Chapter 17

1163 Words
_AERON'S POV_          "Mina ang gagamitin mong pangalan dito sa mundo ng tao . Matalas ang memorya ni Aliyah . Malalaman nya na totoo ang kanyang panaginip . " Tumango lamang si Miana sa mga bilin ko sa kanya .            "Pero kamahalan . Bakit tayo napapanaginipan ni Aliyah ?" Napatingin lamang ako sa aking taga bantay .          "Ako ma'y naguguluhan Miana . Hindi ko alam kung anong koneksyon ni Aliyah sa atin . " Natigil nag aming paguusap ng lumabas sa kwarto ang aking ina at si aliyah . Bumaba ang mga ito ng hagdan . Sa aking pag lingon ay nakita ko ang kagandahan na kahit sa sino mang kababaihan sa aming palasyo ay di ko nakitaan ng ganito . Kahit si aura .           "Maganda ba ang kanyang kasuotan ?" Nakangiting pagmamalaki ng aking ina . Halata kay Aliyah na naiilang ito sa kanyang suot . Tinitigan ko ito ng mabuti . Malalim . Nang aakit .           m******s talaga  anang isip ni Aliyah .  Hindi ko napigilan ang matawa . Lubha naman talagang nakakaakit ang kanyang kagandahan . Suot ang isang dress na labas ang balikat . Mababang neckline na naghahantad ng kaunti sa kanyang dibdib . Umabot sa tuhod ang haba ng kanyang damit . At lalong lumabas ang mala rosas na kaputian sa kulay itim na damit .          "Napakaganda ninyo mam ".   Puna ni Miana sa kanya . Ngumiti ito at nagpasalamat .           "Ikaw aeron wala ka man lang bang masasabi ?".    Pukaw ng aking ina .           "Pangkaraniwan lamang mama . " At sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang pag salubong ng mga mata nito sa inis .  Bakit tila ikinatutuwa ko ang kanyang pagkainis . ---------------------------------------------------- 5 MONTHS AFTER            Mabilis na lumipas ang panahon . Sa pabalik balik namen ni Miana sa kagubatan at sa mundo ng tao ay madame na kameng nakasanayan gawin sa mundo ng tao . Halos kapantay na nila kame sa kaalaman at maihahalintulad na din sa tao ang aking katauhan .            "Anak . Iho . Nakabalik na pala kayo . Kamusta ang kagubatan ?" Niyakap ako nito at nagpasyang pumunta sa pool area . Hinalikan ko ito sa ulo .            "Kung maaari ka lamang makapamuhay sa kagubatan mama . Hindi sana ay hindi tayo nahihirapan ng ganito . "           "Nahihirapan ka na ba mag adjust sa dalawang buhay mo anak ?".    Nabakas ang lungkot sa mata nito .           "Hindi mama . Masaya ako na kasama kita . At hanggat hindi pa namen nakikita ang prinsipe hindi pa tayo maaaring tumigil . " Napatingin ako sa tubig na nanggagaling sa pool . Ilang buwan nalang . Maiksi nalang ang panahon nalalabi ngunit hanggang ngayon ay wala pa din kameng alam kung nasaan ang prinsipe .           "Anak . Napag isipan mo na ba aking kahilingan ? " Isang matamis na ngiti ang ginawa ng aking ina . Nakakadurog ng pusong ito ay tanggihan .           "Susubukan naten mama . ".   At humalik ako sa ulo nito .  --------------------------------------------------------------------- _ALIYAH'S POV_           Nakatayo ako sa isang malawak na karagatan.  Hindi ako nalubog sa tubig . Kadiliman ang aking nakikita . Sa isang iglap ay nakita ko si Aeron .   "Aeron ! ".  Sumigaw ako dito sa wari ko ay napakalayo nito . Tumakbo ako palapit sa kanya . Nakasuot si aeron ng baluti .   "Aliyah , mahal ko tumakbo ka na " Mahal mo ? Mahal mo ako ? Bakit sa aking panaginip ay mahal mo ako . Hinawakan ko ang kanyang mukha . Niyakap ko ito . Mahal na din ba kita . Pagtanggal ko ng aking kamay ay nakita kong duguan ito .  Dugo !   "Aliyah tumakas ka na !" At mula sa likuran nito ay may isang mabangis na nilalang na sumaksak ng espada dito . Nakita ko ang paghihirap ni aeron . Hanggang sa mawalan ito ng malay sa aking kandungan . Napatingin ako sa nilalang na sumaksak sa aking pinakamamahal .    " Aethan ?!?! "   "Ako nga mama . At isusunod na kita !" Itinaas nitong muli ang espada at iniawang sa akin ang talim .      "Anak ! Hindi !"     "Aethan !!!" Napaluha ako sa aking napanaginipan . Anong klaseng panaginip ito ?! Nakakasindak ! Pero bakit parang totoo .  Bumukas ang pintuan ng aking kwarto . Niluwa niyon ang aking mama . Niyakap ako nito agad ng mapansin ang aking pag iyak .       "Ma , ayaw nila ako tigilan ! Bakit ganun ang mga panaginip ko . " Hinaplos ako ng aking ina upang kumalma ako .         "Shhhh. Panaginip lang iyon anak . "        "Ma . Si aethan . Nasan si aethan ?".    Natataranta ako sa aking nakita sa panaginip .        "Tulog na ang anak mo . Kaya magpahinga ka na . Magbakasyon ka muna sa trabaho . Baka stress ka na kaya kung ano ano na ang nakikita mo . " Oo tama . Baka nasosobrahan na ko sa trabaho . Kailangan ko muna magpahinga . Bukas magpapahinga ako .  ----------------------------------------------------      "Hello ashley . Magpameeting ka mamaya sabihin mo rush meeting to . Pupunta ako sa office ngayon para lang sa meeting . "       "Okay mam" Nagluluto ako ng almusa para sa aking pamilya . Ako din ang maghahatid kay Aethan sa school nito .   "Goodmorning everyone ! Breakfast is ready ! "   "Anong meron at ikaw ang naggawa ng almusal ?"   Humalik ako sa aking papa     "Wala naman pa . Gusto ko lang na paglutuan kayo . " Bumaba na din si aethan na naka school uniform na . Matamlay ito . Agad ko itong nilapitan .       "What's wrong baby ?" Hinaplos ko agad ito sa noo .        "Nothing ma ." Nag alala ako sa aking anak .       "Are you sure you can go to school ?" Tumango ito at ngumiti . Iniupo ko na ito sa hapagkainan . Ngunit ni isang niluto ko ay hindi nito kinain . Nagaalala man ay inihatid ko pa din ito sa school . At pinabaunan ng madameng pagkain .      "Yaya take care of aethan . After ko mag meeting sa office babalik ako agad . "  Pagkahatid ay iniwan ko na muli ang mga ito . Dumirecho na ako sa office para sa board meeting .        "Goodday bosses . Im here to announced you that i will be leaving for a couple of months . And i want to tell you that im leaving my position to Ashley . She will be the one who will give me updates in every proposals we have . All reports and all the plans to make . Hoping you all will cooperate . "        Mabilisang natapos ang aking meeting .        "Mam . Baka hindi ko kayanin yun position mo . " Hinawakan ko ito sa kanyang kamay .         "Kaya mo yan ash . Tiwala ako sayo . " Paalis na ko ng may maisip ako na isang bagay .         "Ahm ashley. " Nakatingin lamang ito at halatang nag iintay ng sasabihin ko .           "Yung lola mo na albolaryo . San ko sya pede makita ?         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD