Tumango ako sa kaniya at akmang isusuot muli ang aking tshirt nang pigilan niya ako saka kumindat at hindi na raw kailangan. Hinayaan ko na lang na nakasabit sa kanang balikat ko ang aking damit nang sundan ko siya sa paglakad nang tahakin niya ang papasok sa kakahuyan. Wala kaming imikan ni Colton hanggang marating ang isang parte ng gubat na di kalayuan sa campsite namin na maraming nalaglag na mga tuyong sanga ng punong kahoy. Nang magkasabay kami sa pagpulot sa magkabilang dulo ng isang mahabang kahoy saka lang siya nagsalita. “May itatanong ako sa ‘yo Vlad.” Bigla ang pagsikdo ng dibdib ko. Kanina kasing pag-akyat namin, ilang beses niya akong nahuling nakatingin sa likuran ni Breydon. Sa mga muscles nito sa likod na aninag sa semi-fit na tshirt na suot. Nakakamangha rin ang malap

