4

3365 Words
“I KNOW Brian, Tru. You can’t date him.” Inilapag ni Trutty sa munting dining table niya ang plato na mayroong magkakapatong na pancakes. Kapag may panahon siya ay siya ang mismong naghahanda ng kanyang almusal. She loved breakfast. Nanamlay siya sa buong maghapon kung hindi siya nakakakain nang husto sa agahan.  “Tu, he just asked if we can go out, grab some coffee some time,” tugon ni Trutty sa kakambal na kausap niya sa cell phone. Habang hawak ang cell phone sa isang kamay ay inabot niya ang malaking bote ng syrup at inilagay sa tabi ng plato. “Paano mo ba nalaman ang tungkol doon? Oh, wait. Did I really have to ask? Ricky, of course.” Ang tinutukoy ni Trutty ay si Mariquit, ang nobya ng kakambal, na ang nakasanayang palayaw ay “Ricky.” Bakit ba niya nabanggit-banggit sa kaibigan ang tungkol sa imbitasyon na iyon ni Brian, isang papasikat na leading man? Dating modelo ang lalaki. He was tall, mestizo, and hadsome. May malaki itong billboard sa EDSA kung saan nakabalandra ang abs nito. He had a very wonderful body. “I don’t care if it’s just a coffee. Hindi ka puwedeng makipag-date sa lalaking iyon,” ang mariing sabi ni Tutti. Inilabas ni Trutty mula sa ref ang kalamansi juice na tiniyaga niyang pigain kagabi at inilagay din sa mesa. Naupo na siya nang masigurong nasa hapag na ang lahat ng kailangan niya. Kahit na kausap pa rin ang kakambal ay sinimulan na niya ang pagkain. “Ano naman ang ayaw mo sa kanya? Paano mo siya nakilala?” “Nag-guest siya sa sitcom namin. Ano ang ayaw ko sa kanya? He only eats oatmeal, Tru. Oatmeal. He’s dumb.” “Woah!” Natawa nang malakas si Trutty. Maigi na lang at nalunok na niya ang kinakain. “Seriously?” “Yes! And proud pa siyang sabihin sa amin ang bagay na iyon.” “Well, oatmeal is healthy naman. He’s not that dumb siguro.” Hindi gaanong maintindihan ni Trutty kung bakit sinusubukan pa niyang ipagtanggol ang lalaki. Nang sabihin ng kapatid na oatmeal lang ang kinakain ni Brian ay kaagad nang nasemento sa kanyang isipan na hindi siya lalabas kahit na magkape lang kasama ang binata. Siguro dahil hindi niya maintindihan ang konsepto ng hindi pagkain bilang diet o dahil hindi niya kinailangang gawin iyon sa buhay niya, ngunit major turn off kay Trutty Charles ang lalaking hindi kumakain. Hindi niya alintana ang mga lalaking gym addict basta kumakain nang tama, kumakain ng kanin at karne. “He’s dumb. Hindi siya ang tipo mong lalaki.”  Kilala siya ng kapatid. “Okay. If you say so.” “Are coming home this Friday? May taping kami sa Tagaytay area at sa bahay kami magdi-dinner at magpapalipas ng gabi.” “Yes. Doon din ako uuwi. May pupuntahan sana akong party ng kaibigan pero nangonsensiya si Mommy. Minsan-minsan na nga lang daw niyang makita ang mga anak niya.” Narinig ni Trutty Charles ang banayad na tawa ng kapatid. “Paminsan-minsan na lang din kitang nakikita. Halos ang assistant mo na lang ang nagdadala ng mga wardrobe na kailangan namin.” Sinikap magpakaswal ni Trutty. Ayaw niyang ipahalata sa kapatid na hindi siya gaanong nagsasabi ng totoo. “I’ve been away. Marami akong natambak na trabaho.” Hindi rin naman siya gaanong nagsisinungaling tungkol sa bagay na iyon. “Pero you always find time to hang with me kahit na abala ka sa trabaho.” Totoo rin ang sinabi ng kakambal ni Trutty Charles. Hindi sila karaniwang magkapatid ni Tutti. Magkasama  silang nabuo sa sinapupunan ng kanilang ina. They did everything together while growing up. Magkapareho man sa maraming bagay, may pagkakataon na magkaiba rin ang gusto nila. Magkaiba ang nais nilang tahakin pagdating sa karera. Tutti had always been comfortable in front of the camera, in front of the spotlight. She wanted to work on clothes. Mas komportable siya sa likod ng camera kahit na marami ang nagsasabi na mas maganda pa siya sa mga leading ladies at it girls sa industriya. Gayunpaman, ginagawan nila ni Tutti ng paraan para hindi sila ganap na magkalayo. Kahit na noong nag-aral ang kakambal sa Amerika ay regular ang kanilang pag-uusap. Regular ang kanyang pagbisita.  Kahit na gaano sila kaabala na magkakambal ay nahahanapan nila ng panahon ang isa’t isa. “Ano ang inirereklamo mo, ha? May girlfriend ka naman.” Pabiro ang tono ni Trutty at alam niyang mananatili iyong biro. Kahit na nang magkaroon ng seryosong karelasyon si Tutti ay hindi nito ipinaramdam sa kanya na hindi na siya gaanong mahalaga. They still talked. They still had time for each other. One of the so many things she loved about Tutti’s girlfriend Mariquit was she perfectly understood. Hindi nito sinusubukang kunin ang oras nilang magkapatid. If it was Trutty’s time, hindi nagde-demand ang babae na pansinin ito ng nobyo. “Why do say things like that?” Mukhang nainis ang kakambal ni Trutty.  Dahil gusto kong pagtakpan ang katotohanan na hindi lang ikaw, kambal, ang dahilan kung bakit gumagawa ako ng paraan para makasama ka, para mabisita ka. Mula kasi nang maging Charmings ka, hindi ka na gaanong nahihiwalay sa mga ka-Charmings mo. I get to be with one special person and I used you as an excuse. Ginamit kita in a way dahil gusto kong mapalapit sa kanya. At umiiwas ako ngayon sa kaparehong dahilan. “I think I need a boyfriend,” ang pagbibiro pa ring sabi ni Trutty. Of course she didn’t really think so. What she thought she needed was a good distraction. “Sana lang ay tinitigilan mo na ang pagiging overprotective para naman hindi ako gaanong naiinggit sa inyo ni Ricky.” “Tru, Brian is not the right man for you.” “Okay, fine. We’ve already established that. Hahanap ako ng iba. Sige na, kakain na ako. I have a long day ahead.” “Okay. See you this Friday.” “See you.” Pigilan man ni Tutty, kusa pa ring umahon ang pananabik sa kanyang dibdib. Pananabik na makitang muli si Blumentritt, hindi ang kakambal. SINIKAP NI Blumentritt na magmukhang inaantok pa rin at walang pakialam ngunit ang totoo ay nakikinig siya sa pakikipag-usap ni Tutti sa kakambal nito sa telepono. Hindi naman siya maakusahan na nanunubok dahil hindi lang siya ang nakakarinig sa one-sided na usapan. Kausap ni Tutti ang kakambal sa cell phone habang nag-aagahan silang lima. Nasa mesa rin si Estong, Kent Lauro at Zane. Sunod-sunod ang naging subo ni Blumentritt upang hindi siya magkaroon ng pagkakataong magtanong. Masarap ang mga inihandang almusal nina Zane at Estong. Ang dalawa ang talagang masipag sa kusina at mga gawaing-bahay. Kaya naman ni Blumentritt na magluto at maglinis. Lumaki siyang walang katulong. Ngunit waring kinatutuwaan nina Zane at Estong ang gawain sa kusina. Maraming pagkain na nakahain sa mesa nang umagang iyon. Tapa, bottled tuyo, bottled bangus belly, tapa, itlog, at bacon. Bukod sa bacon, lahat ay ibinigay at hindi nila binili. Malakas silang kumaing lima. Malakas din naman silang maka-burn ng calories. Sa practice lang ay kayang-kaya na nilang i-burn ang mga kinain nila. Mayroon din silang regular time sa gym. Hindi naman palaging parang fiesta ang pagkain ng grupo. Sinisiguro nila na masustansiya ang mga kinakain nila. Alam nilang lima na hindi lang tinig at talento ang puhunan nila sa trabaho. Puhunan din nila ang hitsura nila. Alam nila na kailangan din nilang alagaan nang husto ang pisikal nilang kaanyuan. “Brian isn’t dumb. Hindi gaano,” ang sabi ni Zane matapos ibaba ni Tutti ang cell phone sa lamesa at ipinagpatuloy ang pag-aalmusal. “He’s nice. Nagkakuwentuhan kami noong mag-guest siya.” “About abs and body building,” sabi ni Kent Lauro. “He was asking about your secrets s***h health regimen.” Si Zane ang may pinakamalaki at pinakamaskuladong katawan sa kanilang apat. Kahit na ganoon, ang kaibigan pa rin ang pinakamagaan ang katawan sa kanila kapag sumayaw. Pinakaflexible at pinakamalambot ang katawan nito. “That doesn’t mean he’s dumb. Nilalagyan naman niya ng fruit ang oatmeal niya,” pagtatanggol pa rin ni Zane. Hindi na gaanong nagtaka si Blumentritt sa mga naririnig. Zane was one of those rare genuinely nice people. Iyong hindi kaagad nanghuhusga, hindi kaagad nag-iisip ng masama sa kapwa.  “I don’t like him,” sabi ni Blumentritt kahit na may laman ang bibig. “He’s too vain.” Totoo naman ang kanyang sinabi. Si Brian lang ang nakilala niyang tao na mahilig tumingin sa salamin. He spent half the time in set half naked. He was too proud of his tight six-pack abs ang “incredible” pecs. In Blumentritt’s opinion, Brian was objectified in that episode. Waring hindi naman iyon alintana ng lalaki. He liked flaunting his body. Tumango-tango si Tutti at tumingin sa kanya. Puno ng approval ang mga mata nito. It was like he was telling him he knew he could always count on him. “You are correct. He is too vain. Hindi bagay kay Trutty.” Tumango rin si Blumentritt. “Hindi nga. Charles is too wonderful for that Brian.” “Hindi ko kayo mapaniwalaan.” Napatingin silang lahat kay Zane. Mukha ngang nababaghan ang kaibigan. Bahagyang nag-alala si Blumentritt na baka may nasabi siyang hindi angkop, o iba ang labas ng kanyang tono. Paulit-ulit niyang binalikan sa isipan ang mga nasabi. Oo, bahagya siyang napapraning. Itinuro ni Zane si Blumentritt. “Hindi na ako nagulat na hindi mo gusto si Brian. You don’t like anyone at first. Medyo nakakagulat at nakakatuwa lang na sa tingin mo ay wonderful si Trutty.” Nilunok ni Blumentritt ang pagkain sa bibig, hindi ipinahalatang bahagyang bumilis ang t***k ng kanyang puso. He acted indifferent and casual. Kung sabagay, hindi na gaanong nakapagtataka na bahagyang ikagulat ng mga kaibigan ang sinabi niya tungkol sa pagiging wonderful ni Trutty Charles. Nasanay na yata ang mga kasama na halos puro negatibo ang naririnig sa kanya maliban pagdating sa musika. Binalingan ni Zane si Tutti. “At ikaw naman, masyado kang overprotective sa kakambal mo. Kailan nakipag-date si Tru na may approval mo? No guy is good enough for you. No one will ever be good enough. Nakakahanap ka ng kapinatasan palagi. No one will ever be perfect, Tutti.” Tumango si Tutti at waring matamang mag-isip. “What are you trying to say?” tanong ni Blumentritt kay Zane, bahagyang nangungunot ang noo sa pagtataka. Wala siyang nakikitang masama sa ginagawa ni Tutti.  Kaswal na nagkibit ng balikat si Zane. Maituturing na si Zane ang pinakamalapit sa mga babae—kina Trutty Charles, Mariquit, Justienne at Jay Ann. They once told them Zane spoke their—girl—language. It does not made Zane gay or bisexual since he got a girlfriend. Medyo mas sensitibo lang si Zane sa damdamin ng mga babae kaysa sa mga karaniwang lalaki. Blumentritt could be the most oblivious one. “Ang sinasabi niya ay hayaan mo lang si Tru sa pakikipag-date. Huwag ka nang masyadong nakikialam,” ani Kent Lauro. Si Kent Lauro ang maituturing na bookish at nerd-ish sa kanilang lima. Ang ideya nito ng pagre-relax ay pagbabasa ng makapal na textbook. “Masaya ka kay Ricky. You seem to have a perfect relationship. Alam ng publiko na kayo pero hindi gaanong nagpapaka-showbiz. You’re happy. So let your sister find the person who could make her happy.” Tumango bilang pagsang-ayon si Zane. “What he said.” Natawa si Estong. Napatingin si Blmentritt sa kaibigan na napapailing-iling habang ipinagpapatuloy ang maganang pagkain. Estong came from a province. Galing ito sa pamilya ng mga magsasaka. Sa kanilang lima, si Estong ang may pinakamahirap na buhay ngunit proud ang kaibigan sa pinanggalingan. Lumuwas ng Maynila si Estong para makipagsapalaran, upang matulungan kahit na paano ang pamilya sa probinsiya. He became a manny to TQ—drummer ng bandang Stray Puppies. Ang babaeng bokalista ng Stray Puppies ay asawa ni Rob na isa sa mga miyembro ng Lollipop Boys at siyang CEO ng Sounds, ang record company kung saan nakakontrata ang The Charmings. Si TQ ang nag-udyok kay Estong na mag-audition. “What?” nagtatakang tanong ni Blumentritt. Para kasing may nabatid si Estong kaya natatawa at napapailing-iling. Maging ang iba ay napatingin kay Estong. Tumingin si Estong kay Blumentritt. “May masayang relasyon ang tatlong ito. Mga lasing sa pag-ibig. Kaya naman gusto nila na lahat ng nakapaligid sa kanila ay makatagpo rin ng mamahalin. Gusto nilang matagpuan ng iba ang natagpuan nila. Ang the one, ika nga.” Hindi nagkaila si Kent Lauro. “Sort of.” “Oo nga,” sabi ni Tutti. “Gusto ko nga na maramdaman ni Tru ang kaligayahang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Mariquit. Pero ayoko rin naman na basta-basta ang lalaking makakapareha ng kakambal ko. Trutty is hot.” Halos sabay-sabay na nasamid sina Zane, Estong at Kent Lauro. “She is,” halos wala sa loob na nasabi ni Blumentritt na umani ng kakaibang tingin mula kina Zane, Estong at Kent Lauro. “She is.” Hindi naman siya nagsisinungaling. Lahat ng may matang gumagana nang maayos ay ganoon ang paniniwala. “Dude, parang hindi kaaya-aya sa pandinig ang sinabi mong hot ang kapatid mo,” ani Zane na medyo napapangiwi. “She’s like our sister also kaya parang ilang din sa amin.” “Trutty is wonderful and kind and sweet and lovely,” ani Kent Lauro. “My sister is all those things and more. Trutty is... superior,” wika ni Tutti. “She’s not just any other typical it girl. She’s smart and talented. Her beauty is stunning.” “Parang pinuri mo na rin yata ang sarili mo,” ang natatawang sabi ni Estong. “Siya ang female version mo. Pero tama ka. Hindi basta-bastang babae si Trutty. At hindi ko siya kapatid na babae. Okay lang ba kung sasabihin kong sumagi sa isipan ko na ligawan siya?” Ibinuka ni Blumentritt ang bibig upang magsalita at tumanggi ngunit naunahan siya ni Zane. “Hindi ka seryoso sa sinabi mong iyan.” “Hindi ba man lang sumagi sa isipan n’yo na ligawan si Tru?” tanong ni Estong habang pinapasadahan ng tingin sina Zane, Kent Lauro at Blumentritt. Kaagad na umiling ang naunang dalawa. Bago pa man mapansin ni Estong ang hindi pag-iling ni Blumentritt ay muling nagsalita si Estong. “Matangkad, balingkitan, at maganda pero hindi maarte. Hindi high maintenance. Simple lang ang mga bagay na gusto, ang mga bagay na nagpapaligaya. Sosyal pero hindi snob. Hindi unreachable. Palakaibigan sa kahit na kanino. Kalog at masarap kausap. Fashionista pero hindi gaanong trying-hard. Matalino at madiskarte pero hindi mayabang at arogante. Mayaman pero kayang kumain ng street foods. Alam kung ano ang Marie at chocnut. Maganda kahit na walang makeup. Kailangan ko pa bang magpatuloy?” “Nakuha ka na namin,” ani Kent Lauro. “But honestly, hindi ko talaga naisip. She’s always been Tutti’s sister.” “Ako rin,” ani Zac. Muling ibinuka ni Blumentritt ang bibig ngunit naunahan na naman siya ni Estong. “At wala kang pakialam tungkol sa mga ganoong bagay,” ang sabi nito habang nakatingin sa kanya. Umahon ang inis sa dibdib ni Blumentritt para kay Estong. “Really?” Hindi niya sigurado kung maiinsulto siya o ano sa tingin ng mga kaibigan sa kanya. Tumango si Tutti. “You don’t see girls, Blu.” Tumingin ito kay Estong. “Hindi mo puwedeng ligawan si Tru,” anito sa mariing tinig. “Sana ay hindi na sumasagi sa isipan mo ang bagay na iyon. Though accurate ang lahat ng sinabi mo tungkol sa kapatid ko. Like I said, she’s superior.” “And ako’y hamak na—“ “Don’t, Estong,” maagap na sabi ni Tutti. “You don’t wanna finish that sentence.” “May nililigawan ka na,” ani Blumentritt. Regular na lumalabas si Estong kasama ang isang babaeng blogger na nagngangalang Kyle. Wala silang gaanong alam tungkol sa babae dahil hindi naman gaanong nagkukuwento si Estong. Minsan lang din nilang nakasama ang dalaga, sa minsang pagpunta nila sa Open Mic, isang bar na pag-aari ng isa pang miyembero ng Stray Puppies. Tumango si Tutti. “You’re my friend. One of my best friends. Iyon lang ang dahilan kung bakit tatanggi ako kung sakaling seryosohin mo ang ideya na ligawan ang kapatid ko. Walang ibang bagay. You know I—we respect you. Saka tama si Blu, mayroon ka nang ibang nililigawan.” Mataman na tiningnan ni Estong si Tutti bago nagsalita. “Bakit hindi puwede ang kaibigan?”  Nagsalubong ang mga kilay ni Tutti, hindi gaanong naintindihan ang itinatanong ni Estong.  Kaagad na nagpaliwanag si Estong. “Ayaw mong i-date ni Trutty ang kaibigan mo. Kuha ko ang ilang basic at tipikal na rason. Ayaw mong mapagitna sa kapatid mo at kaibigan. Kapag nag-away ang dalawa, ayaw mong mamili kung sino ang papanigan. Ayaw—“ “Actually, papanigan at papanigan ko ang kakambal ko. Anyone who tries to hurt her and make her cry will answer to me.” “Can I go on?” tanong ni Estong. Nang tumango si Tutti ay nagpatuloy ito. “Pero hindi mo ba naisip na mas maigi nang sa kaibigan mo kaysa sa ibang lalaking hindi mo naman kilala? Paano ka makakasiguro na tatratuhin nang maayos ang kapatid mo? Kapag kaibigan mo, kabisado mo ang ugali at gawi. Pinagkakatiwalaan mo. Kaya bakit hindi puwede ang kaibigan?” Natahimik ang buong mesa, waring napapaisip sa lohika ni Estong. Kapagkuwan ay napatango-tango ang mga kasama ni Blumentritt sa mesa. “If you put it that way,” ani Tutti na nasa tinig pa rin ang pag-aalinlangan. “I think you’re right. Pero ang weird pa rin. Depende na rin siguro. Kung ikaw, kung wala kang ibang niligawan... I think it’s f-fine.” “Parang napipilitan ka lang `ata,” ang natatawang sabi ni Estong.  “It’s still weird. Kahit na isipin lang,” ang tugon ni Tutti. “May nililigawan siyang iba,” pagpapaalala uli ni Blumentritt. Wala siyang mairereklamo sa karakter ni Estong kahit na katulad niya ay may mga itinatago pa rin ang kaibigan tungkol sa buhay nito. Ngunit hindi niya nagustuhan ang larawan nito kasama si Trutty na nabuo sa kanyang isipan. Malaking bahagi ng kanyang pagkatao ang tumatanggi. “Si Blu na lang. Gusto mo bang maging bayaw si Blu?” tanong ni Estong, puno ng pagbibiro ang tinig. Nasamid si Blumentritt. Mabilis siyang binigyan ng paper towel at inumin ni Estong. Tiningnan niya nang masama ang kaibigan. Pilyo ang ngiting nakaguhit ng mga labi nito. Nagsasayaw ang mga mata sa kaaliwan at panunudyo. “Blu’s okay,” kaswal na wika ni Tutti. “That was fast,” ani Zane, bahagyang nagungunot ang noo sa pagtataka. “Blu is a genius.” “So am I,” ani Kent Lauro. “You have a girlfriend.” Tumingin si Tutti kay Blumentritt. “Noong una kitang makilala, rockstar na bad boy ang tingin ko sa `yo. Maangas at astig. Pero may itinatago ring vulnerability.” “That’s not—“ Hindi pinatapos ni Tutti si Blumentritt sa sinasabi. “Sa tagal nating magkasama, mas nakilala na kita. Pessimist ka at complainer pero hindi ka quitter. Magreklamo ka man, ginagawan mo pa rin ng paraan para matutunan ang isang bagay na akala mo ay hindi mo kayang gawin. You’re musically gifted and passionate. Parang si Tru.” Blumentritt was moved. Nang tumingin siya sa mga kasamahan ay natagpuan niyang tumatango ang mga ito bilang pagsang-ayon. Sa loob ng mahabang sandali ay hindi niya malaman kung ano ang maaaring sabihin. Hindi niya mahanap ang tamang salita upang maiparating ang pasasalamat sa pagtanggap sa kanya. Hindi siya nagkaroon ng mga malalapit na kaibigan dahil walang nangahas na kilalanin siyang maigi. Walang nangahas na tingnan kung ano ang nasa ilalim ng angas na ipinapakita niya sa labas. Tanging ang apat na lalaking kasama. Napagpasyahan ni Blumentritt na katapatan ang dapat niyang isukli. “I have someone,” aniya sa munting tinig. One at a time. Baby steps. Hindi magtatagal ay masasabi na rin niya ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD