Tumingin si Colton kay Breydon. “Laro tayo habang nagbababad.” Inilubog saglit ni Breydon ang ulo bago sumagot. Iginiya ng mga daliri ang buhok na nalaglag sa noo paakyat sa ulo. “Anong malalaro natin ganitong gabi? Wala nga tayong dalang frisbee o bola man lang.” Ngumiti ng nakakaloko si Colton saka tumingin sa akin. “Maliwanag naman ang buwan. Kita ko nga ang paa mo sa ilalim.” Umismid si Breydon. “Tama ka, kita nga rin iyang etits mong semi-hard,” sarkastikong sabi nito. Palihim naman akong tumingin para kompirmahin kung totoo nga. Shet. Nakaangat nga ng bahagya ang pababang sandata ni Colton. “Tutal ngayon lang natin nakasama si Vlad, bakit hindi natin laruin iyong, ‘Kahit kailan hindi pa ako…’” “Bad idea,” mabilis na sagot ni Breydon na parang kita kong biglang naging uneasy. “

