruha isa pa mabait naman si Geraldin kaya ayos lang iyan nohh,” sabi pa nito.
Nang makarating kami roon sa bahay ni Geraldine ay marami ng tao sa tapat ng bahay nila malawak ang kanilang bakuran at may mga dekorasyon na sa paligid , mayroong na ring mga lamesa na nakalagay na ang mga nakataob na pinggan, kutsara’t tinidor na may balot na tisuue na ang mga ito.
At sa gate ay naroon si Geraldine sinasalubong ang mga bisita napakaganda ng soot nito na gown debut party pala ito nito.
“Happy birthday Geraldine,” bati sa kanya ni Isang nang makalapit na kami sa kanya.
“Heto regalo namin para sayo,” sabi pa ni Isang.
“Salamat,” sagot naman nung Geraldine sabay tingin sa akin hindi siguro ako nito namumukhaan.
“Si Anna pala kaibigan ko,” pagpapakilala sa akin Isang sa kanya
Ngumiti sa akin si Geraldine kaya sinuklian ko rin siya ng ngiti.
“Ah kaya pala hindi ko namukhaan mabuti at sumama ka kay Jesss rito?” sabi pa nito.
Hindi ako tumugon bagkus ay ngumiti lang ako sa kanya saka na run kami pinapasok niya dahil may dumating na dalawang lalaki at muntikan pa kaming mag abot doon sa gate ng bakuran nila Geraldine. Kasama na niya ito ng pumasok sila dito sa loob ng bahay nina Geraldine medyo familiar sa amin ni Isang ang nakapolo shirt na lalaki.
“Jessa, Anna,” tawag sa amin ni Geraldine.
“Puwede bang sa lamesa niyo na itong mga kaibigan ng kuya ko kasi dalawa lang naman kayo diba sakto at apat ang upuan puwede bah?” ani sa amin ni Geraldine.
“Oo ayos lang Geraldine,” sagot naman sa kanya ni Isang.
Hindi na ako sumagot dahil ang aking tingin ay napako sa lalaking naghatid sa akin noong nakaraang araw at yung bago naming guro ni Jessa. Kaya ito pumayag dahil gustong gusto niya ang mukha nitong aming bagong gùro yung ngiti nga niti ay abot tenga na kilala ko itong kaibigan ko kaya hindi na ako magtataka kong bakit punayag ito pero kunsabagay hindi lang naman iti para sa amin na lamesa mas may karapatan pa sila kasi kaibigan pala nila ang kapatid ng celebrant bakit pa ako aangal ehh nakikisama lang naman aki sa kaibigan kong nag aya sa akin kaya wala akong karapatang humindi sa kanila.
“Okay lang ba taga na dito kami maupo,” sabi ni sir Anton.
“Oo naman sir ayos lang po,” si Isang na ang suamgot sa kanya kaya imbis na sa tabi siya ni Isnag umupo ay nagtataka ako kong bakit pinaglipat niya aang kaibigan niya sa tabi ni Jessa at siya yung tumabi sa akin.
“Hindi ko inakala na magkikita tayo rito Anna,” sabi ni Anton sa akin hindi na ako mag sir pa kasi wala kami sa paaralan Anton na lang.
“Ako rin po sir,” sagot ko na lang.
Sasagot sana ako na kong hindi lang sana diyan sa kaibigan ko hindi ako mapipilitang pumunta rito hindi ko naman kasi ito matiis lalo na siya lang mag isa nakokonsensya naman ako kay Isang na hayaan siya mag isa na pumunta rito alam ko na magtatampo ito sa akin dahil hindi ako sumama nasa kwarto lang naman ako buong magdamag.
“Magkakilala kayo ni Geraldine?” tanong pa sa akin ni Anton.
“Hindi ngayon lang si Jessa lang ang magkakilala sila pinasama lang ako rito ni Jessa kaya ko nakilala si Geraldine.”
“ Ah akala ko magkaibigan kayo ni Geraldine,” ani pa nito.
Umiling na ako sa kanya na nagsaad na hindi ang sagot ko wala akong gana na makipag usap sa kahit na sino kahit si sir Anton pa. Kaya tahimik lang ako sa buong oras ng party nag uusap naman si Anton at ang kasama nito at may oras pa na sasabay rin si Isang.
Masaya rin naman ang naging party sa birthday ni Geraldine , kahit paano ay naaliw naman ako kahit hindi ako masyadong nagsasalita at pansamantala kong nakalimutan si Andrew kahit panadalian lang lalo naa nong nagkaroon ng palaro sila sumali pa nga si Isang niyaya nga niya ako pero talagang ayaw ko kaya hindi na niya ako pinilit pa. Nang matapos ang party ay muli akong kinausap ni Anton.
“May maghahatid ba sa inyo Anna?” tanong nito.
“Wala pero mag aabang naman kami ng jeep kaya ayos lang.”
“ Jessa,” baling niya sa kaibigan ko.
“Sir?” takang tanong naman ni Jessa.
“Sumabay na kayo sa akin pauwi kasi gabi na wala ng masyadong sasakyan ngayon baka mas lalo kayong gabihin,” sabi ni Anton kay Isang.
“Nakakahiya naman sir pero kong nagmamagandang loob po kayo sige po para naman hindi na kami mah antay,” sagot naman ng kaibigan ko.
“Isang,” aangal pa sana ako kaso sinagot na ako ng kaibigan ko.
“Sasabay na lang tayo Anna mapagalita ka pa ng Inay mo kong matatagalan tayo sige na,” ani nito.
Wala na nga akong nagawa kundi ang sumabay talaga kay Anton basta seryoso na talaga iting kaibigan ko ay huwag na huwag mo ng aangalan mapapagalitan rin naman kasi siya kong matatagalan kami kasi siya yung kasama ko. Kaya siguro pumayag na rin ito kahit nahihiya kasi inaalala niya ako baka kasi hindi na ako payaagan ni Inay kong sakali na matagalan kami sa pag uwi ngayon.
“Huwag ka na lang pumalag bruha alalahanin mo na lang ang iyonh Inay,” bulong na sabi nito sa akin.
“Nakakatakot magalit si Aleng Alana kakainin ka ng buhay,” dagdag pa nito.
“Oo na papayag na ako tumahinik ka na diyan iniisip ko rin yang sinasaabi mo.”