Aliyah . Bakit ayaw mo yakapin ang buhay bilang diwata ? Ako ang inyong Hari . Kausapin mo ko .
Ngunit tila wala itong narinig .
Nakaupo kame sa kanilang veranda . Nakamasid ito sa batang naglalaro sa play area nito . Ipinasadya daw ito ni aliyah para sa anak . Napatingin ako kay Miana .
Iwan mo muna kame .
Isang pagtango nito na pumukaw sa atensyon ni Aliyah . At tumalikod na itong muli .
"Saan sya pupunta ?". Tumingin ako dito .
"Ah sa loob siguro . Baka makiki cr sa inyo . ". Ngumiti ito .
Napakaganda mo aking irog .
"Ah . Aliyah . Maaari ba akong magtanung ?"
Muli itong tumingin sa akin at ngumiti .
"Ano yon ?"
"Ang Ama ni Aethan . Nasan sya ?"
Nawala sa kanyang magandang mukha ang ngiti na kanina ay halos bumihag sa aking buong pagkatao .
"Iniwan nya na kame . "
Bumalik ito ng tingin kay Aethan .
"Pasensya na . Hindi ko na dapat itinanung pa ."
Napangiti itong muli . Sabay tingin muli sa akin .
"Salamat nga pala ."
"Para saan ?". Aking pagtataka .
"Sinabi ni Aethan na ikaw ag gumamot sa kanya . Sinabi nya na kapag nandyan ka malakas sya . Hindi ko alam kung anong abrakadabra ang ginagawa mo sa anak ko pero simula nung dinalaw nyo sya sobrang ang laki ng pinagbago nya . Halos hindi mo mahahalata na nagkasakit sya . "
Napangiti ako sa mga papuri nito sa akin . Nakakagaan ng kalooban .
"Hindi sya nagkasakit . Nagutuman lang sya . "
Napakunot ito ng noo sa narinig . "Nagutuman ?"
"No . No offensement i mean nagutuman sa pagmamahal ng isang ama . "
Nawala sa mukha nito ang nagbabadyang galit .
Weew that was close .
--------------------------------------------------
"Mrs . Sanchez , Aliyah . Kame ay magpapaalam na . At madame pang trabahong gagawin para sa company . "
Pauwi na kame nila mama . Lumapit ang batang si Aethan sa akin at bumulong .
" Mommy will miss you . ". Napangiti ako sa sinabi nito .
"How did you know ?". Balik bulong ko dito .
"She keeps on saying your name and stories to mamila . "
Napangiti ako sa aking nalaman . Bumaba na ang bata at nagpaalam na inakay ko na sa aking sasakyan si mama .
"Iho. Did you ask Aliyah already ?"
Napatingin ang mga ito sa tanung ng aking ina tila nagtatanung ang mga mata ni aliyah . Lumapit ako dito at napapahiyang ngumiti dahil halos lahat ay nakatingin sa akin . Tila nag aabang .
"Ahm ... Aliyah . Can i ask you out ? I mean a date ?"
Tila namula ang aking pisngi ng mapatingin ito sa mga magulang nito .
"Ahhh . Okay . "
At isang malaking ngiti ang aking pinakawalan .
--------------------------------------------
Nasa byahe na kame at naguusap nila mama .
"That was nice iho . Sanay na sanay ka na bilang tao . "
"Yeah ma . Ang daming kumplikadong bagay bilang isang tao . Sa kaharian . Hindi mo kailangan mangligaw para magkaasawa . Panaginip ang gagawa nito para sayo . Dito ... Nakakahiya sa parents ni Aliyah . And also with her . "
Kasalukuyan akong nagmamaneho ng sasakyan .
"Aliyah will be a best queen for you . " Hinaplos nito ang aking pisngi .
"But before that . I just keep on thinking . Sobrang misteryosa ni Aliyah . Bakit kaya inililihim nila ang buhay diwata sa katauhan nila . To the point na pinilit nila ang isang bata na mamuhay na parang isang tao . Oo ma ., Maaari kameng kumain ng pagkain ng isang tao . Pero hindi sapat iyon . Hindi kame nabubusog . "
"Kamahalan , maaaring may mabigat na dahilan si miss aliyah kung bakit ganun . "
Napaisip ako ng malalim . Kailangan malaman ko ang dahilan na yun . Bilang sila ay aking responsibilidad.
"Iho . Ang sanggol . Nararamdaman mo na ba sya ?"
Pagiiba ng aking ina sa usapan .. sumulyap ako dito .
"Hindi mama . Pero sa darating na full moon . Dito ako maglalagi sa mundo nyo . Upang maramdaman ko ang aking anak . "
Tila nagulat ang dalawang kasama ko .
"Hindi ba at delikado sa mga diwata ang lumabas sa mundo nyo sa araw ng fullmoon??". Nagaalalang tinig ng aking ina .
"Kamahalan . Delikado ang inyong balak . ". Nangangamba din si miana sa aking binabalak .
"Miana kailangan ko magsakripisyo upang malaman kung nasaan ang aking anak . Sa araw ng fullmoon . Isang gabi lamang naman ako manghihina at mawawalan ng kapangyarihan . Lalabas ang marka na nakatatak sa kanya gaya ng marka na nakatatak sa akin . Sa ganun paraan masisilip mo sa mundo naten kung saang parte ng mundo ng mga tao lalabas ang marka na makikita mo saakin miana . Sa pagtapos ng fullmoon lalakas ang kapangyarihan na iyon kaya madali mo itong matutunton . "
Tanaw sa aking ina at tagapagbantay ang kanilang pag aalala . Lubhang delikado ang aking gagawin . Dahil sa araw ng fullmoon ay kakaibang sakit ang aking mararamdaman . Tila tutunawin nito ang aking katawan lalo na ang parte ng aking marka . Dahil hihigupin ng buwan ang aking buong kapangyarihan . Kung hindi ko matagalan ang sakit ay maaari ko itong ikamatay lalo pa at sa mundo ng tao ay mortal din kameng mga diwata .
Ngunit sa ganitong paraan sa pagbabalik ni Miana sa aming mundo ay masasagap nya ang pagkislap ng aking marka at makakakita sya ng isang vision na kahawig din ng aking marka . At duon ay malalaman nya kung nasaan ang aking anak .
"Anak . Ako'y nagtataka lamang . Kung ganun ang nangyayare sa mga diwatang kagaya nyo sa aming mundo . Bakit ang iyong anak ? Kung nabubuhay pa sya . Nararanasan din ba nya ang iyong mararanasan sa araw ng kabilugan ng buwan ?". Napatingin ako sa aking ina . Bakas ang pag aalala .
"Hindi po kamahalan . Pangkaraniwang lagnat lamang ang mararamdaman ng sanggol dahil sa aking tagabantay na ipinadala dito ng lumagos sya sa lagusan noon . "
Sagot ni Miana .
"Taga bantay ?". Nagtatakang tanung muli ng aking ina .
"Oo nga pala miana . Ang taga bantay na sinasabi mo bakit hindi sya ang iyong hanapin ?"
Naalala ko ang taga bantay na inilaan ni miana sa aking anak .
"Iyon din ay isang malaking katanungan sa akin mahal na Hari . Simula ng Lumapag ang sanggol dito sa mundo ng mga tao ay hindi ko naramdaman ang taga bantay ni minsan . Maaaring hindi ito nalabas sa kanyang pinagtaguan . O maaaring isang may kapangyarihan din ang nagtago nito at nakulong ito sa kanyang pinagtaguan . "
Nangamba ako sa aking nalaman . Sana ay nasa mabuti ka aming prinsipe . Konting panahon nalang at makikitana kitang muli .
Napahawak ang aking ina sa likod ng aking tenga . Sa leeg sa likod ng tenga ko nakatatak ang simbolo ng propesiya . Ang isang marka na hugis tala .