_ALIYAH'S POV_
Hindi ako maaaring magkamali . Sya ang lalaki sa aking panaginip . Pero bakit ibang iba sya .
"Panaginip ?"
Nagulat ako sa tinuran nito . Nagsalita ba ko ? Sa pagkakaalam ko sa isip ko lang ito naitanung.
"Ah . Excuse me . Gusto ko sana bumili ng .. "
Tumingin ito sa labas . Sabay turo sa nadaanan namen na icecream parlor .
"Ayun. ! Gusto ko yun !"
Nagtataka man ay inihinto ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada at bumaba upang ..kumain ng icecream ?
"Mam. Dalawang icecream . Dine in . "
Naglakad lakad ito sa gilid ng kalsada . Naupo ako sa isang bakanteng two seater na dine in chair sa labas ng parlor shop . Dumating ang order namen at tinawag ko na ito .
"Mr. Aeron .. matutunaw ang icecream nyo . "
Lumakad ito palapit sa akin . At tinignan ang pagkain nasa harapan . Tinikman nya ito at napangiti .
Shocks ! Ang gwapo nya !
Napangiti ito lalo at tumingin sa akin .
"Ganyan ba kayong mga tao ? I mean pinoy . Ang hilig nyong mamuna ng kaharap pero takot naman kayo na sabihin ito ng malakasan ?"
Tila iritable ito na nagsasalita . Nagtataka ako sa kanya . Pano nya nalalaman ang iniisip ko ?
Nagmamadali na kong kumain at niyaya na ito na umalis .
"Ma la late na tayo sir . "
Sumakay na ako ng sasakyan at sumunod na ito .
------------------------------------
"Goodmorning everyone . I'd like to introduce to you Mr. Aeron Suarez . He is the Son of our director Mrs. Lara Suarez . He will be the one to supervised us hanggang sa makarecover si madam sa karamdaman nito . Lets all be kind to our new Ceo ."
Nagpalakpakan ang mga empleyado at kanya kanya ng bulungan .
"Ang gwapo pala ng anak ni madam"
"Sana mapansin tayo ni sir"
"Galing daw ng abroad kaya ngayon lang naten nakita . "
Niyaya ko na ito sa office . Sa paglalakad ay hindi maiwasan na batiin ito ng mga kababaihan . Bumabati man ito pabalik ay very civil naman ito .
Kung gano ka sweet si tita Lara syang cold naman ng anak nya .
"Do you think i need to be sweet in every woman i met ?"
Nagulat ako sa sinabi nito napatingin ako dito at napailing . Dali dali kong binuksan ang office ni madam,
Itinuro ko kaagad ng mabilisan sa kanya ang lahat ng dapat nyang gawin . Hindi na ata ako makakatagal ng isang araw pa na makasama ito . Kaya dapat ay malaman na nya ang lahat ng dapat nyang matutunan.
Napatingin ako sa aking relo .
Shocks . Lunchbreak na . Naghihintay na si Aethan sa aking tawag .
Napalingon ako sa busing busy na lalake . Napaka amo ng mukha nito wag nga lang magsasalita ay nawawala ang dating nito . Lumapit ako dito at nagtanung .
"Sir . Anong lunch po ang gusto nyo ? "
"Petals .". Napanganga ako sa sinabi nito . Petals ? Bulaklak ?
Bigla itong napatingin sa akin . Tila nabigla sa sinagot din nito . Napahawak ito sa ulo at biglang nagsalitang muli .
"Im sorry , im just kidding . Uhm sige na mauna ka na kung nagugutom ka . Magpapadeliver nalang ako mamaya pag nagutom ako."
Agad kong nahapit ang aking suot na blouse sa pumasuk sa aking isipan .
Manyakis din pala ang anak ni tita Lara .
Tumungin ito sa akin . Agad akong lumabas ng office . Nakakatakot na lalake . Ang gwapo sana . m******s lang .
----------------------------------------------
Tapos na ang mahabang araw na kasama ang weirdong anak ni Tita Lara . At ngayon obligado pa ko na ihatid ang anak nito sa kanila . Hinilot hilot ko ang aking batok , nananakit ata ito dahil sa dame ng aking ginawa sa araw na to .
Pumasuk sa sasakyan si sir Aeron . Napansin nito na nagmamasahe ako ng ulo .
"Masakit ang ulo mo ?"
Napatingin ako dito .
"Okay lang sir . Sanay naman po ako . "
Walang abisong hinawakan nito ang batok ko . Ilang pisil ang ginawa nito at gumaan ang pakiramdam ko . Tila nawala ang sakit na naramdaman ko kanina . Di ko napigilan mapaungol .
"Ughhhh."
Napatigil ito sa ginagawa . Napadilat ako at napansin na nakatitig ito sa akin . Nataranta ako sa awkward na setup namen kaya natabig ko ang kamay nito .
"m******s ka sir ah !"
Napatigil ito saaking sinabi . Tumingin lang ito sa labas ng bintana at di na nagsalita hanggang sa makauwi na sa kanila .
-----------------------------------------------
"Aliyah . Come inside nagprepare ako ng foods for you . Sumabay ka na sa dinner namen . "
Nagpatinuhod lang ako sa ginang. Naglakad kame papunta sa lamesa . Nakaupo na ang babaeng kasama ni sir Aeron kanina .
"How was work son ? Mahirap ba ?"
Nakaupo na kame sa harap ng hapag . Kumakain na ko dahil gutom na talaga ako sa maghapon . Ngunit ang dalawang bisita ni Tita Lara ay tila na me mesmerize sa mga putahe na nasa hapag .
"Sanay kasi sila sa italian dishes . "
Tila nahulaan ni tita ang nasa isip ko .
"Ikaw Aliyah . Pinahirapan ka ba ng anak ko ?"
Madaming iling ang aking ginawa .
"No tita . Actually mabilis sya matuto . And kahit wala na nga ako bukas kaya na nya mag isa . "
Napatingin ang mga ito sa akin .
"No . Sasamahan mo pa din ako bukas . And i'll wait you here . Tomorrow morning . "
Nabigla kame sa sinabi ni Sir Aeron . Ako parang nainis ako na nagka obligasyon ako bigla pero si tita Lara . Iba ang ngiti sa mga labi nito .
Natapos na kameng kumain at nagpaalam na ko kay tita Lara .
"Mauuna na ko tita . Baka nag aalala na yung mga kasama ko sa bahay . Dadaan nalang po ako bukas . Pagsusunduin ko na si sir Aeron . "
Hinawakan ako ng matanda sa aking kamay . Pinisil ito na tila nangangamba .
"Aliyah . Bukod kanino man . Sayo ko lang ipagkakatiwala ang aking anak . Bantayan mo sya sa abot ng iyong makakaya . Habaan mo pa ang iyong pasensya . "
Ngumiti lang ako dito tanda ng pagsang ayon .
Nakita ko sa may itaas si Sir Aeron katabi ang babaeng kasama nito. Tumango lamang ako sa mga ito at sumakay na sa aking sasakyan .
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan .
,"Hindi nga kaya sya ang nasa panaginip ko ?"