_AERON'S POV_
"Kamahalan . Ang kawangis ni aura . Gusto mo sya ?"
Turan ni Miana habang nakadungaw kame sa itaas ng bakuran ng aking ina . Tinititigan namen ang paalis ng dalaga .
"Kawangis lamang sya ni Aura . Pero magkaiba sila ."
Katahimikan ang sumakop sa aming dalaw.
Napatingin ang babaeng ito sa amin at nagpaalam . Maamo ang kanyang mukha . Bakit pakiramdam ko ay kakaiba din ang babaing ito .
"Miana . Kailangan magpalit ka ng iyong pagkakakilanlan . "
Tumingin ito sa akin .
"Bakit po kamahalan . ?"
"May binabanggit sya sa kanyang isipan . Isang panaginip . "
Napatingin ito sa aking muli . "Panaginip ?"
"Bakit aeron ? Anong mayroon sa panaginip .?"
Yumukod si miana sa papalapit kong ina .
"Ina . May binabanggit sya sa isipan nya na nakita na nya ako sa kanyang panaginip . "
Tumingin ito sa akin .
"Baka sya ang nakalaan para sayo anak ko . "
Napatalikod ako sa mga ito at muing sumilip sa madilim na kalsada na waring natatanaw ko pa ang kanyang pigura .
" Ma . Isang bagay pa . " Lumingon ako sa mga ito .
"Nang ipasa saken ni Miana ang kanyang kaalaman sa mundo ng mga tao hindi naman lahat ay kanyang nalaman . May makabagong lenggwahe na sinasabi ang babaeng iyon kanina . "
Napatingin ang dalawa sa akin waring naghihintay ng aking sasabihin .
"Tinatawag nya ako m******s ?"
At bumunghalit ang tawanan sa dalawang babaeng aking kaharap .
--------------------------------------------------
_ALIYAH'S POV_
"Oh . Steph . Nandito ka ?"
Nakarating na ko sa aming bahay . Nadatnan ko ang aking kaibigan na naghihintay .
"Dito ko matutulog beshy . Nalulungkot ako . "
At yumakap ito sa akin . Napabuntong hininga ako . Sa mga ganitong pagkakataon ay broken ang aking bestfriend .
"Beshy ang sakit ! Wala na kame ni pamboy . Nakakainis sya . May babae sya beshy . "
At tuluyan na itong umiyak . Binitawan ko ito at tinignan .
"Sige na . Umakyat ka sa veranda dun tayo magusap . Kumuha ka ng alak sa bar . Sisilipin ko lang ang aking anak . "
Ngumiti lang ito at nagmamadaling nagpunta sa bar . Dumiretso ako sa kwarto ng aking anak . Binuksan ko ito at nakitang binabasahan ito ng lola nya ng story books .
"MAMA ! "
Masayang bati nito sa akin . Lumapit ako at humalik sa noo ng aking mama . Umupo ako sa tapat ng akinh anak . Hinalikan ito sa pisngi .
"Pagod kaba anak ?". Hinaplos ng aking ina ang aking buhok .
Umiling lamang ako .
"Mama . If your tired you dont need to go to work . I wont ask for toys so we dont need to waste money."
Napangiti ako . Hinawakan ang mga ito at niyakap . Sa mga pagkakataon na pakiramdam ko ay naguguluhan ako sila lamang ang nakakapag patuwid ng aking isipan .
----------------------------------------
"Beshy ! Ano ba.? Kanina pa ko naghihimutok dito pero wala kang reaksyon ?!"
Nagdadabog na nagsalin ito ng alak sa baso . Inabot nito iyon sa akin at umupong muli sa katapat na upuan .
"Aliyah . Anong problema ?"
Sumeryoso ang mukha ni stephanie . Napabuntong hininga ako at ininom ang alak na hawak .
" Steph . Naalala mo ng sinabi ko sayong hindi na ko nananaginip ng panaginip ko . "
Tumango ito at tila nag aabang ng kasunod na sasabihin ko .
"Nakita ko na sya sa reality steph . At ang nakakatakot na pangyayare same face ,same name"
Nanlaki ang mga mata nito . Tila may nakitang multo sa aking isiniwalat .
" Saan mo sya nakita ?"
"Anak sya ni Tita Lara"
----------------------------------------------------------
Nagmamadali akong nagdrive papunta kina tita Lara . Late na ko ng 30 mins . Bakit ba ako nakipag inuman kay steph nalate tuloy ako ng gising .
Nakarating na ko sa tapat ng bahay nila tita Lara . Nagmamadali ako na bumaba at patakbong pumasuk sa loob ng bahay . Di sinasadyang nakabangga ko ang babaeng kasama ni sir Aeron . Bumagsak ako sa sahig at tumapon sa akin ang dala nitong pagkain .
"Ipagpaumanhin mo ang kalapastanganan ko . "
Walang habas na lumuhod ito at yumuko sa kanyang nagawa . Umayos ako ng upo at tinignan ito .
"Tumayo ka dyan . Hindi mo din naman sinasadya ako ang nagmamadali na pumasuk."
Tumingala ito at di makapaniwala sa aking sinabi . Nawe weirduhan na talaga ako sa mga taong to .
"Ako nga pala si aliyah . Ikaw si ?"
"Ako si Mia ........"
"Mina !!!" Agad kameng napalingon sa maawtoridad na boses .
"Master . ". At yumukod ito .
"Mina umakyat ka na sa taas tignan mo si mama . "
Nagmamadaling umakyat si Mina . At lumingon ito sa akin . Masama ang mata nito . Tila mangangain ng tao . Napaiwas ako ng tingin .
"Kalapastanganan . Kayong mga babae ay mapang akit ! Masyado kayong makasalanan !"
Sa pagkasabi nito non ay agad akong napatingin sa aking kasuotan . Hakab na hakab sa aking dibdib ang ang natanggal na bitones dahil sa pagkabasa ng inumin ni Mina . Agad akong tumayo at tinakpan ang aking sarili .
"m******s ka talaga !"
Hinampas ko ito ng bag na dala dala .
"m******s ! m******s ! Ilang ulit mo ng ginawa ito ! Gwapo ka pa naman sana kaso sobra mo ng manyak! "
Hindi ako tumigil sa pagpalo dito at ito ay umilag lang ng umilag . Sa ganung eksena kame dinatnan ng kanyang mama.
"Aliyah . Aeron . Anong kaguluhan ito . "
Napalingon kame ng sabay sa ginang na pababa ng hagdan . Agad akong tumayo at umayos ng sarili . Ganun din ang gwaping si aeron . Lumapit ang ginang sa akin at tinitigan ako nito .
"Hindi ka na makakapasuk sa itsura mo . Halika at dun tayo sa kwarto . Linisin mo ang sarili mo"
Sumunod ako sa matanda na iniwan ng masamang tingin ang kanyang anak na si aeron . Nilapitan ito ni Mina na sa pagkakatingin ko ay mukhang kanang kamay nya .
Single pa din pala sya e, pwede pa
Nasita ko ang aking sarili at napatingin ulit sa gwaping si aeron .
Nakangisi ito na parang narinig nya ang aking sinabi .
Sa pagkataranta ay dali dali akong sumunod kay tita Lara sa kanyang kwarto .
--------------------------------------------
"Ang damit na ito ay sinoot ko ng una kong makilala ang papa ni aeron . Natatandaan ko pa noon . Nasa probinsya ako at nagbabakasyon . Naglalakad ako sa gitna ng kagubatan ng may isang lalaking sumitsit sa akin . Sa sobrang inis ko ay minura ko ito at sinabihan ng manyak . "
Nagkatawanan kame ni tita Lara .
"Parang ako din pala . "
"Oo aliyah . At alam kong nagagawa mo lamang iyon dahil sa wala ka pang alam sa mga kilos ng umiibig . "
Napatingin ako kay tita Lara na parang nabigla sa sinabi nito .
"Alam ko aliyah . Na ang anak mo ay hindi sayo nagmula . Ngunit bilib ako sayo . Napakatatag ng iyong kalooban . Minahal mo si Aethan na parang saiyo ito nagmula. "
Napayuko ako .
"Alam ko kung bakit mo itinatago sa lahat na ikaw ay isang dalaga. Alam kong ayaw mong saktan ang iyong anak . Magiging masaya ako kung ikaw ang mapapangasawa ng aking anak . "
At sa sinabi nito ay nabigla ako ng husto sa kaprangkahan ng ginang .