"HAPPY BIRTHDAY AETHAN ! HAPPY BIRTHDAY AETHAN ! HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY !!!! HAPPY BIRTHDAY AETHAN !!"
MAlalakas na palakpakan ng nga bata at matatanda ang sumalubong sa kaarawan ng aking anak . Sa pagkakakalong ko sa aking anak sa harap ng kanyang mga cake ay nagsimula na akong magwish .
"Sana ay sa mabuti ka palagi mapunta anak . ". At isang ihip sa kandilang nagsisilbing ilaw sa kanyang cake .
Masayang masaya kame ng araw na ito . May mga clowns , palaro , at may party na ginaganap sa buong maghapon .
Habang abala sa pagkakaupo ay may sasakyan na huminto sa tapat ng aking garahe . Napatingin kame ng aking mga kaibigan duon . Inabot ko si Aethan kay Mama at sinalubon ang hindi inaasahang bisita .
"Aliyah . ". Nakangiti ito habang papalapit . Isinenyas ang mga naglalakihang regalo sa mga body guard at ibinaba ito .
"Anong ginagawa mo dito ?" Seryosong mukha ang ipinakita ko sa aking bisita .
"Aliyah . Hindi ka ba masayang makita ako? Nagdala ako ng regalo para sa ANAK na sinasabi mo . "
,"Henry ! Umalis ka na . ". Saway ko dito .
Ngumiti ito at bumati sa aking mga magulang . Pagkatapos noon ay sumakay na ito sa sasakyan at umalis ng walang paalam .
"Tigas talaga ng mukha ng dati mong amo no ". Lumapit si nate upang mawala ang aking galit .
"Kung ikaw lahi ng diwata . Yun naman sa mga engkanto . "
At nagkatawanan kame sa birong iyon ni ashley .
Ang buong araw ng kaarawan ng aking anak ay naging matagumpay at masaya .
-----------------------------------------------
" Sa kalatas na ito nakasaad ang huing tagubilin ng ating namayapang mahal na HARI . "
Binuksan ito ng isang taga hukom sa palasyo.
,"Ako . Si Haring Calixto . Ang namumuno sa kabuuang nasasakupan ng kagubatan . Ang pamumuno sa mga diwata , engkanto , laman lupa , mga kakaibang nilalang na namumuhay ng tahimik sa sagradong kagubatan . Sa pagsasagisag ng apat na elemento . Tubig , lupa , apoy at hangin . Ang pamumuno ... Sa pagsapit ng aking pagpanaw . Ay ipinapataw ko sa aking kaisa isang anak na prinsipe .
Si prinsipe Aeron "
Sa pagdedeklara ng kanyang katanyagan bilang Hari . Ang lahat ay masayang sinalubong ang pagputong ng korona sa bagong hari ng sagradong kagubatan . Tumayo ang bagong pinuno matapos itong putungan .
"Bilang kaisa isang taga pag mana ng ating kaharian . Ako si Prinsipe Aeron ay tinatalaga ang sarili simula sa mga oras na to bilang inyong Haring Aeron !"
"Mabuhay ang bagong Hari !"
"Mabuhay !!!"
"Mabuhay si Haring Aeron !"
"Mabuhay !!!!"
Isang kidlat ang nagpahinto sa seremonya ng lahat . Lumitaw sa maitim na usok ang isang nakakatakot na nilalang .
,"Lord Haton !". Napahawak si Miana sa Bagong talagang Hari .
"Miana .. nagkita tayong muli . ". Isang nanlilisik na mata ang sumalubong sa dakilang diwata .
"Hindi ka inimbita sa pagtitipon na ito . Umalis ka sa nasasakupan ko .". Matigas na tono ng makisig na Hari .
"Ganyan ba ang tamang pagbati sa ama ng iyong dating iniibig ?". At sa pagkakasabi nito ay isnag salamangka ang bumato dito ngunit agad nitong naiwasan .
,"Mahina ka pa din Prinsipe Aeron . Hindi pa ganap ang iyong kapangyarihan . Sa pagpasuk mo sa mundo namen noon naubos ang iyong malakas na kapangyarihan ! Hindi mo ko matatalo !"
Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito . Para iyong kulog sa lakas .
"Darating na ang nasa propesiya ! Makikita na din namen ang itinakda !". Matigas na sigaw ni Miana.
"Itinakda ??? Hahahahaha ! Ang itinakda na nakatakdang paslangin ng sarili mong anak Haring Aeron !"
At tuluyan na itong nawala . Naiwanan ang kaharian ng isang nakakanginig kaloobang sumpa . Sumpa na sana ay hindi mangyare batay na din sa propesiya .
"Kailangan ko na silang makita . Nalalapit na ang paghuhukom . "
Isang nagtatagis bagang na dikta ng Bagong Hari .
----------------------------------------------
6 YEARS AFTER
" Aliyah . "
Humahangos si mama na pumunta sa aking kwarto .
"Nananaginip ka na naman anak . "
Napatingin ako sa ina .
"Mama si Aethan . "
Tumayo ako at tumakbo papunta sa kwarto nito . Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang napakagwapong bata . Nagkukulay mais na ang kanyang buhok . Lumalabas na ang kulay abo nitong mata . Matangos na ilong at mapupulang labi . Magkasing kulay kame nito . Kaya hindi mahirap sa iba na maniwala na kame ay magina .
Hinaplos ko ito sa buhok
"Anak . Sa twing mananaginip ka si Aethan ang agad mong pinupuntahan . "
Natigilan ako sa tinuran ng aking ina .
"Hindi ko alam ma.. pero sa twing mapapanaginipan ko ang bagay na yun pakiramdam ko ay kailangan ko makita at masigurong ligtas si Aethan . "
Nagising ito sa aking paghaplos . Pupungas pungas itong tumayo .
"Mama . Whats wrong ? Having your bad dreams again ?". Napangiti ako
Kahit ang bata ay alam na din na napapanaginipan ko ang panaginip na yun sa twing sinisilip ko sya .
"No baby , mama just want to see you and kiss you before she go to sleep . "
Isang yakap mula sa aking anak at isang matunog na halik sa pisngi ang ibinigay nito sa akin . Kumalma na ang aking kalooban . Humiga ito muli at aking kinumutan . Lumabas na kame ni mama sa kwarto nito .
Sa loob ng 6 na taon . Napakadameng bagay na ang nangyare sa akin . Naging assistant director na ko sa COMPANY ni MADAM . Pinagkatiwalaan nya ko ng lubusan . Umusad ang aming kumpanya bilang most influencer network . Natabunan na ang ibang kumpanya . Lumago ang aming bussiness at nakiusap ako kay madam na gusto kong magtayo ng sariling kumpanya . Pumangalawa sa kanyang kumpanya ang aking company . At syempre hindi mangyayare iyon kung hindi dahil sa mga kaibigan ko na nagsipasya na lumipat sa aking sariling company .
Naging napaka alwan ng buhay sa akin . Para bang may isang napakalaking swerte saken na nakatabi at alam kong walang iba yun kundi si Aethan .