CHAPTER 2 “Kiss” SOPHIE LOPEZ

1071 Words
Sa sobrang kakaisip nang kakaisip sa mga nangyare kanina ay nakakita ako nang isang lumang bahay, wala naman sigurong tao doon at isa pa, bukas naman ang pinto at gate doon. Bigla ko palamg naalala na may dala dala pala akong extra pants dahil nga kanina excited akong magpatuhog sa kanya, at least may extra panty ako at extra pants. Wala naman tao sa pailigid kaya agad na akong pumasok. Wala naman masama kung dito na ako mag papalit. Isinara ko ang pinto at agad agad akong nagpalit, pag katapos ay may biglang tumunog sa bandang second floor nang bahay. Imbis na sumigaw ako ay napigilan ko nalang ang sarili ko. Pero deep inside, kinikilabutan na ako. Nanatili ako nang isang munito sa loob. Hanggang sa napag tanto ko na isang gitara pala ang tumutunog sa itaas. Umakyat ako para sumilip, hilig ko naman ang ganitong mga movie mga mystery, siguro tadhana kong imbestigahan kung ano ang nangyare dito. Ang ganda nang pagtugtog niya sa gitara. Papasok na sana ako sa loob, pero hindi ko nalang itinuloy nang biglang tumigil ang pagtunog. “Puta,” bulong ko sa sarili ko, mukhang may mga ligaw na spirit pala dito. Nagsimulang kumabog ang aking puso nang sobrang bilis. Napag pasiyahan ko na bumaba nalang sa hagdanan. Sa bawat yapak ay halong pag iingat dahil baka nakakaistorbo ako sa mga kaluluwa dito. “Sorry po… uuwi nap o ako, hindi ko sinasadyang umakyat pa at mag siyasat pa,” sabi ko sa kabila. Ngunit bago pa man ako tuluyang makababa ay may biglang humakwak sa damit ko sa likuran. “Ahhh!!! Mama!!! Tulong mama!!!” pagkalakas lakas na sigaw ko. Ito na ang katapusan ko, iaalay na ako sa kanilang master. Pero nagulat ako nang maramdaman ko na tinakpan niya ang aking bunganga. Tang ina tao ito! Tao!? Mukhang mamamatay tao. Kinagat ko ang kamay niya at aYun inalis niya ang kanyang kamay. Hanggang sa hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayare. Hinila niya ako papalapit sa kanya at bigla niya akong hinalikan. Hinawakan niya nag beywang ko at ang isa niya naman kamay ay nakahawak sa aking ulo sa may bandang likuran at idiniin niya ang aking mukha sa kanya, hindi niya pa ako binibitawan at gulat na gulat pa rin ako sa ginawa niya hanggang sa inalis niya ang kanyang labi. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil madilim. “Please, huwag kang sumigaw, baka ang isipin nang mga tao ay inaano kita, sino ka ba at ano ang kailangan mo at napadpad ka dito?” tanong niya sa akin. Umatras ako nang konti hanggang na natapakan ko ang napakahabang kurtina at nahulog ang nakatakip na kurtina sa bintana at doon na nakita ang kanyang mukha. Ang misteryosong lalake na humalik sa akin ay sobrang gwapo. Hinawakan nang lalake ang aking kamay at halos kaladkarin niya ako pababa. Napaisip ako nang. “Kuya huwag po, ebe be?” napamgiti tuloy ako sa kalokohan nang aking pag iisip. Hinalikan niya ako? Hinalikan niya ba talaga ako? Napahawak ako sa aking mga labi at hindi ko maipasok sa aking isipin na nahalikan ako nang lalakeng ito. Napaisip din ako. Sino ba naman ang hindi magugulat sa ginawa niya? Bigla niya akong hinila mula sa likuran tapos anong aasahan niyang sasabihin ko? Diba natural lang naman na magulat ha. “Hoy gago? Ba… bakit mo ako hinalikan nang pag katagal tagal?” tanong ko sa kanya. Okay lang sa akin. Wala naman kaso iyon kase gwapo nga. Hehehe. Hindi, joke lang. I mean, diba? Kung nais niya lang ako patigilin sa pagsi-sigaw ko, okay lang naman na kahit three to five seconds lang. Bakit tumagal? Nabilang ko talaga na halos ten to twenty seconds iyon. Hindi niya man lang ako sinagot, bagkus ay tumawa pa siya at tiningnan ako muli sa aking mga. Mukhang aakma na halikan ako ulit nang gagong ito. Lumayo ako konti pero inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Tinakpan ko nang aking palad ang aking labi at ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Ang bilis nang t***k nang aking puso. Halos marinig ko rin ang kabog nito. Tulong! Sigaw nang aking pa-iisip. “Aray ko naman!” napasigaw ako sa kanya. Hindi niya pala ako hinalikan. Pinitik niya lang ang aking ilong. Idinilat ko ang aking mga mata at nakita ang kanyang pag-halakhak. Aaminin ko. Medyo napahiya ako doon. Lol. “Aba! Tatawa tawa ka! Gusto mo ba putulin ko ang dila mong siraulog manyak ka!” sigaw ko sa kanya. Isang minutong tawa lang siya nang tawa na parang timang, nakita ko rin ang luha sa kanyang mata. Iyong halos maluha na siya sa tawa. May nakakatawa ba sa ginawa ko o sinabi ko? Wala naman diba? Siraulo lang talaga itong lalake na ito. “Hahaha! Okay na ako. Haay… anong manyak ka diyan? Eh ikae nga tong parang ewan. Papikit-pikit ka pa nga oh. Gusto mo lag talaga mafeel ang kiss ko ulit,” sabi niya sa akin. Aba talagang inaasar pa ako nang gagong ito. Konting konti na lang. Ubos na ang pasensya ko at baka sa ano mang oras ngayon at sasapakin ko na itong lalake na ito. “Bakit kase ang tagal nang halik mo sa akin?!” tanong ko pa rin sa kanya. Sa sobrang inis ko ay hinatak ko ang kanyang kwelyo. Pero nabigo ako nang bigla niyang ilapit sa akin ulit ang kanyang mukha. Binitawan ko siya at umupo siya sa may lamesa. Tiningnan niya ako. Ang ganyang tingin? Tingin niyan nang mga pafall. Bigla akong napayuko at naalala ko pala na kabibreak lang pala namin ni Kobe kanina. Alam mo iyong bigla ka na naman binagsakan mabigat at paulit ulit na kuryente na dumadaloy sa aking katawan. Nakakalungkot talagang isipin. Sophie? Please, tama na ang emote emote mo diyan dahil wala ka naman talagang magagawa. Tapos na ang sa inyo ni Kobe at hindi mo na mababalik ang nakaraan. Ngayon ko lang ulit naramdaman na naluluha na ako. Kanina kase pinigilan ko kahit papano, pero ngayon? Dumadaloy na ang aking luha at hindi ko na talaga ito mapigilan. Tumalikod ako sa kanya at nagpunas ako nang luha. “So… bakit ka nga andito?” pabalik na tanong niya sa akin. Sasabihin ko ba talaga ang totoong nangyare kung bakit ako andito o hindi nalang, nakakahiya naman kung sasabihin ko na dito ako nag palit nang butas kong pantalon. Lol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD