“Habang nangangahoy kami kanina, pinag-aralan ko ang kilos niya. Kaya nalaman kong malakas ang tama sa ‘yo ni Vlad. Ikaw ang gusto niyang makauna sa kaniya.” Ibinaba ko sa aking tabi ang bote ng whiskey. Hindi ako makapagsalita. Biglang natunaw ang nag-aalab na determinasyon ko kaninang paakyat ng bundok na hinding-hindi ako gagawa ng anomang makakaapekto sa magiging samahan namin ni Blessie. Piniga-piga ni Colton ang batok ko na nagpalala ng pag-iinit ng katawan ko at tuluyang nagpalabo ng katinuan ng aking isip. “Payag ka na ba Brey na ibigay kay Vlad ang gusto niya?” Tumingin ako sa malaking puno ilang metro ang layo sa amin. Pasandal na nakaupo sa ilalim si Vlad habang tinatagay ang beer na hawak sa kanang kamay. Napangiti si Colton, “Tatawagan ko na ba na samahan tayo sa loob

