Restday ko ng araw na ito . Ipinasyal ko si Aethan sa park .. masayang masaya ako sa aking anak . Simula ng dumating si Aethan sa aking buhay ay tila ba umalwan ang buhay ko. Nakapag ipon ako . Nagkabahay na sarili . Doble dobleng kotse . Sa hindi ko maintindihan pero laging pumapatok ang aking mga novels sa pelikula .
Sa aking paglalakad ay nakita ko ang Chapel . Pumasuk kame ni Aethan sa loob . Nagdasala ako ng taimtim . Nagpasalamat sa pagbibigay sa aking anak . Ng kame ay palabas na isang babae ang humarang sa amin . Nanlalaki ang mga mata nito .
"Ang sanggol !" Napakapit ako ng mahigpit sa aking anak .
"Kayo yung manghuhula !"
Tumingin ito sa akin.
"Ang obligasyon at responsibilidad ay papalapit ng papalapit . Sa pagsapit ng ika pitong taon ng sanggol lalabas ang tunay na dugo nito . Nawa'y manaig ang kabutihan sa puso ng sanggol . "
"Ano ho bang pinagsasasabi nyo hindi ko kayo maintindihan. !"
Nagmamadali akong naglakad palayo sa manghuhula ngunit hinawakan nito ang aking kamay .
"Sa pagsapit ng paghuhukom . Ang sanggol , kung sa dilim ito ay babalot . Ito mismo ang kikitil sa buhay ng kanyang tagapangalaga . "
Lalo akong natakot sa sinasabi nito kaya nagmamadali akong sumakay sa sasakyan . Niyakap ko ng mabuti si Aethan .
Hindi anak . Kung ano man ang sinasabi ng manghuhula hindi mangyayare lahat yun .
Isang mahigpit na yakap ang aking ibinigay sa aking anak .
------------------------------------------------
Nagpaalam ako sa aking boss na hindi ako makakapasuk . Maiiwan si Aethan magisa sa bahay . Nakiusap ako na kung maaaring sa bahay ko gawin ang mga trabaho ko . Pumayag naman agad ang aking mga boss .
Nasa sala kame at naglalaro si Aethan . Nagpaplano na din ako para sa kanyang nalalapit na birthday.
Napatitig ako sa aking anak na masayang naglalaro ng mga laruan nito . Ng may kumatok sa aking pintuan . Napatingin ako at dali dali akong naglakad para mabuksan ang pinto .
"MAMA ! PAPA !"
halos mamutla ako sa pagkakakita sa aking ina.
"Kung hindi pa ako nagpunta sa dati mong bahay hindi ko pa malalaman na wala kana don ! " napairap ang aking ina .
"Anak nagtataka kasi ang mama mo san nanggagaling ang pinapadala mong pera . Eh nalaman namen kay Henry na wala ka na sa trabaho . Nagpunta sya samen . At nasabi nyang bisitahin ka namen dahil nag aalala sya sayo . ". Ang mahinahon kong papa .
Ang henry na yun . Nakarating na siguro sa kanya na nakabili ako ng mga propeties ko within a year . Nakikichismis pa .
"Mama , mama , wahhhhhhhhhh"
Sabay sabay kameng nagulat sa isang iyak ng baby . Nagkatinginan ang aking mga magulang na tila nahihindik sa narinig . Itinulak ng aking ina ang pintuan at tumambad ang isang bata na nakaupo sa crib at umiiyak .
"ANONG IBIG SABIHIN NITO ALIYAH !!!"
galit na sigaw ng aking ina .
---------------------------------------------------
Karga ng aking Papa si Aethan . Agad itong nakapalagayan ng loob ng aking ama . Pero ang mama ko eto at hapon na e wala pa din tigil ang bunganga sa kakatalak .
"Ano ka ba naman mama , hindi naman sa anak mo nanggaling itong si Pogi ! Ano pa bang sinasabi mong niloko ka ng anak mo !"
Pag sasaway ni papa kay mama . Napaupo ang aking ina . Umiyak ito sa pagtatampo .
"Anak . Hindi ka namen pinalaki para sa mga ganitong bagay ka lang bumagsak! Umamin ka . Anak sya ng asawa mo ? Sinong asawa mo ?!". Sinabi nito habang umiiyak .
"Wala akong asawa ma !". Tanggi ko .
"Boyfriend !?". Pangungulit nito .
"Wala ma . "
Tumayo ako at kinuha si Aethan sa aking papa . Umupo ito sa tabi ni mama at inalo nya ang mama kong nagdadrama .
"Kung ganon saan galing yan !". Sabay na tanung ng aking mga magulang .
Ikinuwento ko sa kanila ang nangyare at ipinaliwanag ko na walang nagke claim kay Aethan . Kaya inako ko na itong akin . Sinuportahan din naman ako sa huli ng aking mga magulang na sobra kong ikinatuwa .
"Basta alam mo na ang ginagawa mo aliyah . Nandito kame ni mama para suportahan ka . ",
Napaluha ako sa galak . Na kahit ganito ang aking mga magulang ay mahal nila ako .
------------------------------------------
" Alam mo aliyah . Hindi talaga ako makapaniwala na sa bata mong yan e may anak ka na . "
Nasa veranda kame ng aking bahay . Nagpaplano na kame sa birthday ng aking anak . Napakabilis ng araw . Mag iisang taon na si Aethan . Nakakapaglakad na ito . Halos buong buhay ko ay kay Aethan na lang umikot ang aking mundo . Sa isang taong pagsasama namen ng aking anak wala na kong ibang mahiling kundi ang makasama sya . Ng matagal .
"Siguro . Pamilya kayo ng mga prinsipe at prinsesa .". Napatingin kame kay ashley na kasalukuyang nag de daydream na naman . Natawa nalang kame ni nate .
"Oh mag meryenda muna kayo at mainit na . Eto ang pampalamig . ".
, "Salamat tita . ". Sabay na bati ng dalawa sa aking maasikasong ina .
Maghapon kameng nagasikaso ng kanyang magiging party . Pinaghandaan ko itong mabuti . Hindi maaarin ganun lang ang kanyang kaarawan . Ito ang magiging pinakamagandang kaarawan na daraan sa buhay ng aking anak .