"Anong balita sa inyo ni Delta?" tanong ni Michael. "Walang nabago," sagot ko. Narito kami ngayon sa isang charity ball. Kung tutuusin, ayaw ko na sanang pumunta. I'd rather stay home tonight. Kaso, isa ako sa major sponsor nito at naipangako ko na dadalo ako. "Ibig mong sabihin, pareho pa rin kayong nagmamatigas? Walang nagpapaalam sa inyo kung gagabihin ang isa?" "Bakit ko naman kailangang gawin 'yon?" Tumungga ako ng alak. "Gano'n naman pala. Pero bakit siya kailangang magsabi sa 'yo?" balik tanong niya. "Magkaiba kami ng kaso. Nakatira siya sa bahay ko kaya responsibilidad ko siya." "Hindi ba tamang dahilan na asawa mo siya kaya dapat lang na alam niya kung nasaan at kung kelan ka uuwi?" Napabuga ako ng hangin. "Asawa! Pare, kelan ko ba naging asawa 'yon? Higit sinuman, ikaw ang

