_AERON'S POV_
"Miana . "
Lumapit ito sa aking trononh kinalalagakan .
" Hindi ba at nakakalabas pasuk ka na sa mundo ng tao?"
Tumango ito bilang pag sang ayon sa aking sinabi .
"Ibig sabihin ay alam mo na ang pamumuhay nila sa labas ng mundo ?"
Muli itong tumango .
"Kahit mga lengwahe sa buong mundo ng mga tao ay alam ko na rin kamahalan . "
Namangha ako sa tinuran nito .
"Sa aking paghahanap sa ating prinsipe at itinakda ay kailangan ko malaman ang kanilang pamumuhay . Kaya akin itong pinag aralan . Mapusok ang mga tao kamahal . Hindi lahat sa kanila ay matulungin kaya mas maayon na kung alam mo ang kanilang pamumuhay . "
"Ipasa mo sa akin ang kaalaman na yan . "
Napatigil ito sa aking tinuran .
"Sasamahan mo ko na hanapin ang aking anak at ang itinakda . Gayondin na gusto kong makasama ang aking ina. "
Ngumiti ito ng malaman ang pakay ng Hari . Sa isang kumpas ng kamay ay napapikit ang hari at tila maraming naaaninag na mga alaala at kaalaman sa kanyang isipan . Ilan pang mga kumpas ay napahinto na ito sa paggalaw ng ulo at napayuko .
" Maligayang pagbabalik sa isip kamahalan . "
Napangiti ako sa kanyang tinuran .
"That was closed . "
At isang magandang ngiti kay miana ang aking natanggap .
---------------------------------------------------
" Uno kayo muna ang mamahala sa aking kaharian . Kung meron mang di magandang mangyare ibato nyo lang sa kalangitan ang espadang kidlat . At agad akong darating . "
Tagubilin ko sa aking pinakamahuhusay na alagad .
"Sa kapangyarihan ipinagkaloob sa akin ng bathala . Ibinubuhos ko ang aking lakas upang protektahan ang lahat ng nasasakupan sa masasamang balak ng iilan . Mananaig ang kabutihan sa lahat ng nagtitiwalang nasasakupan sa pag kawala ng Hari . "
Itinaas ni Miana ang kanyang porselas . Dito nakatago ang sagisag ng kanyang kapangyarihan . Waring nagkaroon ng pananggalang ang buong kaharian .
"Mahusay Miana . "
At nagsimula na kameng maglakad patungo sa ipinagbabawal na lagusan .
Kasalukuyang nasa harapan na kame nito .
Sa ilang ulit na paglabas pasok ni miana dito ay natutunan na nya ito gamitin ng maayos . Natuklasan din namen na ang bawal na lagusan . Ay lagusan patungo sa lugar kung nasaan namumuhay ang aking ina .
--------------------------------------------------
Sa isang silid kame lumabas ni Miana . Sa aking pag iisip malamang ay loob ito ng bahay ng aking ina. Nagmahika ng kasuotang pang karaniwan si Miana . Bago kame tuluyang lumabas .
"Tita Lara .. Hindi nyo na kailangan pumunta sa opisina . Ako na ang tatao duon para makapag pahinga kayo . ". Napakaganda sa aking tenga ng kanyang tinig .
" Ano ka ba naman Aliyah ! Dalawang kumpanya na ang inaasikaso mo kaya mo pa ba ? Lalo na ngayon ang company mo ang top . Dapat ay hindi ka bumagsak . "
"Tita pa bumagsak ang company ko company mo ang mangingibabaw . "
Natawa ang babaing kausap ng aking ina . Humahaplos sa puso ang boses na iyon .
Naglakad ako pababa ng aming hagdan . Napatingin ang dalawang taong nag uusap sa may sala . Tila nabigla ang babaeng kausap ng aking ina .
" Ma . May bisita ka pala ? " Ngumiti ang aking ina at halatang hindi ito nagulat sa aking pagbalik .
"Yes iho . By the way Aliyah . This is Aeron . My son !"
Tumayo ang babaeng kausap ni mama . Napakaganda nito . Napakaganda ng kanyang balat . Parang sa rosas na puti . Ang itim na itim nyang buhok waring amoy bulaklak . Nakipag kamay ito sa akin ang lambot ng kanyang palad .
Ngunit isa syang babae .
At may kawangis sya .
Bigla kong naikuyom ang aking palad .
Si Aura .
"Master , si aura . " Napalingon ako kay Miana .
"Hindi sya yan Miana . "
------------------------------------------------------
_ALIYAH'S POV_
Maaga palang ay tinawagan na ko ni tita Lara para pumunta sa kanila . Masama ang pakiramdam nito at pinipilit pa din na pumasuk . Kaya pinipigilan ko ito .
Ng makarating ako sa kanila ay napansin ko na wala itong kasama . Paano ang matanda pag ganitong may sakit ito . Nakakaawa .
Sa gitna ng aming pagtatalo sa pagpasuk nito ay may nakita akong Godlike na bumababa sa hagdan .
Oh my ... Sya ... Hindi ako maaaring magkamali sya ang lalaki sa aking panaginip .
"Ma . May bisita ka pala ?".
Bakit nanghina ako sa boses nito .
"Aliyah this is Aeron . My son !". Napatingin ako kay tita Lara .
May anak pala ito . Sumenyas ito na makipakamay ako kay tumayo ako sa pagkakaupo nakipag kamay ako sa kanyang anak . Pagkaabot nito ng aking palad ay waring may mabilis na pintig ang puso ko .
Anong nangyayare saken ? Bakit bumilis ang pintig ng puso ko ?
"Oh tutal ikaw naman na ay nandito . Bakit hindi nalang muna ikaw iho ang mag supervise ng company . Weeks dont matter to me . Besides nandyan naman si Aliyah para i guide ka . At sa nakikita ko e napag aralan mo na ang pamumuhay dito . "
Napangiti ang lalaki sa kanyan ina . Natutunaw ako sa mga ngiti nito . Bakit pakiramdam ko hindi totoong tao ang nasa harap ko . Nananaginip ba ko ?
"Uhm . Hmmm . "
Napabalik ako sa katinuan ng tumikhim ang babaing kasama nito .
Ayun lang may asawa na .
"Uhm tita ? Bakit napag aralan ang pamumuhay ? Hindi ba laking pinas si sir ?"
Napatingin si tita Lara sa akin . At humawak ito kay aeron . Waring humihingi ng saklolo .
"I grew up in states . And not familiar with philippines . "
Napatango ako sa sinagot nito . Kaya naman pala kakaiba ang awrahan nito e . Galing Tate .
"Son . Si Aliyah ang Top influencer ngayon dito sa atin . She won it . Kaya i doubt kung hindi ka gumaling sa pagpapaago ng company kung sya ang magtuturo sayo . "
Patang diskumpyansado ang mukha nito . Kaya napataas ako ng kilay at inayos ang suit ko .
"Tita . I need to go dadaan pa ko sa company ko bago ako tumuloy sa Suarez group."
Humalik na ako sa ginang at nagpaalam na sa dalawang bisita nito .
"Miana . Look for mom . Ako na ang sasama sa opisina . "
Tumango ang babae na tila maawtoridad ang lalaking nag uutos . Sumunod ito sa akin palabas . Sumakay ito sa kotse ko nabigla ako sa ginawa nito . Pag sakay ko ay nagsalita ako dito .
"Mr. Aeron . May service car ang mama mo yun dapat ang sinasakyan mo . "
Napatingin ito sa akin . Seryoso ang mukha nito .
"Mom told me na tuturuan mo ko . So i thought kailangan naten magkasama diba ?"
Wala akong nagawa sa maawtoridad na opinyon nito . Inistart ko ang engine at pinatakbo ang sasakyan . Sa daan ay walang nagsubok sa amin na magsalita kahit isa .