Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Itanggi ko man, bigla akong nag-init pero pinanatili ko ang katatagan ng loob. “Pati sa akin gusto mo na rin makipagsex? Naloloko ka na ba?” Lumagok ulit ako ng whiskey. Parang hindi na talaban ng pait at burahin ang kabaliwang ipinapasok sa isip ko ni Colton. Ipinatong niya ang kaliwang palad sa aking hita. Tangna, parang nilalagnat sa init ang palad niya. Init na tumawid sa aking balat at gumapang pababa na nagpapitlag sa aking kalamnan sa loob ng aking papatuyong boxer briefs. Minura ko ang sarili dahil hindi ko magawang tapikin ang kamay na iyon paalis sa hita ko. “Hindi. Sinasabi ko lang ang nasa isip ko ngayon,” pahimas na bumaba ng dalawang pulgada ang kamay niya. “I even thinking of kissing you in the lips now.” Napatingin ako ulit sa mga

