CHAPTER 4 “MEET AUSTIN” SOPHIE LOPEZ

1058 Words
“Oh my gosh! Totoo nga ang mga balita na dito mag aaral si Austin!” “Gagawin ko ang lahat para mapasa akin siya!” “Tumingil nga kayo! Sa akin lang siya mga letche kayong lahat! Austin my love! Inaantay na kita! Kahit huwag mo na akong ligawan! Ako na ang manliligaw sa iyo!” Ito agad anng mga naririnig ko sa hallway habang naglalakad ako. Mga loka loka… sino ba kase iyong Austin na iyon? Tumingin ako sa aking kapaligiran at nakita ko na mga kababaihan at mga binabae na nag bubulung bulongan sa gilid. Puro Austin, Austin, Austin ang pangalan na naririnig ko. Sabi nang isip ko na “Oo nga, hot na siya kung hot. Gwapo na siya na kung gwapo. Wala akong pakealam,” Napangiti na lang ako sa mga loka loka kong school mates hanggang sa biglang may humila sa braso. “Gago!” napamura tuloy ako nang malakas. “Best!” sigaw ni Blaire sa akin. Ang laki nang ngiti niya halos umabot hanggang sa tainga. Hindi ko na huhulaan kung bakit ganito siya ngayon. Mukhang si Austin din ang nasa isip nito. Oo, siya si Blaire na mukhang baliw na rin at nahawaan nang sakit nang pagkalandi rin. Hinala niya ako papuntang bulletin board para makita kung saan kami na section. Hanggang sa naalala na naman ni Blaire ang ginawa sa akin nang ex kong kumag. “Tang ina nun pag kaklase natin iyong ex mo,” sabi niya sa akin. Natawa lang ako. Mukhang hindi lang ako ang nasaktan sa break up namin ni Kobe pati na rin siguro siya. Alam ko nag titimpi din siya sa galit niya kay Kobe. Dahil kilala koi to si Blaire alam ko na hindi ito lumalaban nang sabunutan. Kundi suntukan at sipaan na rin. Ilang beses na rin kase siyang na guidance office. “Gago kase pinsan mo,” sabi k okay Blaire. Siya pa naman nagpa kilala sa akin nang napaka gwapo niyang pinsan. Gwapo nga manloloko nga lang. Hindi ko nga din alam kung ilang months na sila ni Mariz at ilang buwan niya rin ako pinaikot ikot sa palad niya. “Hayaan mo na best, sabihan mo lang ako anytime. Papangahan ko ang kumag na iyon,” sagot sa akin ni Blaire sabay tawa. Kaming dalawa ay tumingin sa bulletin board para hanapin ang section namin. Pero ang inakala ko kay Blare. Imbis na pangalan namin ang hinanap, ang pangalang Austin ang hinanap niya. “Oh my gosh Austin!” sigaw nang mga estudyante. Adik lang sa lalakeng iyon? Ako nalang ang nag hanap nang pangalan ko pati section ko, at ayun ang 4th year section 1. “Section 1 ako best,” sabi ko kay Blaire. “Same bessy, sabay na naman tayo maghahasik nang lagim hahaha!” sabi niya sa akin sabay halakhak nang mala demonyo. Tumingin akong muli sa bulletin board para malaman ko pa nab aka may kakilala pa akong ibang classmates ko dati o school mate na kaklase ko pa. Kobe Chan – 01 and Mariz Alcantara – 01. Sila lang dalawa ang nakita ko. Pati ba naman dito? Kaklase ko pa talaga sila? Imbis na makapag move on ako ay makikita ko pa ang dalawa na iyon. Nakakainis. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa galit, inis o maiiyak ako sa kanilanh dalawa dahil sa selos at lungkot. Naiiyak pa rin ako. Tumalikod ako ulit at nag lakad ulit papuntang C.R. Nakayuko ang lumakad hanggang sa may nakabangga ako. Napaupo ako sa sahig. Punong puno na nang luha ang aking mga mata at nang tiningnan ko kung sino ang bumangga sa akin ay hindi ko makita nang malinaw. “Out of my f*****g way crap!” sigaw ko sa kanya. Ang sakit sakit tuloy nang balakang ko. Imbis na tulungan niya akong tumayo, hindi nga. Tumayo ako mag isa at pinunasan ko ang aking luha. Isa lang ang namimiss ko kaya ako umiiyak hanggang ngayon. Kobe… “Miss me?” familiar na boses, nang idinilat ko na ang aking mga mata ay laking gulat ko na ang lalakeng nasa harapan ko ay walang iba kundi ang lalakeng nakakilala sa abandonadong bahay. “Ikaw?” parang kinikonpirma ko pa na siya ba talaga? At andito siya ngayon? I… I mean, dito din siya nag aaral? “Yup. May problema ba?” tanong niya sa akin. s**t! Hindi ako makapag salita. “Umiiyak ka na naman ba?” tanong niya sa akin. Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Napatulala lang ako sa kanya. Siya naman ay biglang nginitian ako. Ano ba dapat ang reaksyon ko? Matutuwa ako o magugulat? Hanggang sa parang tumahimik ang buong paligid. Kanina sobrang ingay. Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko si Blaire na nakatulala sa amin. At hindi lang pala si Blaire. Andoon din pala ang mga ibang estudyante. “Uh? Ba…bakit kayo ganyan makatingin?” sabi ko sa kanila. Hindi lang sila sumagot pero para silang mga ligaw na lobo na kahit anong oras ay handa nang umatake sa amin. “Bakit hindi ka makapag salita nang maayos? Masyado na ba akong gwapo para sa iyo?” rinig kong sabi ni Austin. Aba! Napakahangin naman dito. “Ang kapal naman talaga nang pag mu-” Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin ay bigla na lang nag sigawan ang mga estudyante sa loob nang camous at lumapit kay Austin para magpapicture. Pero hindi talaga ako makapaniwala na si Austin ang sikat na artista sa Canada at siya ay nag aaral dito ngayon? Siya ang lalakeng nakausap ko kahapon? Siya ang lalakeng nagpatahan sa akin kahapon? “Austin! Austin! Austin!” sigaw nang mga kababaihan pati na rin ang mga lalake dito sa amin. Nakita ko si Blaire na andoon din siya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila siya palayo kay Austin. Nakarating na kami sa loob nang aming classroom at nakipag usap sa akin si Blaire. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na magkakilala pala kayo ni Austin?” tanong sa akin ni Blaire. Hindi ko naman kase inaasahan na siya pala si Austin na sikat na sikat. Hindi na namin natuloy ang aming pag uusap nang dumating na ang aming teacher at nagsipasukan naman lahat nang mga estudyante sa loob nang kanilang silid aralan. Andito na rin si Austin nakaupo sa aking gilid. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD