Buti na lang nag pasensya sa akin ang waiter na tumawag muna sa kaibigan ko. Pero hindi ako sure kung sasagutin pa ni Blaire ang cellphone niya matapos ng makita niya ang link na kumalat sa akin. Si Austin? Hindi ko rin alam kung matutulungan niya pa ako ngayon dahil unang una sa lahat. Nabahiran ko na nang masamang imahe ang kanyang pagkatao. Napahinga na lang ako ng malalim at tumingin sa kalangitan. Narinig kong nag vibrate ang cellphone ko. Si mama. "Anak nasaan kana po? Inaatay kana namin dito sa bahay, umuwi kana at mag ingat ka ha. I love you..." sabi sa akin ni mama. Napaluha na lang ako. Hindi dahil sa hindi ko mababayaran ang utang ko dito, kundi dahil sa sitwasyon ko ngayon. Parang against sa akin ang tadhana, ayokong bigyan ng stress si mama. Si kuya naman? bakit ko siya tatawa

