Breydon
“Tigilan mo nga ako Colt. Kanina ka pa,” painis kong sabi sa kaniya habang hawak ang kabilang dulo ng puting vinyl tarp na pansapin sa tent habang hawak naman niya ang kabila. Hinila ko hanggang mag-flat saka sabay naming inilatag pababa sa patag na lupang napili naming tayuan ng camping tent. Isinunod naming iniladlad ang mismong tent.
“Totoo naman ang sinasabi ko,” nakangising sabi ni Colton. “He’s into you.
Napailing ako. Hindi napigilang mapatingin kay Vlad na nakatalikod sa amin at nakaharap sa malinaw na tubig ng lagoon ilang metro ang layo mula sa amin ni Colton. Nakatingala siyang pinagmamasdan ang pagbuhos ng waterfall na ang pagbagsak sa baba ang pinagsisimulan ng pag-alon ng tubig.
Alanganin pa kanina si Vlad nang yayaing sumama ni Colton pero napapayag na rin nang ang mismong nanay ni Blessie ang nagsabing samahan na nga kami sa pag-akyat ng bundok.
Tahimik si Vlad habang paakyat kami, iba sa Vlad na inakit ko sa guest room. Pabor naman sa akin iyon dahil nabawasan ang pressure na nararamdaman ko lalo na’t kasama namin si Colton.
Kinuha ko ang mga nakakumpol na metal at fiberglass poles at tinulungan ako ni Colton sa pag-assemble.
“Anong pinagsasabi mo?” paiwas kong tanong sa kaniya
“Okay kung manhid ka, so be it. Pero habang paakyat tayo kanina at nagkakasabay kami ni Vlad, kita ko kung paano niya tingnan ang likuran mo.”
Napa-exhale ako ng hangin sa ilong. “Siyempre titingin iyon sa likod ko at nasa harapan ninyo ako. Kahit naman ikaw.”
Iniangkla namin ang mga hooks ng roof ng tent sa pinahabang metal poles at sa apat na sulok hanggang tumayo ng kusa ang puting tent.
“Pero hindi iyong parang asong naglalaway at halos hubaran ka na sa tindi niyang makatingin with matching lick of the lips pa.”
Ayoko ng usapang ito. Bukod sa tinitigasan ako sa isiping pinagnanasaan ako ni Vlad nang lingid sa kaalaman ko, kailangan mapanatili ko ang focus nang maka-survive ako mula ngayon hanggang gabi maging sa buong magdamag ng hindi nakagagawa ng kasalanan kay Blessie.
Iniabot ko ang dalawang bakal na pantulos kay Colton na gagawing pang-angkora sa apat na sulok ng tent bago ako nagsalita. “Kelan ka ba huling nakipagsex at sobrang dumi na ng imahinasyon mo?”
Pagkatapos itusok sa lupa gamit ang kamay, inapakan niya ang pantulos saka sinipa-sipa hanggang tuluyang bumaon. “Kanina lang bago makarating sa bahay nina Blessie.”
“Seryoso?”
Napangisi siya. “Ikaw kasi e. May pa-exclu-exclusive pang nalalaman. Natigil tuloy ang threesome adventures natin. Nag-solo flight tuloy ako.”
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Desisyon namin parehas ni Blessie ang maging exclusive sa isa’t isa. “Saan naman?”
“May nadaanan akong convenience store nang magpagasolina sa highway. Nagkatinginan kami noong kasabay kong bumibili at pasimple kaming pumuslit papuntang toilet for women.”
“Lalaki?” binuntunan ko ng pagtawa ang pabirong tanong ko sa kaniya.
Namilog ang mga mata ni Colton. “Babae pero…”
Hindi ko alam kung bakit bumilis ang t***k ng dibdib ko sa pambibitin niya. “Pero ano?”
Atubili pa itong ipagpatuloy ang sasabihin. “May gasoline boy doon na nakatingin sa harapan ko pagbaba ko pa lang ng kotse. Tapos sinundan kami noong kasama kong babae sa loob ng toilet. Pumasok siya sa katabing stall at mula sa taas, nakita kong binobosohan kami. Nakaupo ako sa bowl habang kinakabayo ako noong babae ng patalikod sa akin.”
Tangna ang hot noon. Lalong tumigas ang alaga ko sa eksenang pumasok sa isip ko.
“Paglabas noong babae pagkatapos namin, nandoon pa rin iyong gasoline boy at nakatingin sa sandata kong nangingintab sa magkahalong likido namin noong babae.”
“Baka gustong tikman ang etits mo. Pinasubo mo sana,” pabiro kong sabi pero nagpa-excite ng todo sa akin.