Vlad Tutulungan kitang matikman mo si Breydon… Iyon ang hindi mabura-bura sa isip ko hanggang kinagabihan. Halos bantayan ko ang mga kilos ni Colton para kumuha ng hint kung paano mangyayari ang sinabi niya sa akin lalo na’t simula pagbalik namin kanina hanggang makakain ay naging mailap si Breydon sa akin. Hindi napayag si Breydon na maiwang kami lang kaya nang makaubos na sila ng tig-tatlong bote ng beer habang umiinom kami sa harapan ng nagbabagang campfire at tumayo si Colton para mag-dive sa lagoon, sumunod si Breydon sa kaniya. Maliwanag naman ang paligid dahil sa kabilugan ng buwan kaya kita ko nang umangat ang mga ulo nila pagkatapos mag-dive sa tubig. Nakaisang bote pa lang ako ng beer pero ramdam kong may bahagyang tama na sa akin kaya hindi ko na muna binuksan iyong padalawa

