Pagkatapos nang klase ay pumunta ako sa canteen para bumili ang juice. Kahit ako lang mag isa ay lumakad pa rin ako dahil hindi naman talaga ako super napuruhan pero masakit. Pag dating ko naman sa canteen ay nakita ko na marami nang nakatitig sa akin. Lalake at mga babae. Ito na naman ang sitwasyon na ito. Mukhang mahihirapan na naman akong makadaan o makabili man lang nang juice sa canteen.
Hindi ako nag pa tinag sa mga tingin nila sa akin. Mukhang sasakmalin ako anytime. "Okay Sophie? Taas ang isang kilay pagpagin ang uniform at mag lakad nang straight," sabi ko sa sarili ko. Kunwari hindi ka napilayan. Huwag mong ipapa kita sa kanila na ikaw ay isang mahinang babae. Nag lakad ako nang dahan dahan pero may konting ingat dahil baka mas lalo pang sumakit ang pilay ko. Habang nag lalakad, iba't ibang mukha ang nakita ko sa canteen, baka sila ay mga dati nang students pero ngayon lang lumabas dahil sa bali balita na ako raw ay girlfriend ni Austin. What the f**k?! Kahit anong pagpupumilit nila sa akin ay hindi naman talaga kami ni Austin.
Hindi ko namalayan na paingka ingka na rin pala ako mag lakad dahil sa aking iniisip. Hanggang sa may lumapit sa akin at hinawakan ang aking baywang at inilagay niya ang aking isang braso sa kanyang balikat. "Kobe?" tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at siya nga. Nakangiti sa akin. "Sana naman makabawi ako sa ginawa nang girl friend ko," sabi niya sa akin. Totoo naman kasi talaga na kasalanan nang hipokrita niyang jowa ang lahat. Inalalayan niya akong umupo sa upuan at siya narin nag boluntaryo na bibili nang kahit anong gusto kong kainin. "So ano ngang gusto mong kainin bukod sa akin?" tanong sa akin ni Kobe. "Ulol," sagot ko sa kanya. Umiwas ako nang tingin sa kanya dahil mukhang mahuhulog na naman ata ako sa gagong ito. Inaamin ko na medyo kinilig ako sa sinabi niya. Paano kase sa tagal namin ay hindi ko pa naman talaga siya natikman. Pero erase erase. Jusko kung ano ano naman ang nasa isip ko ang bastos.
"Huy! ano na naman ang nangyayare sa iyo? ano na naman ang nasa isip mo?" sabi niya sa akin na may kasamang batok sa ulo at pitik sa pisngi. "Aahh? Ahh okay okay. Juice lang at hotdog with bun," sabi ko sa kanya. Akala ko ay tatayo siya kaagad pag ka tapos kong sabihin ang order na gusto ko. Pero ginawa niya ay taliwas sa sinabi ko. Hinawakan niya ang aking kamay nang matagalan at hindi naman siya nag sasalita kung ano ang nais niyang sabihin sa akin.
"Sophie," binanggit niya ang aking pangalan, bumilis ang t***k nang aking puso, ito na naman ba tayo? mahuhulog na naman ba ako sa kanya? Kahit anong oras ay handa na akong makinig sa kanyang sasabihin. "Pasensya ka na sa lahat nang mga nagawa ko, pinag sisihan ko na lahat, kahit anong gawin ko ay ikaw pa rin pala ang gusto kong makasama pero..." hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil biglang dumating si Mariz. "Oh s**t," napamura si Kobe. Sinubukan kong hilain ang aking kamay kaso hindi niya ito binitawan. Hanggang si Mariz nalang nag pumilit na pag hiwalayin ang aming mag ka hawak na kamay.
"Hanggang ngayon talaga Sophie? Lalandiin mo talaga ang boyfriend ko ano? Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo? Matagal na kayong wala tapos ngayon habol ka nang habol sa kanya? Ganyan ba kakati ang sarili mo? Magpapalagari sa may jowa?" sabi niya sa akin, nag init ang ulo ko dahil sa kanyang mga salita. Naiiyak ako sa mga salitang siya din pala ang kakain. Tumayo ako at hinarap siya kahit iingka ingka pa rin ako. Dahil hindi ko papayagan na tapak tapakan niya ang aking pag ka tao. "Oh ano?" sabi niya sa akin. Hindi ako makapigil hanggang sa itinaas ko ang aking kamay at sinampal siya nang pag ka lakas lakas.
Oh my gosh. Gumawa na naman ako nang kaguluhan dito sa loob nang canteen. Hindi naman nag pa tinag si Mariz. Hinarap niya ako ulit. "Nakakaawa ka naman, hindi mo talaga matanggap na hindi kana talaga mahal ni Kobe, alam mo? Hindi na ako dapat bumawi sa iyo sahil sapat na na ipamukha ko sa iyo na sa akin na si Kobe at kahit kailan hindi na siya magiging sa iyo, mag dasal ka na lang pag katapos nito," sagot sa akin ni Mariz. Kinuha ni Mariz ang kamay ni Kobe at lumayo na sa canteen. Bago pa man sila maka alis ay nakita ko si Kobe na lumingon sa akin, pero hindi iyon nag tagal dahil mabilis ang lakad nang ungas na Mariz na iyon.
Tiningnan ko ang aking mga kamay, napaluha ako dahil hindi naman talaga ako ganito dati. Hindi ko kayang makipag away. Halos walang masaktan ang kamay ko na ito. Halos hindi mailapat sa kahit kaninong kaaway dahil pinangako ko sa aking sarili na hindi ito ang magiging dahilan na makaka gawa ako nang gulo, pero iba ang naging simoy nang hangin. Nagagawa ko nang manakit.
Wala na akong ganang kumain. Nag lakad na lang ako palayo sa canteen at pumunta nang comfort room. Nag hilamos ako at tumingin sa salamin. Huminga ako nang malalim. Na pag pasyahan ko na bumalik na nang klase, pero hinarang ako nang mga kababaihan sa labas nang comfort room. "Hi Princess Sophie, ikaw pala ang kinalolokohan ni Austin ngayon?" tanong sa akin nang isang matangkad at maputing babae, kung hindi ako nag ka kamali ay isa siyang sikat sa buong school, pero hindi ko man lang matandaan ang kanyang pangalan.
"Please, tama na. Ayoko na rin talaga nang gulo, wala na akong panahon para mag paliwanag sa iyo. Ayoko nang dagdagan ang mga kaguluhan na pinag gagawa ko, at saka, hindi ako girlfriend ni Austin," sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya at itinulak ako hanggang sa napa upo na naman ako sa sahig. Mas lalong sumakit ang aking nararamdaman. Hinawakan niya ang aking buhok at itinaas niya. Hinila niya ako pataas. Hindi ko na mapigilan na umiyak dahil hindi ko naman talaga alam ang mga kasalanan ko sa kanila kung bakit nila ako ginaganito.
"And you think na ganun ang iniisip ko? Na ikaw ang girlfriend ni Austin? What the f**k! Ni hindi ka nga namin kilala, nakikilala ka lang sa school dahil sa sobrang kalandian mo. Una si Kobe, at ngayon si Austin? Ang kati mo talagang babae ka," sabi niya sa akin. Halos hindi na ako maka salita dahil sa takot na aking nararamdaman. Malas nga ba ang idinala sa akin ni Austin? Sana hindi ko na lang siya nakilala.