Iniangat ko ang aking mukha at tinunghayan ang maamong mukha ni Delta. Namumula pa ang mga pisngi nito sa katatapos na eksersyon. Bakit ba iba ang epekto sa akin ng babaeng ito? Tinititigan ko pa lang siya ay nagsisimula na namang magalit si manoy. Mabigat ang loob na hinugot ko 'yon bago pa ito tuluyang magwala. Jeez! Kinilig pa rin ako no'ng inalis ko 'yon sa pagkakabaun. "No, stay," mahinang turan ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa kanang balikat para pigilan ang balak niyang pagtayo sa kama. Tumalima naman siya. Hinila niya 'yong kumot para matakpan ang itaas na bahagi ng kanyang katawan. Lumilis kasi 'yon nang umupo ako. Napangiti ako sa inakto niya pero naalala ko na bago nga pala sa kanya ito. Tumayo ako at napasunod ang mga mata niya sa akin. Napuna ko ang pasimpleng pag-iwas niya

