HALOS PAPASIKAT pa lamang ang araw nang umalis si Blumentritt sa bahay na tinutuluyan nang araw ng Sabado na iyon. Nakaabang na sa labas si Meripen. Tahimik siyang lumulan ng sasakyan. Tahimik din iyong pinaandar ni Meripen. Natutulog pa ang mga kasama niya sa bahay na nilisan niya. Nakapagpaalam na siya sa mga kaibigan kagabi at kahit pa hindi niya banggitin ay kabisado naman na ng mga ito ang kanyang routine tuwing off day nila. Walang palya na umaalis siya ng bahay. Alam ng mga ito na gabi na siya makakauwi.
Alam ni Blumentritt na labis na nagtataka ang mga kasama kung saan siya nagtutungo kapag umaalis siya. Lalo na noong simula. May ilang pagkakataon na tinatanong siya ng mga ito. Nagpapasalamat siya sa tuwing inirerespeto ng mga ito ang kagustuhan niyang huwag munang ibahagi ang tungkol sa mga ginagawa niya sa tuwing umaalis siya ng bahay. One day soon, he would share this part of his life, this part of him. Noong una ay estranghero ang tingin niya sa apat na kasamahan na mabilis niyang naging mga kabigan. Hindi na estranghero sina Tutti, Kent Lauro, Zane, at Estong ngayon. Mas malapit na sila sa isa’t isa. Maituturing na niyang mga matatalik na kaibigan ang mga ito. Naghihintay lang siguro siya ng tamang panahon. Hindi pa siya gaanong handa. May malaking bahagi sa kanya ang natatakot at kinakabahan.
Ayaw ni Blumentritt na magbago ang tingin sa kanya ng mga kabigan at kasamahan sa grupo. Ayaw niyang isipin ng mga ito na hindi siya nagpakatotoo mula sa simula, na hindi ang totoong Blumentritt ang ipinakita niya.
Hindi inakala ni Blu na magiging masaya siya sa pagiging miyembro ng The Charmings, sa totoo lang. Being a member of a boyband seemed ludicrous before. She loved music to core but he believed singing in a boyband was never his scene. Noong mapagpasyahan niyang gawing career ang paglikha ng musika, hindi niya naisip na pagiging miyembro ng tinitiliang boyband ang kahihinatnan niya. Five years ago, if someone says he’d be a Charming, he’d probably shudder. Mas naiimahe niya kasi noon ang sarili na nagtatrabaho sa likod ng spotlight. He didn’t want to be a star. He wanted to compose.
Naging performer din naman si Blumentritt noong kolehiyo siya at pagkatapos niyon. He had performed on hollowed halls. He knew he was good. Not because everyone told him so but because he loved what he was doing and one person becomes naturally good at doing something he loved.
Noong una ay inakala ni Blumentritt na hindi siya magugustuhan ang pagiging miyembro ng boyband. Itinuring niyang sakripisyo ang naging pagpayag. Sakripisyo na kailangan niyang gawin at pagtiisan. Hindi niya inakala na totoong magiging maligaya siya. Hindi niya inakala na katutuwaan niya ang trabaho. But he loved it. He loved the music. They were making real music, hindi lang ibinabalandra ang kanilang mukha sa telebisyon at CD covers. They weren’t objectified.
Nakatulong din na puro talented ang mga kasamahan niyang sina Tutti, Kent Lauro, Zane, at Estong. They were all passionate about music. They were doing art. They inspired each other. Blumentritt found good people, good friends.
Everything started when Blumentritt served Vann Allen a drink. Of course he knew who he was. Mahaba ang karera nito bilang isang international artist. Hinangaan niya ang lalaki at ang musika nito. Hindi niya kaagad nakilala si Vann Allen nang gabing iyon, gayunpaman. He was being incognito. Nagulat siya nang sabihin nitong kilala siya nito. He saw a couple of his performances on piano and guitar. Kaagad na nagpakilala ang lalaki at walang ligoy-ligoy na inalok siya nitong maging bahagi ng binubuo nitong boyband.
Dahil nga hinahangaan ni Blumentritt si Vann Allen, alam niya na dating miyembro ng boyband sa Pilipinas ang lalaki. The Lollipop Boys were phenomenal during the nineties.
Tinawanan niya si Vann Allen sa alok nito. Hindi naman nagulat ang lalaki sa naging reaksiyon niya. Pinadalhan pa rin siya nito ng detailed offer sa kabila niyon. Blumentritt didn’t think he would consider the offer. Ngunit dulot na rin ng ilang sirkumstansiya, pumayag na siya.
He went through training. Dance was the most difficult of all. Singing and playing were always easy for him. He struggled with dance. Lalo na at may mga kasama siya at kailangang synchronized ang kanilang mga galaw. He also had difficulty with stamina. Hindi siya gaanong kumakanta kaya hindi siya gaanong na-train. Hindi rin siya ang tipo ng lalaking madalas mag-gym. Mabilis siyang hingalin.
She loved and enjoyed learning. Madalas siyang magreklamo ngunit sa kaibuturan niya ay natutuwa siyang matututo. Napakarami pa pala niyang hindi alam. Napakaraming kailangang matutunan.
Maituturing na rin silang artista, hindi lang mga mang-aawit sa bansang ito. They were offered to do a sitcom and they said yes. He was skeptical but everyone wanted to do it. Dahil nais niyang matuto, pumayag na rin siya. Hindi siya marunong magpatawa. Hindi niya sigurado kung may kakayahan siyang maging nakakatawa. But he realized he wanted to learn. He realized he wanted the experience. But because he had reputation to protect, he complained first.
His character was a sarcastic and grumpy teenager. Natatawa naman sa kanya ang mga manonood.
Napakarami pa niyang nais matutunan sa bagong mundong pinasok. Hindi palaging masaya, kailangan niyang aminin. Hindi siya gaanong natutuwa sa ilang parte ng trabaho at kasikatan. Minsan ay napapagod siya at napupuyat nang husto. Maraming beses siyang nagrereklamo ngunit nababatid din niya kaagad na worth it ang lahat ng hirap at pagod. Hindi pa naman niya hinahayaan ang sarili na malamon ng kasikatan at karangyaan. Habang tumatagal ay mas nakikita niya kung gaano nakakasilaw ang mga ilaw sa entablado. Halos wala nang ibang nakikita. Ngunit pinagsusumikapan pa rin niyang huwag magbago nang husto.
Nang pasukin ni Blumetritt ang trabaho na ito, buo sa kanyang isipan na hindi siya magtatagal. Dalawang taon lang ang pinirmahan niyang kontrata kay Vann Allen. Malapit nang matapos ang dalawang taon na iyon.
Marami nang nagawa ang The Charmings. Sa unang album pa lamang ay napatunayan na nila ang kanilang husay sa publiko. Habang mas tumatagal ay mas dumarami ang kanilang mga taga-suporta at taga-hanga. They were not just pretty faces. Fans loved their music. Pakiramdam ni Blu ay marami pa silang kayang gawin, marami pang maipapakita. They haven’t pushed their limits yet. They haven’t experimented enough. They could do so much better.
Does that mean you’re not leaving the group?
Marahas na napabuntong-hininga si Blumentritt dahil hindi niya masagot ang katanungan sa kanyang isipan. Hindi niya sigurado kung ano ang gagawin. Hindi pa siya sigurado sa mga magiging desisyon.
“Narito na tayo, Blu.”
Bahagyang napapitlag si Blumentritt nang marinig ang tinig ni Meripen. Hindi niya namalayan na nakahinto na ang sasakyan sa porte-cochere ng isang malaking bahay. Dinampot niya ang isang malaking pumpon ng bulaklak sa kanyang tabi na si Meripen ang naghanda para sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga bago siya bumaba ng sasakyan.
Hindi sigurado ni Blumentritt kung nababawasan ba ang hindi gaanong komportableng pakiramdam sa tuwing nagtutungo siya sa bahay na iyon. Hindi niya masabi kung darating ang araw na magiging komportable uli siya sa bahay na iyon.
It was a huge and imposing house—mansion. Noong unang beses niya iyon makita ay hindi niya napigilan ang mamangha at mangilag. He was supposed to grow up in that house. Ang napakalawak na bakuran ang dapat na naging palaruan niya. Kahit gaano niya pilitin, hindi niya makita ang sarili na tinatamasa ang lahat ng rangyang iyon.
Lumaki si Blumentritt sa isang bahay na maliit ang bakuran. He had been content and happy.
Bumukas ang double front door at iniluwa niyon ang isang nakangiting ginang. Kahit na simpleng puting bestida lamang ang suot nito ay napakaelegante pa rin nitong tingnan. Masaya at nananabik ang mga matang nakatingin sa kanya. Hindi man siya komportable sa bahay, masaya pa rin siyang makita ang ina.
Gumuhit ang isang magandang ngiti sa mga labi ni Blumentritt habang palapit sa ina. Kaagad siyang niyakap nang mahigpit ni Bernadette na waring ilang taon silang hindi nagkita. Hindi siya nakabisita noong nakaraang linggo dahil nasa probinsiya siya. Nagkakausap din sila sa telepono kung may libre siyang panahon. Hinagkan ng ina ang magkabila niyang pisngi matapos siya nitong pakawalan.
Iniabot ni Blumentritt ang dala-dalang mga bulaklak. They were his mother’s favorite flowers. Madalas itong bigyan ng bulaklak ni Jose Maria. Waring may malaking kamay na mariing pumisil sa kanyang puso nang maalala ang nakatatandang kapatid. He sent flowers to their mother because Jose couldn’t do it anymore.
“Thank you, my little prince,” ang nakangiting sabi ng ina. Hinawakan nito ang kanyang kamay ay hinila papasok ng bahay.
Little prince. Bernadette had fondly called him that since he was little. Iilan lang ang pagkakataon na nagkita sila sa Seattle at New York ngunit palaging may ligayang hatid ang taguring iyon kahit na naniniwala siyang hindi na iyon angkop na taguri sa kanya. He was difinitely not little and was he really a prince? May ligayang hatid lang iyon sa kanya kapag si Bernadette at Louisa ang bumabanggit.
Hindi pa rin ganap na makomportable si Blumentritt habang papasok ng malaking bahay. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya gaanong kabisado ang bahay na iyon.
“How are you?” kaswal na tanong ni Bernadette habang patungo sila sa likurang bahagi ng mansiyon. “Medyo nangayayat ka uli pero mas maaliwalas ang mukha mo ngayon.”
“I’m doing okay. We’re busy promoting the new album. Thank you for buying a thousand copies. You didn’t have to do that.” Isa rin sa mga dahilan kung bakit tagumpay ang The Charmings ay dahil sa hindi masukat na suporta ng mga kapamilya at kaibigan na bultuhan ang pagbili ng physical albums. Hindi niya sinasabi sa mga kasama na isa si Bernadette sa mga bumibili ng bultuhan.
“I know. Marami lang akong mga kaibigan at staff na pagbibigyan. They were all happy. Gusto kong bumili ng higit pa sa isang libong kopya pero pinigilan ko na ang sarili ko. Congratulations, the album is doing so well. Ang sabi sa news ay sold-out sa lahat ng mga record outlet ng mga probinsiyang pinupuntahan n’yo.”
“Thank you po.” Wala pang dalawang linggo mula nang mai-release ang album ngunit maganda na ang bentahan. Nangunguna na ang kanilang carrier single sa hit lists ng radio stations.
“I’m so happy for you, Blu. Sana ay mas magtuloy-tuloy pa ang success n’yo ng grupo mo. Kailan ko ba sila makikilala?” May kaunting pag-aalinlangan sa tinig nito, waring nag-aalala ang ina sa magiging reaksiyon niya.
Hindi makasagot si Blumentritt. Hindi naman sa ayaw niyang ipakilala ang mga kamiyembro at kaibigan sa pamilya. Hindi pa niya sigurado kung paano sasabihin ang tungkol sa kanyang pagkatao. Natatakot siyang maakusahan na sinungaling at manloloko. Hindi niya sigurado kung handa na ba siya. Ang alam ng mga kaibigan ay nasa Washington ang kanyang pamilya.
“Don’t worry about,” ani Bernadette nang lumipas na ang ilang segundo at hindi pa rin nakakasagot si Blumentritt. Sinikap nitong gawaran siya ng isang ngiti. She almost convinced him it was okay. Habang tumatagal na nakikilala ni Blumentritt ang ina ay unti-unti rin niyang nalalaman ang “tells” nito. Being a politician’s wife and former first daughter-in-law, she was a master in masking her emotions. Naramdaman pa rin ni Blumentritt ang dismaya at lungkot nito
Hindi alam ni Blumentritt kung paano kokonsolahin ang ina.
Lumabas sila ng mansiyon at humantong sa isang pribadong hardin. Maraming mga naggagandahang orchids doon. Marami ring pananim na gulay at herbs. Napakalawak ng bahaging iyon at nakaparaming mga punong namumunga. Sa tuwing nagtutungo si Blumentritt doon mula nang maging miyembro siya ng The Charmings ay palagi niyang naiisip na magugustuhan ni Estong ang lugar na iyon. Kaagad na nakita ni Blumentritt ang isang matanda na nakayuko at nagbubungkal ng lupa. Paglapit niya ay mabilis niyang hiningi ang kamay nito upang makapagmano.
Inalis muna ng matanda ang suot na gloves bago ibinigay ang kamay sa kanya.
“Mabuti naman at nakadalaw ka ngayong araw. Noong nakaraang linggo ay lungkot na lungkot ang mommy mo,” kaswal nitong sabi.
“Pasensiya na po,” ani Blumentritt sa munting tinig. Mas lumago ang hindi komportableng pakiramdam sa kanyang dibdib. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya malaman kung paano pakikitunguhan ang abuelo.
Kahit na kasalukuyang marumi ang suot nitong damit at mukha pa ring kagalang-galang si Jose Tolentino. His grandfather was the former president of the country. He only had one term but he was very much respected and admired. Malakas pa rin ang tinig nito sa mundo ng pulitika kahit na matagal nang hindi aktibo. His opinyons still mattered.
Matagal bago naiproseso ni Blumentritt na apo siya ng isa sa pinakamakapangyarihang lalaki sa bansa. Nang malaman niya ang totoo, hindi siya makapaniwala.
“Huwag mong ihingi ng pasensiya ang trabaho, Juan Miguel,” tugon ng matanda habang pinupunasan ang pawisang noo. Kahit na may edad na, malakas at maliksi pa rin ang abuelo.
Pinigilan ni Blumentritt na mapangiwi nang marinig ang isa pa niyang pangalan—ang totoo raw niyang pangalan. His grandfather and father refused to call him “Blu.”
Hinaplos-haplos ni Bernadette ang braso ni Blumentritt. “It’s okay. We understand. Let’s have breakfast?”
Sabay-sabay silang tatlo na nagtungo sa nakahanda nang mesa sa malapit. Kauupo pa lamang nila nang makita ni Blumentritt na palapit si Ernest Tolentino, ang kanyang biological father. Tumayo si Blumentritt at nagmano sa ama.
“Hindi mo sinabi, Bernadette, na darating si Juan Miguel ngayon,” sabi ng ama habang nauupo sila sa harap ng hapag.
“Ilang araw kang wala at late ka nang nakauwi kagabi,” ang walang anumang tugon ni Bernadette sa asawa.
Blumentritt liked his biological grandfather. He respected him. Nalula siya sa mga naabot nito, sa mga nagawa nito para sa bansa. Labis niyang hinahangaan ang abuelo. Hindi sila malapit na malapit at hindi madalas makapag-usap ngunit naniniwala si Blumentritt na nagkaroon sila kahit na paano ng koneksiyon. Sa unang labing-anim na taon ng kanyang buhay ay hindi niya alam na may grandparent siya. He had always wanted one. A big part of him was glad he was Jose Tolentino’s youngest grandson.
But he had never felt that connection with Ernest, his biological father. Siguro ay tumatak na sa isipan niya ang mga nangyari, ang mga ginawa nito. Siguro kaya hindi mabuo-buo ang magandang koneksiyon at relasyon sa pagitan nila ay dahil sinisisi niya ang ama sa lahat ng hindi magagandang pangyayari sa kanyang buhay. At hindi nakakatulong na umaakto ang ginoo na waring hindi nito alam na kasalanan nito ang lahat.
Tumingin si Blumentritt kay Bernadette. He knew she hated Ernest. Hindi niya mailarawan sa kanyang diwa ang pahirap at pasakit na dinaranas nito sa araw-araw.
Sinimulan na nila ang pagkain. Si Bernadette ang naglagay ng pagkain sa plato ni Blumentritt. Hinayaan nitong ang mga kawaksi ang magsilbi sa biyenan at asawa.
“Kain nang kain, ha? Nangangayayat kang talaga. Huwag mong hayaan na malipasan ka ng gutom. Magbibilin ako kay Meripen. Okay lang ba kung magpapadala ako ng mga pagkain?”
Tumango lang si Blumentritt bago inumpisahan ang pagsubo. Maraming pagkakataon na nagpapadala si Bernadette ng pagkain sa kanilang bahay. Madalas na walang nakalagay na pangalan. Nalalaman lang niya kapag si Meripen ang nagdadala. Sinasabi ng lalaki na bigay ng mga tagahanga ang pagkain o ni Vann Allen. Hindi lang mga pagkain ang ipinapadala ni Bernadette, pati na rin ilang groceries at supplies kahit na sabihin niyang hindi na iyon kailangan. Ipinapadaan naman nito ang mga iyon kay Megumi, ang manager ng banda, na isa sa iilang tao na nakakaalam ng isa pang identity niya.
“Juan Miguel is a big boy, Bernadette. You should stop babying him,” wika ni Ernest.
Nais ni Blumentritt na sagutin ang ama at malamang na ginawa nga niya kung wala lang sa kanilang harapan ang kanyang lolo. Banayad na pinisil ni Bernadette ang kamay ng anak at ginawaran ng banayad na ngiti na waring nagsasabing huwag na niyang gaanong pansinin ang asawa nito.
“Your wife can baby her son however, wherever and whenever she wants,” kaswal na sabi ni Lolo Jose bago humigop ng kape. “That’s how mothers are.”
“Okay,” ani Ernest. Hinarap siya nito, tiim ang ekspresyon ng mukha. “I’m aware how much success you’re having right now. Pero kailangan ay mas isipin mo ang mas magandang future para sa sarili mo. You’re smart, you can study again. Take a pre-law course. Or Economics. Kilala ka na ng marami sa Pilipinas. I’m happy your group is active on charities. Hindi na magiging mahirap ang kampanya sa hinaharap pero kailangan mo pa rin ng degree.”
“He has a degree. In Music,” sabi ni Bernadette sa asawa, bahagyang tumalim ang tinig. “He’s a Juilliard graduate.”
Si Blumentritt naman ang banayad na pumisil sa kamay ng ina. Mahaba ang pasensiya ni Bernadette lalo na sa asawa. She learned the art of deadma. Ngunit pagdating kay Blumentritt ay mabilis na umiigsi iyon. Hindi nito kailanman hahayaan na maiparamdam ni Ernest sa anak ang kakulangan. Blumentritt was perfect in his mother’s eyes.
Hindi na bago sa pandinig ni Blumentritt ang mga sinabi ni Ernest. Sa katunayan, hindi na siya gaanong nagulat noong unang beses nitong sabihin ang tungkol sa plano nitong pagkakaroon niya ng political career. Isa din marahil iyon sa mga factor kung bakit pinili niyang tanggapin ang alok ni Vann Allen. He’d rather be a member of a boyband than be a politician. Wala namang masama sa pagiging politiko. His granfather was very good at it. Nasisiguro lamang niya na hindi iyon para sa kanya.
“I know,” ang mahinahon na sabi ni Ernest. “I’m just saying he’s smart at dapat ay mas mapakinabangan ang katalinuhan na iyon. Mahusay siyang mag-entertain ng tao, bakit hindi siya maging public servant?”
“He’s not going to be a politician, Ernest.”
“You don’t get to decide that.”
“Ikaw din. Wala kang karapatang magdesisyon sa ganoong bagay. Hindi mo pipilitin ang anak ko sa isang bagay na hindi niya gustong gawin.”
“Hindi ko siya kailangang pilitin kung nabubuhay pa ang kuya niya. Susundan sana niya ang yapak namin ni Papa. Lalampasan pa sana niya ang lahat ng narating at nakamit namin.”
Biglang pumait ang panlasa ni Blumentritt. Nahihirapan siyang lunukin ang kinakain dahil waring nagsasara ang lalamunan niya. Parang may malaking kamay na dumaklot at pumisil nang mariin sa kanyang puso. Natahimik ang hapag. Halos dalawang taon na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin sa kanila ang pagkamatay ni Jose Maria.
“It was your fault,” ang malamig na sabi ni Bernadette kay Ernest. “You pressured him too much.”
“It’s not my—“
“Tumigil na kayong dalawa,” ang mahinahon na sabi ni Lolo Jose. Mahinahon man ang tinig nito, mababakas pa rin sa mga mata ng matanda ang paghihirap ng kalooban. He still missed his first-born grandson. The grandson that he hope to be the president of the Philippines one day. The grandson who would’ve made a difference in the world. The good grandson who was not like his father. Humugot ng malalim na hininga si Lolo Jose bago muling nagsalita. “Hindi magandang nag-aaway sa harap ng grasya. Ilang ulit ko bang sasabihin ang bagay na iyon sa inyong dalawa?”
Mukhang ayaw magpatalo ni Ernest. “Pero, Papa, kailangan po nating isipin ngayon pa lang ang mga mangyayari sa hinaharap ni Juan Miguel. Kailangan na natin siyang ipakilala—“
“Just let Miguel do whatever he wants to do, Ernest. Kagaya ng sinabi mo kanina, malaki na ang anak mo. Kaya na niyang magdesisyon para sa sarili niya.”
Imbes na makaramdam ng relief sa pagtatanggol ng abuelo, mas sumama ang pakiramdam ni Blumentritt. It was apparent that he doesn’t expect anything from him. Waring buo sa isipan nito na hindi niya kailanman mapapalitan o matutularan man lang ang namayapa niyang kuya. Natanggap na nito nang buo ang bagay na iyon. Kaya maaari niyang gawin ang anumang nais niya sa buhay.
Tahimik nilang tinapos ang almusal. Waring ayaw tanggapin ng sikmura ni Blumentritt ang pagkain ngunit pinilit pa rin niya. Nais niyang maging tipikal ang agahan na iyon kahit na alam nilang lahat na walang tipikal sa kanilang pamilya. Nais niyang matapos na ang lahat. Hindi na lamang siya umimik kahit na ang dami sana niyang nais sabihin sa ama at abuelo.
Pagkatapos ng almusal ay nagpaalam na magututungo sa opisina nito sa bahay si Ernest. Bahagyang ikinagaan ng pakiramdam ni Blumentritt ang pasya na iyon. May pagkakataon kasi na isinasama siya nito sa opisina. Pilit na ipinapakita sa kanya kung gaano ka-uliran ang pagiging public servant. Nakikita naman niya, hindi lang talaga niya mapaniwalaan na para iyon sa kanya. Maaari namang makatulong kahit na wala sa puwesto.
Tinulungan ni Blumentritt ang lolo sa pag-aasikaso sa mga orkidyas nito. It was his favorite past time. Pinagkuwento siya nito tungkol sa buhay niya bilang isang entertainer.
“Whatever you do, be good or don’t even bother.”
Iyon ang sinabi ng Lolo Jose ni Blumentritt nang ipaalam niya ang desisyon na sasali siya sa The Charmings. Kaya naman sa tuwing tinatanong siya nito tungkol sa ginagawa ay hindi niya mapigilan na magmalaki nang kaunti. The Charmings were more than good. They were one of the best in the industry.
Pagkatapos ng mahigit isang oras ay nagpaalam na si Blumentritt sa abuelo. Nakahanda na si Bernadette para sa pag-alis nila. Nagmano uli si Blumentritt at hinagkan ni Lolo Jose ang kanyang noo.