22

409 Words
Vlad Papalubog pa lang ang araw. Ilang oras pa ang gabi at ang buong magdamag. Ang tagal pa ng awkwardness sa pagitan namin ni Breydon na titiisin ko dahil nandito ang kaibigan niyang si Colton. Hindi talaga dapat ako sumama. Mapilit lang masyado si Lola at kumuha pa ng backup nang tawagan si Mommy. Alam niya kasing iniiwasan kong makausap ang aking ina at iyon ang atake niya na epektib naman. “Masarap ba ang tubig?” Nagitla ako sa boses ni Colton. Iba rin ang dating ng lalaking ito. Hindi ko mapigilang kabahan kapag napapatingin siya sa akin. Siguro dahil na rin sa nangyari sa pagitan namin ni Breydon bago siya dumating. Kung kaibigan rin ni Mommy si Colton, siguradong mag-iingat si Breydon na malaman niya ang tungkol sa nangyari at makarating kay Mommy na girlfriend nito. That probably explains the change of Breydon’s mood na biglang naging aloof sa akin at wala kaming imikan hanggang makarating dito sa spot na napili nilang gawin camp site at malapit sa lagoon. Pinilit kong ngumiti paglingon ko sa mukha niyang nakangiti rin. Tumingkad ang pagiging brown ng kaniyang bagsak at lampas taingang buhok sa pagtama ng silahis ng papalubog na araw mula sa kaniyang likuran.  Para tuloy nagmistulang aparisyon ni Jesus pero siya iyong naughty and sizzling hot version sa pagkakabukas ng lahat ng butones ng kaniyang suot na long sleeve shirt na kulay grey na nagpapakita ng kaniyang smooth but ripped pecs and hard as steel abs. Nakarolyo pataas sa siko ang manggas at hindi ko maiwasang hindi mapansin ang paghapit ng biceps niya sa tela sa tuwing gagalaw siya. Ang gwapo rin ng lalaking ito pero mas higit ang epekto ni Breydon sa akin kumpara sa kaniya na bahagya lang. Bahagya lang na hindi ko alam kung sisidhi sakaling magbigay siya ng motibo. “Malamig,” sabi ko lang na sinubukang iwasan ang pagtitig niya pero hindi ko nagawa. Na-conscious akong bigla nang bumaba ang tingin niya sa hubad-baro kong katawan. May abs din naman ako pero hindi kagaya nila na mala-pandesal at nakaumbok ang mga pectoral muscles.  Bumalik ang tingin niya sa mukha ko saka lumuwang ang kaniyang pagkakangiti. “Tarang mangahoy para sa campfire natin bago magdilim.” Tumingin ako kay Breydon na kasalukuyang ipinapasok ang mga bags namin sa loob ng maliit na tent.  Paano ba kami magkakasyang tatlo sa liit noon? Malamang sa labas na lang ako mamayang gabi para na rin makaiwas sa kakaibang pakiramdam ko sa tuwing nalalapit ang katawan ko kay Breydon. “Siya muna ang tatao rito habang wala tayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD