Sumunod ang nakatutulig na katahimikan matapos ang mainit na pagtatalo namin ni Sean. Ilang minuto rin akong 'di nakakilos. Hindi makapaniwala sa mga narinig. Kahit alam ko na ang tungkol sa mga babae niya, may pumiga pa rin sa puso ko no'ng umamin siya. May itinatago pa ba akong pagtingin sa kanya kaya ako nasaktan? At lumitaw muli 'yon nang malaman kong hindi naman pala niya ako talagang pinabayaan? Kahit na hindi lahat ng sisi ay pwedeng ibunton sa kanya, wala na ring kahihinatnan ang relasyon namin. Tiyak ko na ang ginawa niyang pagpatol sa iba ay mananatiling nakapagitan sa amin, para itong sugat na magnanaknak at tuluyang lalason sa anumang pagsasama meron kami. Laylay ang balikat na tinungo ko ang aking silid. Tinawagan ko si mama at sinabing kailangan naming mag-usap. Sa tono ng

