“Be good,” ang bilin nito bago siya lumulan sa sasakyan.
“Pagpasensiyahan mo na ang daddy mo,” ani Bernadette hindi pa man nailalabas ni Meripen ang sasakyan sa malaking gate.
“It’s okay, Mommy. Medyo sanay na rin naman po ako.”
“He’s not blaming you for your kuya’s death.”
He’s totally blaming me. “I know,” ani Blumentritt sa halip. Hindi na sana niya nais pag-usapan pa ang tungkol sa bagay na iyon. Nagpasalamat siya na nanahimik na ang ina hanggang sa makarating sila sa pupuntahan. Hawak-hawak ng ina ang kamay ng anak. Naramdaman ni Blumentritt ang panlalamig ng kamay ng ina habang papasok sila sa isang memorial park. Doon nakahimlay ang nakatatanda niyang kapatid na si Jose Maria.
Nang tumingin si Blumentritt sa mukha ni Bernadette ay kaagad niyang nakita ang hindi masukat na kalungkutan sa mga mata nito. Waring nais nitong umiyak ngunit pinipigilan lamang nito ang sarili. Hindi pinakawalan ni Blumentritt ang kamay ng ina. Alam niya na hindi niya kailanman mapupunan ang iniwang espasyo ni Jose Maria sa puso nito ngunit nais niyang malaman nito na naroon pa rin siya. Hindi man siya madalas na tumawag o magpakita, naroon pa rin siya.
Tinulungan sila ni Meripen na maibaba sa sasakyan ang napakaraming bulaklak na ipinahanda ni Bernadette. Nadatnan pa nilang halos hindi pa lanta ang mga bulaklak na iniwan doon ng ina noong huling bisita nito. Tatlo hanggang apat na beses sa isang linggo kung bisitahin ni Bernadette ang himlayan ni Jose Maria.
Tinulungan ni Blumentritt si Bernadette sa pag-aalis ng mga nalantang bulaklak at pag-aayos ng mga bagong set. Pagkatapos ay tahimik silang naupo at nagdasal.
How’re you, man? Things have been good. May mga bagay na hindi pa rin nagbabago o nag-i-improve but I’m trying to be optimistic. Hindi gaanong halata at alam kong hindi mo gaanong paniniwalaan ang bagay na iyon pero I’m really trying to see things more positively. I’m trying to hold on to hope. I’m trying to be a better person. I wanna believe I’m trying to be a better son for the both of us. It’s just hard with him. Dahil kahit na paano ko pigilan o iwasang isipin, gusto ko siyang sisihin sa pagkawala mo. Maybe I just need someone to blame other than myself but I loathe him more every time I see him. I know you love him. You grew up with him. He’s been a father, a good father they say. Siguro kaya ako ganito ay dahil din hindi ako lumaki na siya ang kinikilalang ama. I wish you’re here, bro. I wish bad things don’t have to happen.
Nagpakawala ng buntong-hininga si Blumentritt.
I’m taking good care of her, don’t worry. Hindi na katulad ng dati pero sana ay maintindihan mo ang sitwasyon. I have to work to pay all her bills. Mommy is helping but you know how he is. Hindi ko siya pababayaan hanggang sa huli. Hindi ko siya iiwan. I promise you that, Jose Maria.
Pagkatapos magdasal ay kinuwentuhan ni Bernadette si Blumentritt ng ilang bagay tungkol sa kabataan ni Jose Maria. Makulit daw ang kuya niya. Masayahin at palatawa. Jose Maria was a tiny ball of sunshine. Ang totoo, makailang ulit nang narinig ni Blumentritt ang bagay na iyon ngunit hinahayaan lang niya ang ina. Nasisiyahan si Bernadette sa pag-alala ng ilang masasayang sandali. Nasisiyahan din siya pakinggan ang bawat kuwento.
They had lunch together. Then they dropped him at Dr. Rizalino Mendoza Memorial Hospital. Ihahatid ni Meripen si Bernadette sa appointment nito at babalikan siya mamaya.
“Tell her I said hi,” ani Bernadette habang niyayakap si Blumentritt.
Madalang sumama si Bernadette sa tuwing bumibisita siya sa ospital. May sarili itong araw. Nais kasi nitong bigyan ng privacy si Blumentritt.
“I will,” tugon ni Blumentritt bago hinagkan ang pisngi ng ina.
“I love you, my little prince.” Mababakas sa mga mata ng ina ang pinaghalong pagmamahal at pag-aalala.
Ngumiti si Blumentritt. “I love you, too, Mommy. I’ll be okay.”
Hindi gaanong naniwala si Bernadette sa huling tinuran ngunit tumango pa rin gayunpaman. Hindi kaagad pumasok sa loob ng ospital si Blumentritt, pinanood muna niya ang paglayo ng sasakyan ng ina. Nagsuot ng baseball cap si Blumentritt bago niya inihakbang papasok ang mga paa sa loob ng ospital. Nagpapakawala siya ng buntong-hininga habang tinatahak ang pamilyar na pasilyo.
Nginitian si Blumentritt ng nurse na nasa nurses’ station. Kilala siya nito bago pa man siya naging miyembro ng The Charmings at ipinagpapasalamat niyang hindi nito inili-leak sa press ang tungkol sa regular niyang pagbisita at kaugnayan niya sa pasyente.
“Hinihintay ka na niya,” ang banayad nitong sabi.
“Thank you.” Hindi na niya kailangang tanungin kung kumusta na ang pasyente. Araw-araw siyang nakakatanggap ng update sa e-mail.
Pagpasok ni Blumentritt sa pribadong silid ay tumayo ang private nurse sa kinauupuan nito. Nadatnan niyang nagbabasa nang malakas ang nurse. Mabilis itong nagpaalam at lumabas ng silid. Alam na nitong nais niyang mapag-isa kasama si Alana. Kabisado na nito ang kanilang routine.
Ilang sandali munang pinagmasdan ni Blumentritt ang babaeng nakaratay sa kama. Nahihirapan ang kanyang puso sa tuwing nakikita niya nang ganoon si Alana. She looked so lifeless. Malinaw pa rin sa kanyang alaala ang masiglang ngiti nito, ang malutong na tawa. She had always been a girl full of life and laughter. Malayong-malayo sa babaeng nakaratay sa kasalukuyan.
Inabot niya ang isang gitara na nasa isang sulok ng silid, isinandal niya iyon sa hospital bed frame bago naupo sa upuan malapit sa kama. Inabot niya ang kamay ng babae at hinalik-halikan. They were cold. Waring palamig nang palamig habang lumilipas ang panahon. Panipis nang panipis ang balat. Paputla nang paputla ang kompleksiyon ng minamahal.
“Hey, my Sleeping Beauty,” usal ni Blumentritt sa munting tinig, bahagyang may garalgal. “You’ve been sleeping for so long. Bakit hindi mo subukang buksan ang mga mata mo? Mas masaya. Marami na ang nagbago. Marami na ang nangyari. Pero isang bagay ang hindi pa nagbabago. I’m still here. I’d always be here for you.”
Makailang beses na niyang narinig ang sinabi ng mga doktor ni Alana. She might not wake up. She might wake up but she might not be the same again. Isang bahagi ng isipan ni Blumentritt ang naiintindihan ang sinasabi ng medical team. Hindi biro ang pinsalang tinamo ng katawan ni Alana. Isang milagro nang maituturing na may pulso pa ang babae nang makarating sa ospital. Sa una pa lang ay sinabihan na silang huwag gaanong umasa.
Ngunit ang mas malaking bahagi ng buong pagkatao ni Blumentritt ay nais maniwala at manalig sa milagro. Alana deserved a miracle. She was fighting, she didn’t give up. May mga kaso namang naitala na nagigisng ang pasyente pagkatapos ng ilang taon sa coma. Mabilis ang pag-usad ng medisina at teknolohiya. One of these days, a great doctor would find a way to wake his Alana up. Nais niyang manalig na isa sa mga araw na ito ay gigising si Alana.
Taimtim at matibay ang pananalig na iyon lalo na sa simula, sa unang taon. Kahit na ilang beses na nakaroon ng komplikasyon at nalagay sa bingit ang buhay ni Alana ay hindi natinag ang paniniwala na iyon. She always pulled through. She was still fighting. Hindi pa sumusuko si Alana.
Ngunit pagkatapos ng isang taon ay unti-unti nang nauubos ang paniniwala at pananalig. May mga pagkakataon na nagi-guilty si Blumentritt dahil masaya siya sa kasalukuyang ginagawa, sa kasalukuyang buhay. May pagkakataon na nakadarama siya ng pagod. Pagod hindi lang para sa kanyang sarili kundi para na rin kay Alana. Minsan ay naaawa na siya sa dalaga. May mga pagkakataon na naiisip niyang mas maigi nang magpahinga ito. Sumasama ang kanyang pakiramdam sa pag-iisip nang mga ganoon. Dahil parang sumusuko siya dahil nais niyang mapadali ang mga bagay-bagay sa kanyang buhay.
He was a horrible person.
“I’m sorry,” bulong ni Blumentritt. “I’ll hold on to hope, I promise. I will always be here. I love you, Alana.”
Maingat niyang inilapag ang kamay ni Alana, binuksan ang guitar bag at inilabas ang pinakaunang acoustic guitar na binili niya sa sariling sikap. He started playing. He didn’t stop until it was dark outside.
Nakaabang na sa labas ng ospital si Meripen paglabas ni Blumentritt. Tahimik siyang lumulan.
“Wala pa ring pagbabago,” ang tugon ni Blumentritt sa tanong na hindi isinasatinig ni Meripen.
“She’ll wake up one day. She’ll wake up soon.” Malamig at pormal ang tinig ng lalaking nakikita na niya sa paligid mula noong bata siya ngunit alam niyang naroon ang malasakit. Alam nito ang hirap na pinagdadaanan niya. Minsan, kinaiinisan niya ang role ni Meripen sa kanyang buhay ngunit maraming pagkakataon din na ipinagpapasalamat niya ang constant presence nito. He never left him. Palagi siya nitong tinutulungang bumangon sa tuwing nadadapa siya.
Pagpasok ni Blumentritt sa bahay ay kaagad niyang narinig ang masayang sigawan nina Tutti, Kent Lauro, Zane at Estong sa sala. They were watching a basketball game. Kahit na paano ay gumaan ang mabigat na pakiramdam. He had his friends. He had this wonderful life. Umaasa siya na darating ang araw na magiging ganap ang kaligayahan sa bagong buhay na iyon.
Masigla siyang binati ng apat pagkakita na pagkakita sa kanya.
“Heeey! You’re home!” ang masiglang bulalas ng apat, halos sabay-sabay.
“Kumain ka na? Nag-dinner na kami pero may itinira kaming ulam para sa `yo. Nasa ref, initin mo na lang,” sabi ni Zane.
“Yeah, thanks. Aakyat na muna ako.”
“Bakit sa tuwing umuuwi ka kapag day off ay mukhang pagod na pagod ka?” tanong ni Estong habang sinusundan ng tingin si Blumentritt na paakyat na ng hagdan. “Iyong uri ng pagod na pagod na pagod talaga?”
“I’m okay,” ang kaswal na tugon ni Blumentritt sa kaibigan. Hindi na siya tumingin sa mga ito dahil baka bumigay siya sa pinaghalong pagtataka, pag-aalala at malasakit. He had gotten closer to the boys. Natatakot siya na baka bumigay siya lalo na at ramdam niya ang unti-unti pagka-drain ng kanyang enerhiya.
Ibang pagod talaga ang nadarama ni Blumentritt sa tuwing nagtutungo sa bahay ng totoong pamilya, sa puntod ng nakatatandang kapatid at sa ospital na kinaroroonan ni Alana. It was an emotional torture for him. Kapag nagtatrabaho siya, pisikal na pagod lang ang kanyang nadarama. Kayang ihiga at itulog. Mawawala na kinabukasan.
“Ay, oo nga pala,” pahabol ni Tutti bago pa man siya mawala sa paningin ng mga ito. “Narito kanina si Trutty. May mga pasalubong siya para sa `yo. Nasa labas ng pintuan mo.”
Sandaling natigilan si Blumentritt. Inisip niya kung alam ba niyang darating sa araw na iyon ang kaibigan at kakambal ni Tutti. Hindi siguro nabanggit sa kanya dahil baka inagahan niya ang uwi upang masilayan ang magandang dalaga. “Uh, thanks. Sayang at hindi kami nagkita.”
Ilang buwan ding hindi nakita ni Blumentritt si Trutty Charles at kailangan niyang aminin na nangulila siya nang husto sa dalaga. Pilit niyang ibinaon ang guilt na waring nais umusbong sa kanyang dibdib. Sinabi niya sa sarili na walang masama sa nararamdaman.
Nakita nga ni Blumentritt ang ilang paperbag sa labas ng kanyang silid. Kahit na magkakasama sa bahay, siniguro ni Vann Allen na magkakaroon sila ng kanya-kanyang silid upang magkaroon pa rin sila ng privacy. Lumaki si Blumentritt bilang only child, teenager na siya nang malaman na mayroon pala siyang kapatid. Kaya naman hindi siya sanay na pinakikialaman ang mga gamit niya, pinapasok ang loob ng silid niya. Hindi naman pakialamero ang mga kasama. They were boys. Sa una rin ay sabik silang makilala ang personalidad ng isa’t isa. Hanggang sa makasanayan na rin niya ang tila pagkakaroon niya ng apat na kapatid na lalaki. Kung wala siya ay hindi pinapasok ng mga ito ang silid niya, ngunit madalas siyang magambala kapag naroon siya.
Pagpasok sa loob ng silid ay itinabi muna ni Blumentritt ang mga pasalubong galing kay Trutty Charles. Inabot niya ang cell phone sa desk at may tinawagan. Palagi niyang iniiwan ang cell phone niya sa bahay para sa araw na iyon. Ayaw niya ng kahit na anong istorbo. He always wanted to be out of reach.
Makailang ulit na tumikhim si Blumentritt habang hinihintay niyang sagutin ng nasa kabilang linya ang tawag niya.
“Hey, baby.”
Napangiwi si Blumentritt sa pambungad na bati ng babae sa kabilang linya. “Hi, Mom,” tugon niya. Pilit niyang pinasigla ang tinig. Dahil sa acting workshop ay ganap niyang naitago ang kapagalan na nadarama. “How’re you and Marcus?” Marcus was Louisa’s husband and his stepfather.
“We’re doing good. We’ve spent the money you sent on a trip. We had a nice hotel. We ate in a nice fancy restaurant. We had fun, sweetheart.”
Totoong masiglang ngiti na ang gumuhit sa mga labi ni Blumentritt. Ikinatutuwa niya kahit na paano ang naririnig na sigla at ligaya sa tinig ng kinalakhang ina. “That’s great! You should do that more.”
“Hindi mo na kailangang magpadala pa, Blu. We’re doing fine.”
“Well, a little luxury won’t hurt.” Alam ni Blumentritt na hindi niya kailangang magpadala sa kinalakhan na pamilya. Naiintindihan ng mga ito. Hindi man mayaman at marangya, hindi rin naman maituturing na mahirap ang kabuhayan nina Marcus at Louisa. Kapwa nagtatrabaho pa ang mag-asawa.
Ngunit hindi mawala kay Blumentritt ang kagustuhang mapasaya kahit na sa munting paraan lang ang mga kinalakhang magulang. Hindi siya makapunta ng Seattle sa ngayon kaya idinadaan na lang niya sa pagpapadala ng pera. He wanted to give back. He was not their biological son but they gave him everything he needed and wanted while growing up. They sent him to school with good music program because they knew he loved music. They bought him guitar and keyboard. Halos lahat ng kinikita ng mag-asawa ay napupunta sa kanya noong lumalaki siya. They supported his passion.
“In that case, thank you, Blu. Are you okay, baby?”
“I’m fine. I’ll be just fine.”
“We miss you.”
“I miss you guys more.” May mga pagkakataon na nahiling niyang sana ay hindi na lang nagbago ang buhay niya. Sana ay hindi na lamang niya nalaman ang totoo niyang pagkatao. He was a simple kid. He grew up with huge dreams but he was basically a simple guy. Halos hindi na niya maalala ang dating Blumentritt. Hindi niya sigurado kung kaya pa niyang balikan ang dating buhay.
Halos kalahating oras pa silang nagkuwentuhan bago siya sinabihan ni Louisa na magpahinga na. Pagkalapag ng cell phone ay dinampot ni Blumentritt ang mga paperbag at isa-isang sinilip ang laman. Napangiti siya nang makita ang isang vintage leather jacket.
“This is so neat.” Hindi na niya iyon isinukat dahil alam naman niyang magiging perpekto ang lapat niyon sa katawan niya. Trutty earned her living with clothes.
Ang isang paperbag ay naglalaman ng mga accesories. Hindi siya gaanong mahilig sa accesories ngunit naiintindihan niya na parte ng trabaho nila ngayon ang magmukhang stylish. Natigilan siya nang mabuksan ang isang maliit na kahon. It was a key chain of the Statue of Liberty.
“Charles...” usal ni Blumentritt habang hinahaplos-haplos ng hinalalaki niya ang munting replika ng estatwa. Minsan lang niya nabanggit sa dalaga ang pangungulila niya sa New York.
Sinubukan niyang pigilan ang sarili ngunit hindi pa rin niya ganap na napagtagumpayan. Inabot niyang muli ang cell phone at tinawagan si Trutty Charles. Kaagad namang may sumagot sa kabilang linya.
“Hi!”
May kung anong mainit na bagay ang waring pumuno sa dibdib ni Blumentritt nang marinig ang pamilyar at masiglang tinig ni Trutty Charles. She had a soothing sweet voice. Pakiramdam niya ay may naghihilom sa kalooban niya, may bigat na nawawala.
“Thank you.”
Mula nang makilala ni Blumentritt si Trutty Charles ay nakaramdam na siya ng kakaiba. Hindi niya gaanong pinagtuunan ng pansin ang kakaibang pakiramdam na iyon dahil sigurado siyang sasakit ang ulo niya. Nais niyang isipin na ganoon ang epekto ni Trutty Charles sa lahat. She was a sweet, kind, and wonderful girl. Tipikal na maapektuhan ang sinumang lalaki dahil napakaganda ng dalaga.
“You’re welcome.”
“I missed you.” Halos awtomatiko ang pagnulas ng mga kataga sa mga labi ni Blumentritt. Tumikhim siya at kaagad na pinagsisihan ang nasabi. Iyon ang bagay na ayaw sana niyang aminin kahit na sa kanyang sarili. Hindi niya binawi ang nasabi, gayunpaman. Siguro ay may munting bahagi sa kanyang puso ang nagnanais na malaman nito ang bagay na iyon. Siguro ay nagsawa na rin siyang magsinungaling kahit na sa sarili lang niya.
Ilang sandali muna ang lumipas bago nakasagot si Trutty Charles sa kabilang linya. “I... m-missed you too, Blu.”
Nais sana niyang isipin na ganoon din ang nadarama ng dalaga sa lahat, kina Tutti, Kent Lauro, Zane at Estong. She definitely missed them too. But a part of him wanted to believe she missed him a bit more. Mukhang nahihirapan din si Trutty Charles na aminin ang pangungulila. That does not make Blumentritt feel any good. Ang pahirapan ang dalaga ang pinakahuling bagay na nais niyang gawin. Nasaktan na niya si Trutty Charles ilang buwan na ang nakakaraan. Hindi siya dapat makaramdam ng kahit na pangungulila.
Tumikhim si Blumentritt. “Sana lang ay mapasalamatan kita nang personal.” He wanted to see her.
“It’s okay. Mga mumunting bagay lang naman ang mga iyan.”
“Thank you. Really.”
“It’s okay.”
“Are we okay, Charles?” Nanikip ang dibdib ni Blumentritt. Dati ay hindi niya kailangang itanong ang bagay na iyon.
Ilang sandali na natahimik si Trutty Charles bago nagawang sumagot. “Of course we’re okay. We’ll see each other soon.”
Her voice was tensed. May pakiramdam si Blumentritt na hindi gaanong nagsasabi ng totoo si Trutty Charles. Sumidhi ang hinala na kaya biglang nagbakasyon sa ibang bansa ang dalaga ay dahil sa kanya. Dahil sa isang gabi na pinaniniwalaan nitong hindi na niya maalala.
“Yeah, okay. I’ll see you when I see you.” Hindi pa pinutol ni Blumentritt ang tawag. Hindi rin pinuputol ni Trutty Charles ang kanilang koneksiyon. Naririnig nila ang paghinga ng isa’t isa.
Pagkalipas ng mahabang sandali ay sabay silang nagpakawala ng buntong-hininga at sabay ding pinutol ang tawag.