Chapter 8

1244 Words
    Nagsimula na ako sa aking trabaho . Pinakiusapan ko si Steph na mag leave muna sa kanyang trabaho para mabantayan si Aethan . Pumayag ito at pagod na din naman ito sa kanyang trabaho . Nangako naman ako na babayaran ang damage ko sa kanyang trabaho .       "Ms. Sanchez , this is Laisa . Sya ang mag aassist sayo sa mga gagawin mo and syempre hindi naman na sya mahihirapan siguro dahil eto din ang trabaho mo sa kabilang kumpanya . " Magalang akong nakipagkamay sa aking mentor .         "Dont worry madam . I'll be responsible sa lahat ng gagawin ko . " Isang magandang ngiti lang at nawala na ang matanda sa aming harapan .         "Laisa nalang ," Nagsalita ito habang papunta kame sa aking desk .          "Eto na magiging desk mo . Ayan nga pala si ashley , si nate sila ang mga kadepartment mo . Sila ang ka team mo kapag may mga upcoming movie na ipapasa sa atin ." Tumango tango lang ako sa mga instruction nito . Nang matapos na itong ituro ang mga gagawin ko ay iniwan na ko nito sa aking desk . Inayos ko ang mga gamit ko sa aking lamesa at umupo . May frame na walang lamang picture . Napahawak ako dito .  Si Aethan . Wala pa kong picture nya .        "Hi . ".   Napatingin ako sa tumayo sa aking harapan .         "Hello . ".    Bati ko din . Sa aking pakiwari ay si ashley ito .       "Ako si ashley , sya naman si nate. Alam mo ang ganda mo . Diwata ka ba ?" Natawa ako sa pabiro nito . Mukhang makakasundo ko din ang babaeng ito . Para syang kagaya ni Steph.        "Ay . Wala ka bang photos na dala ?".   Napatingin si nate sa frame na hawak ko .         "Ah . Wala nakalimutan ko kasi . Baka nasa kotse ko . ". Ibinaba ko na ang frame .  Bukas na bukas ay pipicturan ko si Aethan .         "Sabay tayong mag lunch mamaya ah . " Tumango lang ako sa mga kausap at nagsimula na magtrabaho .  -------------------------------------------------        "Aliyah . Ang ganda ng pangalan mo parang diwata talaga ." Natawa akong muli sa tinuran ni ashley . Kumakain na kame ng lunch . Masaya ang unang araw ko . Naramdaman ko na masarap pala magtrabaho ng walang hussle sa company . Magtatrabaho ka lang talaga ng matino .         "Pagpasensyahan mo na si ashley ,aliyah ... Probinsyana kasi yan . May lola sya na albolaryo . Kaya puro engkanto at diwata ang sinasabi nyan . " Natatawa si nate sa nakasimangot na si ashley .        "Bakit ? Naniniwala ba kayo sa mga lamang lupa ?".   Naitanung ko nalang sa mga ito . Sabay silang napatingin sa akin.        "Hindi ka ba naniniwala sa mga supernaturals ?".      Napailing ako sa sinabi ni ashley .        "Totoo sila aliyah . They are just hiding . Para hindi matakot ang mga mortal sa kanila . And sometimes hindi naten namamalayan na nakikisalamuha na pala sila sa atin . Like aswang , tyanak , and even as fairies. ".      Mahabang paliwanag nito .         "And pano mo naman nalalaman na ibang nilalang na ang nakakasalamuha mo ?".   Kunwa'y kinagat ko ang istorya nito .          "Gaya mo . ".      Napatingin ako kay nate sa sinabi nito .      "Ang ganda mo ay parang diwata." At napatawa kame ng batukan ni ashley si nate . -------------------------------------------------------     "Kamahalan . ".   Yumukod na muli si Miana sa prinsipe .  "Miana.".    Bumalik ito sa pagmamasid sa kalangitan .  Tahimik ang gabi . Malalim na at nahihimbing ang ibang mga kasamahan . Ngunit taglay pa din ng buong kaharian ang kalungkutan sa pagkawala ng kanilang pinuno .        "Miana.. naalala mo pa ba ang pagiibigan ng aking ina at ng aking ama?" Napangiti si Miana sa narinig mula sa Prinsipe . Matagal na panahon na ngunit ayaw makakarinig ng prinsipe ng kahit anong kwento mula sa ina . Simula ng iwanan sila nito ay hindi na ito nagmahal ng kababaihan . Tanging si Aura lamang ang bukod tanging inibig nito . Ngunit sa kasawiang palad ay binawi din ng bathala .         "Bakit mo naitanung kamahalan ?" Tumingin ito kay Miana . Napabuntong hininga . Tumingin muli sa higaan na halos kanina lang ay kinalalagakan ng mga labi ng ama . Ang maamong mukha ng prinsipe ay nahilam ng luha .            "Mahal na prinsipe . Ako'y lubos na nagagalak . Nagdiriwang ang aking puso na ikaw ang papalit sa trono ng iyong amang hari . Napakabusilak ng iyong puso . Ang katatagan sa panglabas mong anyo ay hindi naging hadlanh upang ibuhos mo ang kadalamhatian ng iyong loob . " Nagpunas ito ng luha .            "Miana . Hindi ako handa . Iniwan ako ng Hari ng walang pagdadalawang isip . ".   May hinanakit sa tinig nito . Nahabag ang dakilang diwata sa nakikitang kahinaan sa prinsipe .             "Gaya ninyo mahal na prinsipe . Ipinasya nyong itapon ang bata sa lagusan . Kahit na alam nyong ikamamatay nyo ang hindi pagbibigay nito sa mga kalaban . Busilak kamahalan . Napakabango ng inyong kalooban . "             "Ang aking ina . "    Napatingin ito kay Miana .            "Si tandang Sutna . Ang matandang nuno . Sya po ang mas nakakaalam ng pagmamahalan ng iyong ama at ina . "         "Ahhh . ".    Naalimpungatan ako sa paggising saakin .          "Aliyah ? "    Napatayo ako ng makitang si MADAM ang gumising sa akin .         " Tila nananaginip ka . ".     Napatingin ito sa aking mga mata . Malumanay pa din ang kanyang mga mata .         "Pasensya na Madam . Nakaidlip pala ako . ".      Tumingin ako sa akin orasan . Ganap na alas 9 na ng gabi . Nag overtime ako dahil sa aking tinatapos na gawain .           "Natutuwa ako sa kasipagan mo iha . Ilang buwan pa lang pero naungusan na ng ating kumpanya ang Kalaban na kumpanya . Malamang ay nagsisisi na si Henry na pinakawalan ka nya . " Isang pisil sa aking baba ang ginawa ng ginang .  Nagpaalam na ako dito at naggayak na pauwi . Ang aking anak . Hindi ko na namalayan ang oras sa pagod ko . Dibale at restday ko naman babawiin ko ang aking oras sa aking anak .  -----------------------------------------------            "Napanaginipan mo na naman ang panaginip mo ?" Nasa bahay na ako at gising pa na naghihintay si Steph . Tulog na ang aking anak . Mahimbing na itong natutulog .             "Steph . Nagtataka lang ako . Ilang buwan na ang lumipas . Pero ang panaginip ko madalang man syang pumasuk sa isip ko pero tinutuloy nito ang mga nakalipas ko ng panaginip . " Tumayo ako sa may bintana .  Halos 6 na buwan na ang nakakalipas . 10months na si Aethan . Dalawang buwan nalang at mag iisang taon na sya . Hindi pa din alam ng aking mga magulang ang tungkol kay Aethan .              "Baka epekto nalang din yan ng mga sinusulat mo na novels aliyah . " Siguro nga ngunit hindi pa din ako kumbinsido .               "Baka nga . "      Katahimikan .              "Ah . Aliyah . Oo nga pala hindi ko nasabi . Uuwi ako ng probinsya bukas . Emergency kina nanay . Mga isang buwan ata ako mawawala . Naiisip ko paano si Aethan . E halos ayaw mo kumuha ng yaya dahil hindi ka tiwala . " Ngumiti ako sa kaibigan .                 "Sobra sobra na ang naitulong mo Steph . Ako na ang bahala kay Aethan ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD