Hanna POV Mag gagabi na at hindi padin nakakabalik yung mga ibang team sa camp site, kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano gagawin ko, mag susumbong kaya ako kay Ma'am Elie or hindi? Kamusta na kaya si Sophie, okay lang kaya siya, dapat naman kasi hindi na ako nakisali sa plano ni Mariz. "Tsk! bahala na nga, babalik nalang ako sa tent." Sabi ko pero hindi ko talaga kayang kalabanin yung konsensya ko, kaya imbis na tumahimik nalang ako, hinanap ko nalang si Ma'am at sabihin kung ano ang ginawang katarantaduhan ni Mariz kay Sophie, pero bago pa ako makalayo bigla nang may humawak sa braso ko pag tingin ko si Rhea yun at kasama niya si Mariz. "Natataranta ka ata?" Tanong ni Rhea sakin. Inalis ko naman yung kamay niya na nakahawak sa balikat ko. Hindi ba siya nakokonsya? Mag gagabi na,

