Sophie POV "Ano ba! Mariz!" Sigaw ko habang nakikipag habulan kay Mariz habang si Mariz naman ay may hawak na patalim. Hindi ko alam kung bakit, pero napunta nalang ako sa gubat na masukal at madilim. "Hindi ka makakatakas sakin Sophie!" Sigaw ni Mariz sakin, wala naman akong choice kundi tumakbo lang hanggang sa hindi ko namalayan na may nakatumba palang puno sa may harap ko, dahil doon aksidenteng natumba ako. "Tulong! Tulongan niyo ko! Blaire! Austin! Mark!" Sigaw ko pero ni isa wala lang man nakarinig sakin. Tatakbo pa sana ako palayo nang hinawakan ni Mariz buhok ko at agad agadan akong sinaksak. "Sophie! Sophie! Gumising ka." Sabi ni Austin sakin, napatingin naman ako sa buong paligid ko na tila bang praning na kakahanap kay Mariz napahawak din ako sa leeg ko, wala ding saksak.

