CHAPTER 08 SOPHIE LOPEZ

1218 Words
"Paawa awa pa itong babae na ito, akala mo naman ay maawa pa kami sa mga pinag gagawa mo? Sa Hitsura mong yan? God damn," sabi sa akin nang isang babae. Pinag tatawanan lang nila ako. Tatlo silang naka harap sa akin. "Next time alamin mo kung saan ka nalu lugar. Okay Princess?" sabi sa akin nang babae. Sa ngayon nararamdaman ko? Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Iniuntog niya ang aking ulo sa pader pero hindi naman ganun kalakas. Nagsi tawanan lang sila at umalis palayo. Tumayo pa rin ako sa aking kinauupuan. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hanggang sa hinatak na ako paakyat sa rooftop. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko, kusa lang ako hinahatak nang aking mga paa papunta doon. Nang makarating na ako doon ay nakita ko ang buong paligid, ang sarap langhapin ang simoy nang hangin at saka damhin ang lamig nito. Lumakad ako sa pinaka edge nang building upang matanaw kung gaano ito ka taas. “Mag suicide kana,” iyon ang sinasabi nanng aking isip. Siguro dahil sa stress kaya ito ang naiisip ko. “Sure kana ba sa gagaiwin mo?” tanong sa akin nang isang boses na lalake na nang galling sa aking likuran. Humarap ako kung saan naparoon ang boses niya. “Austin? Bakit ka naman andito?” tanong ko sa kanya. Hindi ako tumingin sa kanya nang diretcho dahil ayoko na naman na makita niya na lumu luha na naman ako sa nangyare ngayong araw na ito. Rinig ko ang bawat yapak nang kanyang sapatos papalapit sa akin. “Ang tanong ko sa iyo kung sigirado kana ba sa gagawin mo?” tanong niya ulit sa akin. Sa sitwasyon ko ngayon ay kinakabahan na ako, mukhang parang gusto niya akong idrive na mag suicide, imbis pakalmahin niya ako ay mukhang dadagdag pa siya sa stress ko ngayong araw. Nang makalapit siya sa akin ay hinawakan niya ang aking dalawang braso nang kanyang dalawang kamay at idinikit niya ako sa bakal na nakaharang bago tuluyan na mahulog. Hindi ako lumaban sa kanyang gagawin. Mukhang nasira ko naman siguro ang kasikatan niya, dahil kalat na kalat na sa buong klase na ako ang kanyang girlfriend na kahit hindi naman. “Sabihin mo sa akin kung ang dahilan nang pag ka matay mo ay ang mga taong nanakit sa mga paligid mo,” sabi sa akin ni Austin. Hindi pa rin ako umiimik sa kanyang pinag sasabi. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap. “Hindi sila ganun kahalaga upang maging kapalit nang iyong buhay,” sabi niya sa akin. Mas lalo akong umiyak at napahiya ang aking sarili. Ano ba ang nasa isip ko? Bumitiw siya sa pagka kayakap sa akin. Nakita ko sa kanyang sa mga mata na concern talaga siya sa akin. Ayoko na talaga ang masaktan, kailangan ko pigilan ang aking sarili na mahulog sa kanya dahil ang dala niya lang sa akin ay kamalamasan sa buhay. Hanggang sa narinig na naming ang bell, natapos na lang ang afternoon class nang hindi ako naka pasok sa aking klase, at saka, bakit nga pala andito si Austin sa rooftop? Sinusundan niya ba ako? Eh kung kanina niya pa ako sinusundan, malamang nakita niya ba ang mga babaeng umapi sa akin? “Bakit ka pala andito sa rooftop?” mahinang tanong ko sa kanya. “Wala kana doon kung bakit andito ako, ang alam ko lang kasama mo si Kobe kanina, ang ex mo na sinaktan ka noong una,” sagot niya sa akin nang pabalang. Huh? So ibig sabihin ay sinusundan niya ako? Bakit niya alam na mag kasama kami ni Kobe kanina? At saka hindi ko naman talaga niyaya si Kobe na sumama sa akin. “Pagkatapos nun? Saan kana pumunta?” tanong ko sa kanya. Umaasa ako na taliwas ang sagot niya sa iniisip ko, dahil king nakita niya kung paano ako sinaktan tapos hindi niya ako pinag tanggol ay magagalit ako sa kanya. “Lumabas ako nang campus para mag yosi wala, pag katapos ay dumiretcho ako dito sa rooftop para magpa hangin at magpalipas nang oras, ano sa tingin mo? Susundan kita kahit saan? Swerte mo naman masisira pa ang career ko sa iyo eh,” sabi niya sa akin, tinawanan niya lang ako. Mabuti naman at ganun ang sagot niya. “Tang ina kase si Kobe, hindi ko naman sinabi na sumama siya sa akin,” sagot ko sa kanya na may halong inis. “No need to explain, wala naman talaga akong pakealam kung ano man namamagitan sa inyong dalawa,” agaran na sagot niya sa akin. May pagka maldito din talaga itong ungas na ito. “Halika na at umuwi na tayo, bago ka pa mag suicide diyan, sa sobrang tagal mo baka ako pa ang tumulak s aiyo,” sabi niya sa akin. Ungas nga talaga itong Austin na ito. Sarap manapak na naman eh. “Ihahatid na kita,” pagbu boluntaryo niya sa akin. Wow! Pagka tapos niya ako api apihin sa rooftop kanina, ngayon ang boluntaryo siya na ihatid ako? Makapal nga naman talaga ang mukha nitong tao na ito. “Huwag na, hindi mo na kailangan dahil malapit lang naman ang bahay naming dito, walking distance lang naman eh at saka kaya ko naman mag lakad mag isa,” sabi ko sa kanya. Hindi ko na kase sumasabay sa akin si Blaire mukhang busy din naman siya sa buhay niya ngayon, matalino din kase ang babaeng iyon at talagang gusto rin mag karoon nang magandang future. Sino nga naman ang may ayaw diba? “Halika na, masisira pa ang career ko kung malaman nil ana kaibigan kita tapos hindi kita inihahatid,” sabi niya sa akin. Hindi niya naman kase alam na sa bawat pag lapit niya sa akin ay may kapalit. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya nilang gawin. Hindi na rin ako pumalag dahil masakit na rin ang katawan ko. Tahimik lang kami sa biyahe hanggang sa nakarating na kami sa aming bahay. Nang maka baba na ako sa kanyang kotse ay kumaway na ako sa kanya at siya rin ay nag paalam na rin sa akin. Nagulat ako nang biglang nakatambad si kuya sa labas nang pinto. “Hmm… oh bakit pina alis mo na agad? Ayaw mo papasukin dito sa bahay?” sabi niya sa akin. “Hallaa… kalian ka naka uwi dito?” tanong ko sa kanya. Ito nga pala ang aking kuya, si Kuya Zian, tatlo kaming magka kapatid, Si Kuya Zian, Ako at si Lexi. Panganay si Kuya Zian at ngayon ay nag tatrabaho na ibang bansa dahil sa angkin niyang talion ay naka pasok agad siya sa isang sikat na company. Ako naman ay nasa 4th year pa lang at ang kapatid ko na sumunod sa akin ay 1st year highschool pa lang. “Bakit ka nga andito kuya?” tanong ko sa kanya. “Bakit? Masama bang umuwi dito sa bahay ni mama? Kayo lang ba ang nakatira dito? Ayaw mo ba makita nag pinaka gwapo mong kuya?” halos dinikdik niya ako nang sandamakma na tanong. “Namiss ko kase kayong lahat, teka ang nag hatid sa iyo? Nasaan na?” tanong sa akin ni kuya, hanggang sa hinabol niya ng kotse at kumaway kaway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD