CHAPTER 3 “Handsome” SOPHIE LOPEZ

1168 Words
Bigla ko nalang narinig ulit ang yapak nang kanyang mga sapatos na suot palapit sa akin. Hanggang sa pumunta siya sa aking harapan. “Uh? Miss? Umiiyak ka ba?” tanong niya sa akin. Natural. Hindi niya ba nakita? Malamang. Hindi ko siya kinausap dahil baka makita niyang tumutulo ang sipon ko. Nakayuko pa rin ako. Syempre. Alangan naman na ipakita ko sa kanya na ang panget ko kapag umiiyak. Nakakahiya kaya. Naging tahimik ang buong paligid at niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi ko alam kung bakit ginawa niya iyon pero nakaramdam ako na may dumaramay sa aking kalungkutan. “Sorry na miss, hindi ko sinasadya na halikan ka. Sorry na kung ako ang nakafirst kiss sa iyo o kung sinisave mo ang kiss mo para sa tamang tao,” sabi niya sa akin. Weird din pala kung mag-isip ang lalakeng ito. “Bakit kase ganito ang takbo nang mundo… ang sakit… sobranng sakit na talaga at hindi ko na rin kaya itong sakit na nararamdaman ko,” ani ko naman. Hindi siya sumagot. Mas hinigpitan niya lang ang pagkakayakap sa akin. Naalala ko talaga si Kobe. Iniisip ko na siya ang yumayakap sa akin ngayon at hindi siya. Hindi itong lalakeng ito. “Miss? Hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoong nangyare pero, siguro kung ano man ang napag daraanan mo ay mga pagsubok lang ito at kung nasaktan ka man dahil mali ang napili mo. Huwag ka mag alala, parte yan nang buhay sa mundo. Kailangan nmo matuo sa pagkakamali mo. Kailangan natin lahat matuto. Para sa next time na susubok ka ulit, at least hindi kana ulit magkakamali,” litanya sa niya naman sa akin. Tama nga siya. Dapat nga na matuto ako. Napayakap nalang din ako sa kanya hanggang sa nahimasmasan ako. Infairness ang bango niya. Mabuti nalang nawala na sipon ko. Lol. Bigla ko pa lang naalala. Hindi ko pa pala kilala ang lalakeng ito. Napalayo ako sa kanya nang konti at tumalikod nang mabilisan para punasan ang aking sarili. Huminga ako nang malalim at humarap ulit sa napakagwapo niyang mukha. “Oh? Anong problema? Ayaw mo na ba sa balikat ko?” tanong niya sa akin at saka ngumiti siya. “s**t…” hindi ko napigilang sabihin at narinig niya pa talaga. “Huh? Bakit s**t?” tanong niya sa akin. Sino ba naman ang hindi mapapamura sa ganito kagwapong mukha. Pero, tama nga ang sinabi niya. Kailangan kong matuto sa aking kamalian. Hindi na ako muling magpapadala sa mga lalake at iiwasan ko na sila, lalong lalo na ang mga gwapo. Inabot niya sa akin ang kanyang handkerchief at tinanggap ko naman ito. “Maraming salamat,” sabi ko sa kanya. “Bakit ka nga kase andito?” tanong ko sa kanya. Wow! Ako na ngayon ang may balak tanungin siya. “Hindi naman talaga ako taga dito. Galing akong Canada at naisipan nang parents ko na umuwi dito sa pinas, imbis na mag hanap kami nang bagong bahay at lupa. Mas pinili nalang namin na dumito nalang sa dating mahal nang aking mama at papa. Medyo may kalumaan na, pero ipapaayos naman,” sagot niya sa akin. Sila pala ang may ari nang house na ito? Eh sobrang tagal na itong nakatengga. Naging haunted na nga nito dahil sa tagal nang walang nakatira. “Ako pala si Austin. Ikaw?” pagpapakilala niya sa akin. Mabuti naman at naisipan niya na sabihin sa akin ang kanyang pangalan. “Danica, pero ang nickname ko ay Sophie,” sagot ko sa kanya. Nakita ko na nag dikit ang kanyang kilay. “Bakit Sophie?” tanong niya sa akin. Eh may magagawa ba ako doon? Sophie nga eh. “Eh pakealam mo ba?” tanong ko sa kanya. “Dapat Ica or Danny, ganyan sana ang nickname mo, malapit sa pangalan,” suggestions niya sa akin. Ang galing naman, pinangunahan pa parents ko. “Eh ikaw? Huhulaan ko ang nickname mo,” sabi ko sa kanya. Napangiti siya sa akin. “Eh ano?” sagot niya. “Malamang may kamag anak kang napakalaking ibon. Ostrich… oh ayan, malapit yan sa pangalan na Austin. Bagay sa iyo yon,” sabi ko sa kanya. Nagtawanan lang kaming dalawa sa joke ko kahit sapilitan lang iyon na joke. Lol. Hanggang na dumidilim na rin. “Uuwi na ako,” paalam ko sa kanya. “Teka saan ka ba bandang kanto?” tanong niya sa akin. “Diyan lang sa Daisy,” sagot ko sa kanya. Hindi ko na siya inantay na sumagot. Alam ko kase nab aka humaba pa an gaming pag uusap. Agad na ako umalis at nakarating na rin ako nang bahay. Nang makarating na ako sa bahay ay binigyan ko nang halik ang aking mama at dumiretcho ako sa aking kwarto. Nakita ko rin ang aking kapatid sisteret na nanonood nang movie sa aking laptop. Napaupo ako sa tabi niya at niyakap ko siya. “Oh? Nakauwi kana,” sabi niya sa akin habang punong puno nang tinapay ang kanyang bunganga. Kinuha niya nag isang baso nang kape at humigop muna sabay tiningnan ako nang napakawirdong tingin. “Oh bakit ganyan ka makatingin sa akin?” tanong ko sa kanya. “Haay nako ate. Happy Break-up-sary sa inyo,” sabi niya sa akin. Huh? Paano niya nalaman eh wala pa naman akong kinukwento sa kanya. Ang bilis nga talaga ang balita. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag scroll doon hanggang sa pinakita niya sa akin ang litrato ni Mariz at Kobe na nag date sa isang restaurant. “Tsk… tsk… damn… easy pessy na nasungkit ni Mariz ang jowa mo ate,” sabi niya sa akin. Eh wala naman akong magagawa. Nasungkit nga eh. “Move on nalang ako, ganun talaga,” sabi ko sa kanya. Hindi na ako nakipag kwentuhan sa kanya dahil busy na rin ako na manood nang movie. Kinabukasan ito ang unang araw nang aming klase at nakita ko ang bestfriend ko na timang, nakangiti sa kawalan. “Hoy napano ka?” tanong ko sa kanya. “Gaga! Halika ka nga dito,” sabay biglang hila sa kamay ko. “Kilala mo si Austin? Dito siya mag aaral!” sabi niya sa akin. “Austin? Sino iyon?” tanong ko sa kanya. Pinalo niya ako sa braso. “Geez… Artista iyon, hello? Hindi mo ba talaga kilala?” tanong niya sa akin. Eh hind nga talaga. Sobrang daming estudyante sa harap nang bulletin board. Dahil nga hindi pa ako nakasuklay nang buhok ay pumunta muna ako sa C.R. para ayusin ang sarili ko. Binuksan ko ang aking bag para kunin ang aking suklay nang makita ko ang isang handkerchief ni Austin. “Dadaan na lang ako sa bahay nila mamaya,” sabi ko. Bigla akong napatingil sa aking pag suklay nang marealized ko na Austin din pala ang nakilala kong lalake kahapon. “Hahaha… hindi naman siya iyon, at saka ang panget niya, hindi siya mukhang artistahin,” sabi ko sa sarili. Hindi naman siya diba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD