7

444 Words
Vlad Napamura ako sa isip nang pagdating ko sa bus terminal habang hinahanap ang lalaking pinapasundo ni Mommy, biglang namataan kong palapit sa kinatatayuan ko ang limang lalaking kaedaran ko na mga nakakuyom ang mga kamao. Tanda ko ang pagmumukha ng lima na katropa ng binugbog nina kakosang Von at Alex kagabi. Mas malaki ang mga katawan noong tatlo kumpara sa akin samantalang payat kagaya ko iyong dalawa pa. Sa nakatiim-bagang at animo’y tinakpan ng maitim na ulap ang mukha, alam kong ipaghihiganti nila ang nadehadong katropa sa pamamagitan ko. Hindi ko pa rin makita ang lalaking nakasuot daw ng sky blue na polo shirt maging ang kotseng kulay maroon kung saan ito naghihintay ng pagsundo ko ayon kay Mommy na nakausap ni Lola sa cellphone bago pa ako nakaalis ng bahay. Mamumuti na ang mata ng lalaking iyon sa kakahintay sa akin kapag ganitong kailangan ko munang tumakbo para sa safety ko bago pa ako gawing pang-amanos ng limang lalaki. Siguradong ang basehan nila ng kasasapitan ko kapag nagkataon ay mas malala pa sa basag na mukha ng kasamahan nilang tinira nina kakosang Von at Alex kagabi. Bumigat ang dibdib ko sa naisip kasabay ng parang binabalumbon ang loob ng sikmura ko. Kailangan kong tumakbo. Kung isa o dalawa lang sana silang palapit sa akin, uunahan ko na ng pagsugod pero hindi pa ako nasisiraan ng ulo para harapin silang lima. Bago pa sila makalapit, tumakbo ako palayo. Binagtas ko ang hilera ng mga nakapark na sasakyan sa tabi ng daan na sinundan rin nila ng pagtakbo para ako habulin. Mas mabilis silang tumakbo sa akin dahil nang pagtingin ko sa aking likuran, ilang metro na lang aabutan na nila ako.  Bugbog-sarado ako nito kapag nagkataon. Pagharap ko ulit, bigla akong napasalpok sa kung ano at dahil doon nawalan ako ng balanse at tumimbuwang sa lupa. Ramdam ko sa harapan ng suot kong sleeveless tshirt ang lamig ng kung anong napatapon sa akin na dumiretso sa waistband ng suot kong sweatpants na grey. Nalaman ko lang kung ano nang sumuot sa ilong ko ang amoy ng cola softdrinks. Napaupo naman sa lupa ang lalaking hindi ko sinadyang mabangga at hawak pa rin ang large paper cup na kakaunti na ang natirang laman dahil kagaya ko, nabuhusan rin ang harapan ng suot na sandong puti. Bumalikwas ako ng bangon. Mabilis na humingi ng paumanhin sa lalaki na hindi ko na pinag-aksayahan ng oras na tingnan ang kaniyang hitsura.  Pagtingin ko sa mga humahabol sa akin, nasa tapat ko na sila. Nakapalibot na sa amin ang limang katropa. Hindi pala sa amin kundi sa akin lang at wala namang kinalaman ang nabangga kong lalaki na napahiyaw sa naiinis na tinig ng, “Kapag nga naman sinuswerte!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD