5

2795 Words
TUWING WEEKEND ay sinusubukan ni Trutty na bisitahin ang kanyang mga magulang sa bahay ng mga ito sa Tagaytay. They had a Balinese-inspired house there which her parents loved so much. Iyon ang isa sa mga property na naunang naipundar nina Toffee at Pilar Madrigal simula noong ikasal at pinagsama ang kinikita. Dati ay mayroon din silang bahay sa Quezon City ngunit noong magsimula silang bumukod ni Tutti ay ibinenta na iyon. Isang magandang condo unit na lang ang tinutuluyan ng mga magulang sa tuwing kailangan ay nasa siudad para sa taping o shooting. Trutty loved the house. Hindi gaanong kaenggrande at kalaki ang main house ngunit malawak ang bakuran. Malaki rin ang kanilang pool dahil mahilig sila ni Tutti na lumangoy. May dalawang cabana na nagsisilbing pahingahan at kainan. May magandang grill sa hindi kalayuan sa pool na pag-aari ng ama ni Trutty. Nagkalat ang chaise longues sa tabi ng pool. Kapag nasa bahay na iyon si Trutty ay nare-relax siya. Wala siyang alalahanin. Wala siyang ibang gagawin kundi ang tumambay sa pool, magpahangin, kumain at matulog. Minsan ay napupuno niya ang isang sketchbook ng mga design. Natutuwa rin siyang makasama at makumusta ang mga magulang. Sa area rin lang na iyon niya nagagamit ang cute na cute niyang pink Vespa scooter. Tanghali pa lamang ng Biyernes ay nasa bahay na si Trutty ng mga magulang. Ang alam niya ay gagabihin sina Tutti sa pagdating at hindi gaanong sigurado ang eksaktong oras. Noon ay madalas na nakakasama nila si Tutti roon tuwing weekend, ngunit habang sumisikat ang The Charmings ay nalilimitahan na ang presensiya nito sa bahay. Kaya naman big deal sa mga magulang nila ang pagbisita nito kasama ang mga kaibigan. Her parents love Zane, Estong, Kent Lauro and Blu.  While Trutty’s parents were busy personally preparing for dinner, she rode her scooter. Sa paligid lang siya at hindi na lumabas ng major roads. Pinagsuot pa rin siya ng helmet ng ama kahit na gayun. Masarap sa pakiramdam ang hangin. It was her another way of relaxing. Nais niyang pakawalan ang lahat ng tensiyon sa kanyang katawan. Tensyon na sanhi ng pananabik at pag-aalala sa muli nilang pagkikita ni Blumentritt. Papadilim na nang magbalik si Trutty sa bahay. Kaagad niyang nakita ang van ng The Charmings sa garahe. Naramdaman kaagad niya ang pagbabago sa kanyang sistema. Parang mas nabubuhay ang bawat selyula sa kanyang katawan. Sa pagmamadali na makapasok sa loob at makita si Blumentritt ay nakalimutan niyang alisin ang suot sa helmet na katerno ng kulay ng scooter niya. Mukhang kararating lang ng limang lalaki dahil isa-isang niyayakap at hinahagkan pa ng mga ito ang kanyang nakangiting mga magulang.  Si Zane ang unang nakapansin sa kanya. “Hey, hey!” ang natatawa nitong pagbati habang palapit kay Trutty. “Cute as a button, Tru.”  Natatawang yumakap si Trutty sa kaibigan. She had always been comfortable with Zane. “Hello, big guy.” Habang inaalis ang helmet sa ulo ay nilapitan niya si Tutti na kaagad siyang niyakap. Pagkatapos ay sina Estong at Kent Lauro naman ang binata at niyakap niya. Sadya niyang inihuli si Blumentritt. Mahirap at ibayong konsentrasyon ang kinailangan ni Trutty upang panatilihing kaswal ang tinig at gawi. Sa kanyang palagay ay mas mabilis siyang kumawala sa yakap kaysa sa iba dahil natatakot siyang baka masyadong mapatagal at maghinala ang mga kasama nila. She loved being close to him too much. She loved his scent. She loved the warm feeling when their bodies touched. She loved the feeling too much, she wanted more.  Tumingin si Trutty kay Blumentritt. Pilit niyang pinanatili ang ngiti sa mga labi kahit na waring nahirapan siya sa paghinga. It had been months since the last time they saw each other. Kung tutuusin ay wala namang gaanong nagbago sa hitsura nito. Nakikita naman niya ang mukha ng binata sa social media feeds niya, sa mga billboard at magazine. Ngunit iba pa rin sa personal. Iba pa rin kapag kaharap ang lalaking lihim na iniibig. Sinalubong ni Trutty ang mga mata ni Blumentritt. Siguro ay niloloko niya ang sarili ngunit waring nakita niya ang pag-asam at pangungulila sa mga matang iyon. Napapalunok na ibinaling niya sa iba nitong kasamahan ang kanyang tingin. Hindi siya maaaring umasa. Binalikan ng isipan niya ang nangyari nang gabing iyon, ang mga sinabi nito sa kanya. “Dinner’s ready?” masiglang tanong ni Trutty sa mga magulang. Nagpasalamat siya na abala ang lahat sa isa’t isa, sa pakikipagkumustahan. Walang nakapansin ng munting “moment” nila ni Blumentritt. She hoped. “Yes,” ang masiglang sabi ng mommy ni Trutty. “Tara na, boys. Magpi-fiesta tayo. Medyo nangangayayat yata kayo...” Dinikitan ni Trutty si Tutti at kinumusta. Ramdam niya kahit na hindi lumilingon na nakatingin sa kanyang likuran si Blumentritt. Be happy on little victories, Trutty told herself. She had seen him. That had to be enough for now. Hindi sanay si Trutty sa mga munting tagumpay ngunit hindi masama kung sasanayin niya ngayon ang sarili. “RAE, I don’t want to. Please don’t make me. I already provided the clothes for your collection.” Pinihit ni Trutty ang knob ng pintuan ng kanyang silid at lumabas. Nakapagpalit na siya ng pantulog. Tahimik na ang kabahayan at mukhang nagpapahinga na ang lahat. Hindi pa siya inaantok kaya naisipan niyang kumuha ng potato chips sa kusina. Magsasalang siya ng DVD at manonood sandali. Palabas na siya ng silid nang tumunog ang cell phone niya. Matagal-tagal na rin niyang kaibigan si Rae Alonzo. She was known in the fashion industry as a young successful couture jewelry and accessories designer. Magkasama sila sa isang club kahit na kasalukuyang naninirahan sa New York ang kaibigan. Regular itong pabalik-balik ng Pilipinas.  Rae asked Trutty to be the face of her latest ad campaign. Hindi iyon ang unang pagkakataon na inalok siya, hindi lang si Rae. Palagi siyang tumatanggi. Disi-sais siya noong ganap na tumigil siya sa pagmomodelo at paggawa ng commercial. Hindi maiiwasan na maharap pa rin siya sa kamera at malagay sa ilang spread ngunit sinusubukan niyang limitahan. “Sinasayang mo ang ganda mo, hija. Ang ganyang ganda ay dapat ipinapangalandakan sa buong mundo.” Natatawang umiling si Trutty. “Still no.” Hindi lang din si Rae ang nagsabi niyon sa kanya lalo na noong wala pa siyang gaanong napapatunayan sa fashion world bilang designer. Noong mag-apply siya ng internship sa mga tanyag na fashion designer sa bansa, mas interesado ang mga ito na bihisan siya, parampahin at pakunan ng larawan. It had been tough. Her beauty was a curse. Lalo siyang natawa sa naisip. Wala siyang karapatang magreklamo dahil biniyayaan siya ng magandang mukha. “Okay, fine. Worth a try though. `Love the clothes, Tru. They were simple, elegant, monotonous, structured and complex. Only you, Tru.” Hindi maiwasan ang waring pagtaba ng puso ni Trutty sa papuri sa mga ginawa niyang designs para sa collection ng kaibigan. Kahit na alam naman niya na hindi ang mga damit ang mapapansin sa ads at fashion shows. She made the clothes to compliment with Rae’s design. Siniguro niya na mas titingkad ang ganda ng mga accesory kaysa sa mga damit.  “Thanks, Rae. Just so we’re clear, hindi pa rin ako papayag kahit na lunurin mo ako sa papuri.” “I said fine already,” ang natatawang tugon ng kaibigan. “I have to go. I’ll call you again.” Hindi na nito hinintay na makapagpaalam nang maayos si Trutty, kaagad nitong pinutol ang koneksiyon. Napailing-iling na lang siya habang inilalapag ang cell phone sa kitchen counter. Ganoon talaga ang kaibigan. Kumuha siya ng isang malaking supot ng potato chips sa pantry. Binuksan niya ang malaking two-door ref para sana kumuha ng ice cream nang makarinig siya ng ingay. Dahil gabi na at tahimik, mas naririnig niya ang mumunting ingay. Waring may nagbubukas ng sliding door. Bitbit ang potato chips at ice cream ay tiningnan ni Trutty kung ano ang sanhi ng ingay. Bahagyang bumilis ang t***k ng puso niya nang makita ang likuran ni Blumentritt. Binubuksan nga nito ang sliding door patungo sa pool area. Natigil siya sa paghakbang, iniisip kung lilikha siya ng ingay. Hindi sila gaanong nakapagkuwentuhan kanina. She looked at him when he wasn’t looking, of course. Hindi pa man nakakapagdesisyon si Trutty ay tumigil sa paglabas si Blumentritt. Waring nagpakawala muna ng buntong-hininga bago siya nilingon. “Gusto ko lang magpahangin sa labas. Hindi ako makatulog.” Tuluyan nang lumabas si Blumentritt pagkasabi niyon. Mula sa kinaroroonan ay nakita ni Trutty ang pag-upo ni Blumentritt sa isa sa dalawang magkatabing chaise longue. Halos hindi namalayan ni Trutty ang paghakbang ng kanyang mga paa palapit. Kanyang nabatid na mahina pa rin siya pagdating sa lalaking ito. Hindi pa rin niya gaanong mapigilan ang sarili. Naupo si Trutty sa katabing longue. “Hindi ka makatulog? Ngayon ko lang yata narinig ang bagay na iyan. You can sleep anywhere, any time,” aniya sa magaang tinig. Binuksan niya ang mga pagkaing dala upang hindi siya makatingin sa mukha o mata ng binata.  “At ikaw ang insomiac.” Kaagad na dumukot ng chips si Blumentritt sa supot at isinubo.  Ginaya ni Trutty ang binata. Totoo ang bagay na iyon. Kaya ni Blumentritt na mahimbing sa isang iglap lamang. Si Trutty ay may severe insomia. May pagkakataon na hindi siya nakakatulog sa loob ng tatlong araw. Hirap na hirap siyang humuli ng antok. Minsan ay makakatapos muna siya ng isang libro bago makatulog. She could function at two hours of sleep. Sa mga nakalipas na taon, sinubukan niya ang napakaraming remedy. May prescription siya ng sleeping pills. Marami na rin siyang nasubukang food supplement na nagpo-promote ng sleep. Some of them worked. Pero nakasanayan na rin ni Trutty ang kalagayan. May biro pa nga ang kakambal na ang pagiging insomiac ang dahilan ng tagumpay na tinatamasa. Tama rin marahil si Tutti. Dahil nga hindi makatulog, naghahanap ng gagawin o mapagkakaabalahan si Trutty. Nakakabuo siya ng mga bagong designs. Napag-aaralan niya nang husto ang gawa ng ibang designer sa Internet. Nakakabuo siya ng mga business plans. “How are you?” tanong ni Trutty sa banayad na tinig. Dahil mahirap sikilin ang kagustuhan ng kanyang puso, pinagmasdan na niya ang mukha ni Blumentritt. May mababakas sa kapagalan at lungkot sa mukha ng binata. Noon pa man ay nakikita na niya iyon ngunit hindi kasing-sidhi tulad ngayon. Dati kasi ay sinisikap nitong itago o pagtakpan ang mga iyon. Ngayon ay waring wala nang enerhiya si Blumentritt na gawin iyon. “Maniniwala ka ba kung sasabihin kong okay lang ako?” tugon ni Blumentritt. Pagtingin nito sa kanya ay ginawaran siya nito ng isang malungkot na ngiti. “Makakatulong kung sasabihin mo sa iba ang kung ano mang bumabagabag sa `yo,” ani Trutty. Sinubukan niyang magpakakaswal dahil ayaw niyang isipin na kinaaawaan niya ito. Hindi niya alam ang ilang bagay ngunit alam niya na labis itong nalulungkot. “Hindi ko naman sinasabi na sa akin ka magsabi,” maagap na paglilinaw niya. “You have four best friends. Maaari mong kausapin ang isa o lahat.” “There are things I keep from my four best friends, from you.” “I know. We know. Hinihintay lang namin ang panahon na magiging okay ka nang magbahagi. No one is forcing you to tell things about yourself.” “May mga pagkakataon na gustong-gusto ko. Katulad ngayon.” Dalawang taon nang kilala ni Trutty si Blumentritt kaya alam niya na hindi nito sasabihin ang anumang bumabagabag sa dibdib nito, kung anuman ang mga itinatago nito. May bahagi sa kanya ang nais mangulit. Nais niyang malaman ang lahat. Ngunit alam din niya na kailangan niyang maghintay sa tamang panahon. Nag-isip siya ng mas masayang topic upang malihis ang kaisipan nito. “Do you remember the last time you visited here?” tanong ni Trutty, nakangiti.  Hindi na nag-isip si Blumentritt, kaagad bumalatay ang totoong ngiti sa mga labi nito. Ngiting kaagad na nagpaligaya sa kanyang puso.  “Nag-joke ka.” Nais maniwala ni Trutty na iba ang paraan ng pakikitungo ni Blumentritt sa kanya kaysa sa iba. Nais niyang maniwala na mas bukas ang binata pagdating sa kanya kaysa sa mga babaeng kaibigan nito. She badly wanted to believe she was special. Bukod-tangi. Bago ang gabing nagpabago sa sitwasyon nila, buo ang kanyang paniniwala. “Hindi ikaw ang inakala kong marunong mag-joke nang walang script.” Nasa pool area rin sila nang gabing iyon. “It was a lame joke,” ang natatawa nitong sabi. “Nagulat ako kasi ang seryoso ng mukha mo noon. Hindi ko nahulaan na magdyo-joke ka. Nilapitan kita at bigla mo na lang akong kinausap, tinanong. Ulitin mo nga.” “Bakit takot si six kay seven?” Alam na ni Trutty ang sagot kaya natatawa na siya. “Bakit?” “Because seven ate nine.” Halos sabay silang napabulalas ng tawa. Maaari ngang lame maituturing ang joke na iyon ngunit natawa pa rin nang sobra si Trutty nang makuha niya. Halos hindi siya makahinga noong unang beses niyang narinig iyon. At lalo niyang nahigit ang kanyang hininga nang marinig at makitang tumatawa si Blumentritt. It was like he transformed into something. It was like her heart turned into something. Halos sabay silang tumigil sa katatawa. Nagkatinginan sila at nabura ang ngiti sa kanilang mga labi. “Halos hindi ko namalayan ang pagdaan ng panahon. Ang dami na yatang nangyari. Hindi ko halos namalayan na nagbabago na ako.” Hindi nilubayan ng tingin ni Trutty si Blumentritt. “Nagbago ka nga bang talaga? Or you came with a mask? Brusko, sarkastiko, arogante... Ikaw ba talaga iyon? Or along the way ay humulas ang maskara at totoong Blu na ang nakakasama namin?” Napapangiting napapailing si Blumentritt. Hindi maipaliwanag ni Trutty ang lungkot na nakabadya na naman sa mga mata nito. “Maaaring tama ka. Maybe I had been wearing a mask. Pero brusko, sarkastiko, at arogante rin ako, Charles. I believed I had it all while growing up. Simple lang ang buhay kahit na alam kong espesyal ako. I was exceptional. Kaya naman lumaki akong... arogante?” “Confident,” pagtatama ni Trutty, naaalala na galing din ang katagang iyon sa binata. “Naniwala akong espesyal ako dahil sa musically gifted ako. I was an exceptional kid with a normal life. Doing music had always been easy, you know. I excel without even trying. When I grew up, everything changed in my life. Nagbago lahat ng pinaniniwalaan ko. Parang na-transport ako sa panibagong mundo.” Hindi alam ni Trutty ang sasabihin kaya nanahimik na muna siya. Hindi niya sigurado kung ano ang nais sabihin ni Blumentritt sa kanya.  “Nalaman ko na hindi ako biological son ng kinilala kong ina noong fifteen ako. Nalaman ko na hindi pala talaga akin ang pangalang Blumentritt. Kaya nga I insist on  everyone calling me ‘Blu.’ Dahil na rin hindi ko magamit ang totoo kong pangalan.” Ang sabihing nagulat si Trutty sa nalaman ay kulang. Hindi niya mailarawan sa kanyang diwa ang maaaring pinagdaanan ni Blumentritt. Hindi rin niya mapaniwalaan na hindi Blumentritt ang totoo nitong pangalan. “Ano ang totoo mong pangalan?” tanong niya, hindi mapigilan ang sarili. Hindi pa niya sigurado kung magiging mahalaga ba iyon sa kanya. Magbabago ba ang kanyang nadarama para sa binata kapag nalaman niya ang totoo nitong pangalan? “Juan Miguel,” ang walang pag-aalinlangan na tugon ni Blumentritt. “Juan Miguel Tolentino.” “Juan Miguel,” usal ni Trutty. It felt strange. “Mas bagay sa `yo ang Blumentritt.” Napangiti si Blumentritt. “You really think so?” Tumango si Trutty. Nagsasabi siya ng totoo. Siguro ay nasanay na lang siya sa Blumentritt.  “Hindi ko alam kung paano maging Juan Miguel.” “You are perfect the way you are. Hindi mo kailangang maging sinuman.” “Alam mo ang sasabihin para mapaganda kahit na paano ang pakiramdam ng isang tao. Thank you.” “Nagsasabi lang ako ng totoo.” Sana ay totoong napagaan niya kahit na paano ang pakiramdam nito. “Thank you for not asking too much questions. Thank you for being here. This means a lot.” Napakaraming nais itanong ni Trutty ngunit pinigilan niya ang sarili. Mahirap gawin dahil ramdam niya ang masidhing kagustuhan na alisin ang baluti na inilagay ni Blumentritt sa sarili. Nais niyang malaman ang lahat ng hindi niya nalalaman tungkol sa binata. Pero may tinig na nagsasabi sa kanya na kailangan niyang unti-untiin ang proseso. Kailangan niyang hayaan si Blumentritt na magkusa.  “Thank you for telling me. You didn’t have to.” “Ang sabi mo kanina ay makakatulong kung ibabahagi ko sa iba. You’re right. Medyo nakakatulong nga.” “I’m just here. Always.” “Thank you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD