_AERON'S POV_
"Kamahalan ilang araw na tayong sumusunod sunod kay mam aliyah . Ano ba ang inoobserbahan mo?"
Nakatayo kame di kalayuan sa kanyang opisina . Nagsimula kameng magmanman ng mabanggit nito kay mama ang problema sa anak nya .
Flashback
"Tita Lara . Magpapaalam po sana muna ako . Baka hindi na po muna ako makapasuk sa company . May personal problem po kasi ako pero inutusan ko na po yung papalit saken na wag pababayaan si aeron "
Napahinto ako sa di kalayuan upang maulinigan ang kanilang usapan .
"How serious your problem is ? At hindi ko pedeng malaman ?"
Narinig kong umiyak si Aliyah . Narinig ko din na inalo ito ng aking mama .
"Tita . I want to bring Aethan sa america . I think may sakit si aethan tita . "
Aethan ?
Sino si aethan ?
"Anong sakit ? ". Tila naguguluhan si mama sa mga sinasabi ni Aliyah .
"Tita . Simula ng dumaan ang fullmoon . Hindi na kumakain si aethan ng foods . He just keep on drinking water . Pero hindi ko na sya nakitang ginanahan sa pagkain . Natatakot ako tita . Ang anak ko . "
"Shhhhhh . Everything will be fine . "
Tila tinusok ang aking dibdib . Hindi man kame nagkakausap ng maayos ni Aliyah ay di ko maikakaila na mahal ko sya . Ngunit sa pagkakaalam na may anak na ito . Parang sinakop ng kadiliman ang aking puso .
"May nagmamay ari na pala sa iyo . "
Bumalik na sa school ang babaeng lihim nameng sinusundan . Napakaganda pa din ni Aliyah kahit sa malayuan . Nag aabang ito sa mga lumalabas . Kahit na nasa malayo kame ay nakikita namen ng malinaw ang kanilang ginagawa . Isang katangian ng mga may dugong maharlika sa lahi ng diwata .
May isang batang lumabas sa school . Isang batang lalake . Kulay ginto ang kanyang buhok . Parang buhok ni aura . Ang mata nito ay kulay abo .
"Kamahalan. May tao palang kapareho ang kulay ng iyong mata . "
Napalingon ako kay Miana. Napatango .
Sa kalayuan ay narinig namen ang bata na nagsalita .
"Mama . Im hungry , "
Kinalong ito ni Aliyah at tinanung .
"What do you want to eat ?"
Umiling ang bata . At yumakap sa ina . Ang ulo nito ay nakaharap sa direksyon nila . Ngunit sa layo nila ay hindi sila mapapansin ng pangkaraniwang tao .
Napatitig ako sa mukha ng bata . At sa aking pagkabigla ay nakatitig din ito sa akin.
"Aethan kung naririnig mo ko . Kumaway ka . "
Nagulat kameng pareho ni Miana sa respond ng bata kumaway nga ito .
"Kamahalan ! Isang diwata sila Aliyah !"
Tila nilukob ng kasabikan ang aking puso .
------------------------------------------------------------
"Paano mo naman nasabi na kauri nyo nga sila Aliyah .?"
Kasalukuyang kausap ko ang aking ina at ipinaalam ang nangyare kanina .
"Kamahalan . May posibilidad na kaya napapanaginipan kayo noon ni miss aliyah ay dahil sya ang inyong kalahati . Baka sya ang nakatadhana sa inyo . Hindi ba at sa ating mundo . Kapag natagpo kayo sa panaginip ay kayo ang magkakaisang dibdib . "
Mahabang paliwanag ni Miana . Ngunit .. may mali . May hindi tama sa nangyayare .
"May mali miana . "
Napatingin ang dalawa sa aking sinabi .
"Hindi pa kame nagtatagpo ni Aliyah sa panaginip . "
Napaisip ng malalim ang mga ito .
,"Hindi maaaring nanghuhula lamang tayo . Aalamin ko ito bukas na bukas . ",
Hindi ako mapakali sa maaaring mangyari . Ngunit kung totoo mang diwata sila Aliyah . Isasama ko sya sa aking mundo . At duon ay gagawing reyna ng aking kaharian .
---------------------------------------------------------
" Madam Lara . Napadalaw kayo . "
Sinalubong kame ng ina ni Aliyah . Niyaya ko si mama na dumalaw at may naisip akong dapat gawin . Upang mapatunayan na sila ay mga diwata din gaya ng aming iniisip .
"Oo nga Mrs. Sanchez . Sa totoo lang nag aalala ako nasabi kasi ni Aliyah na may sakit si Aethan . Kaya naisip ko na din magdala ng mga prutas para sa bata . "
"Oo nga po Madam lara . Nasa kwarto po si aethan. Gusto nyo po ba sya makita ? Wala po kasi si Aliyah at nagpunta sa Doktor ni Aethan balak nya kasi dalin sa abroad yung bata para dun ipagamot . Wala naman po kasi makita sa findings ng bata . "
Habang nagkukwentuhan ay nakarating na kame sa pintuan ng kwarto ng bata . Binuksan ito ng mama ni Aliyah .
"Kamahalan . Tama ang hinala naten . "
Tumango lamang ako sa sinabi nito . Tumambad sa amin ni Miana ang amoy ng isang diwata . Napakagaling magtago ng pamilya ni Aliyah . Tanging si Aethan lang ang di makapagtago ng kanyang amoy dahil sa bata pa ito .
Pumasuk na kame sa loob ng kwarto . Natutulog ang bata .
Tila kinurot ang aking puso . Bakit parang bumibigat ang akin pakiramdam .
Nilapitan ko ang kawawang nilalang .
Marahil dahil kaisa ko sa mga nasasakupan ang batang ito kaya ako naaawa sa kanya . Napakaamo ng kanyang mukha . Bakit pakiramdam ko ay malalim ang ating koneksyon . Sabagay , bilang hari ay malalim ang aking konekta sa mga diwata at nilalang na nagpapasakop sa akin . At isa pa . Mahal ko ang iyong ina .
Nagising si Aethan sa pakakahimbing .
How you feeling ?
Im hungry.
I had a secret .
What is it ?
Promise me you wont tell anyone either your mom .
Yes i will .
I know what you want to eat .
Really. ? Im hungry .
Yes . Lets wait till they leave the room
Ok mister .
Nagawa namen magusap sa isip . Na tanging mga dugong maharlika lang ang may kayang gumawa .
"Aeron . Lalabas muna kame at magkakape lang muna kame nila Mrs. Sanchez . "
Tumayo ako at hinawakan ako bigla ni Aethan sa kamay . Tila ako nakuryente sa pagdikit ng aming balat.
"Sige na dyan ka na muna at gusto ka pa kasama ng bata . "
At nawala na ang mga ito sa kwarto ng bata . Agad naman inilock ni Miana ang pinto at inilabas nito ang mga petals na galing pa sa aming mundo .
Inabot ko ito kau Aethan . Napatingin ito sa akin .
" Go aethan . Try it . "
"But its a flower . Its not a food . "
Hinawakan ko ito sa ulo at ginulo ng kaunti ang buhok nito .
"Trust me . Baby . "
At unti unti nitong kinain ang petals na dala dala namen . Naubos nga nya ito at mula sa pamumutla ay bumalik ang mapula pula nitong kulay . Napayakap ang bata sa akin ng mahigpit . Ikinagalak naman namen ni Miana na tama ang aming hula .
"Aethan . Everytime you feel hungry tell your mom to bring you to my house okay ? And never tell anyone what your eating okay ?"
"Yes mister . I wont tell even mom !"
Isang malakas na katok ang pumukaw sa amin . Sinenyasan ko si miana na itago ang mga dala . At binuksan nito ang pinto .
Kinukumutan ko na si Aethan at nabusog itong talaga sa 'pagkain' na para sa mga diwata .
Tumayo ako at lumingon kay Aliyah .
"Kanina pa ba kayo ?"
"Nope . "
Lumapit ito kay aethan . Hinalikan nito ang anak at inayos ang kumot .
Aliyah . Bakit hindi ka pa umamin . Alam ko na ..
Lumingon ito sa pag aakala ko na narinig ako nito . Pero nagpatay malisya pa din ito sa aking ginawa .
"Lumabas na tayo . Hayaan na naten magpahinga ang aking anak . "
At sumunod na nga kame sa kanya sa pag labas .