Chapter 35: Tumulong “Mare maraming salamat rito at sa masarap na pagkain balae,” sabi ni Inay sa mag asawa. “Marami pong salamat,” sabi ko na rin. “Nako walang anuman balae at iha saka balik balik kayo rito sa amin hah.” “Oo mare at hindi na kami magtatagal aalis na kami,” wika ni Inay. “Sige mag ingat kayo balae at iha ihahatid na kayo ni Anton sinabihan ko na iyon nag ihis pa sandali,” sabi ng ina ni Anton. “Andiyan na pala “ “Mag ingat kayo,” sabi ng mag asawa. “Sige po alis na kami.” Hinatid na kami ng tingin nito sa labas hanggang sa nakapasok kami sasaktan ni Anton makikita kong ang saya ni Inay ngayon hindi ko alam kong bakit hindi ko iyon naramdaman nagpasalamat ako dahil ang babait nila pero sadyang hindi ko lang talaga mahal ang kanilang anak. Pinadalhan pa kami ni In

