Sophie POV Ilang araw nadin ang nakalipas at nandito ako sa loob ng aking kwarto, nag hahabol ng mga na missed activies sa school, medyo may karamihan pero madali lang naman ito para sakin. Habang nagsusulat ako ng mga sagot sa papel bigla namang may kumatok sa aking pinto. "Pasok lang, hindi yan nakalock." Sabi ko, ni hindi man lang lumingon kung sino ang pumasok. "Nagpapaka busy ka ngayon ah." Sabi nang pamilyar na boses. "Austin, nung ginagawa mo dito?" Tanong ko na seryosong nakaharap sa kanya. "Grabe makatingin, gusto mo bang tusukin ko yang mata mo." Sabi niya sakin na natatawa. "Hay naku, kung balak mo lang inisin ako lumabas kana lang, nakikita mo naman na busy ako ngayon." Sabi ko at bumalik sa pagsusulat, laking gulat ko naman na bigla niyang hinawakan buhok ko sa likod.

