19

352 Words
“Nabading ka na brad sa anak ni Blessie. Kung ano-ano na ang pumapasok sa kukote mo. Masama iyan at baka ma-curious ka na naman at kung saan humantong. Wala pa naman tayong kasamang bebot ngayon na pwede mong paglabasan ng li_bog mo.” “Bakit ikaw ba, pagkatapos kong susuhin noon hindi mo ba hinanap-hanap?” Nakakaloko ang pagngisi niya. “Tado ka, pati ako idadamay mo sa dumi ng pag-iisip mo,” pagalit kong sabi na umiwas ng tingin sa kaniya sa takot na baka makahalata siya na kanina pa ako mailap sa pinag-uusapan. “Kasasabi mo lang na open-minded ako kaya open sa lahat ng possibilities,” tumawa siya ng malakas. Kinuha ko ang isang unan at ibinato sa mukha niya. “Ikaskas mo iyan sa alaga mo nang matigil ka na sa kasasalita.” Nasalo naman ni Colton ang unan. “Tawagin mo kaya si Vlad at baka pwedeng siya na ang magkaskas nitong unan sa akin.” Tumayo ako at kinuha ang isa pang towel na binigay ng nanay ni Blessie. Iyon ang ibinato ko sa kaniya. “Maligo ka na kung gusto mong matuloy pa ang pag-akyat natin ng bundok.” Bumalik siya sa pagkakaupo at ipinatong ang towel sa kaliwang hita. “Isama natin si Vlad.” “Bakit pa?” Sanay naman kaming dalawa lang ang naakyat ng bundok during weekends. Ito namang malapit kina Blessie na bundok hindi naman ganoon katayog at kalaki para kailanganin ang mag-ga-guide kung sakali. Dahil bukas pa naman ng hapon ang dating ni Blessie, pinasunod ko na si Colton dito sa kanila para matuloy pa rin ang pag-akyat namin ng bundok. Ang plano, magpapagabi na kami sa bundok at sa umaga na babalik. Kaya maountaineer’s bag ang dala ni Colton at handa na rin naman ang mga gamit ko na kakailanganin namin sa pag-o-overnight. “Bakit hindi?” Shet, paano ko sasabihin kay Colton ang totoong dahilan kung bakit ayaw ko. “Malay mo hindi siya pwede. Baka may mga assignments sa school na gagawin. Baka may lakad ngayong gabi kasama ng mga kaibigan.” Napakunot-noo si Colton. “Sabi ba niya sa ‘yo?” Nang umiling ako, tumayo siya saka tinungo ang pinto. “Ako ang magtatanong sa kaniya pagkaligo ko.” Tangna ka, Colt. Umiiwas na nga ako sa tukso, inilalapit mo namang lalo. “Bahala ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD