1

3351 Words
“WE HATE you.” “Definitely.” “To core.” Natawa nang malakas si Trutty Charles kahit na mayroon pang laman ang kanyang bibig. She was with her girlfriends. Nasa condominium unit niya sina Jay Ann, Mariquit, at Justienne. Dalawang unit ang pag-aari niya sa condominium building na iyon. Ang isa ay nagsisilbi niyang bahay o private haven sa tuwing naroon sila ng mga kaibigan. Ang kabilang unit naman ay nagsisilbing workroom at minsan ay nagiging showroom. She had another office and a more formal showroom but she spent most of her time working there. Trutty Charles Madrigal was a young successful entrepreneur, fashion designer, and stylist. She had a charmed and lovely life.  “Paanong ang lakas mong lumamon ng kanin at napapanatili ang ganya kagandang pigura kahit hindi mag-exercise?” ang sabi ni Justienne, bahagyang lukot ang mukha. “Na-miss ko `to, bakit ba?” Naging sunod-sunod uli ang subo ni Trutty sa kanin at binagoongan.  “Pasalamat ka love ko ang mga pasalubong mo kundi, gigilitan kita ng leeg,” ani Justienne habang yakap-yakap ang isang kahon na naglalaman ng gusto nitong bag. “Mantakam ba?” Natawa si Trutty dahil bakas na bakas nga sa mukha nito ang pagkatakam sa pagkain. Parang nais nitong hablutin sa kanya ang plato na apaw sa kanin. Inilapit niya sa kaibigan ang isang Mason jar na naglalaman ng organic vegetable salad. Masarap naman iyon ngunit nalukot pa rin ang mukha ni Justienne na waring sawang-sawa na sa pagkain ng organic salad. Gusto nito ng carbs at salt. “Isang linggo na lang, babe,” ang nangongonsolang sabi ni Trutty kay Justienne. She could pig out after a week. Justienne was about to do a fashion show in Singapore for couture gowns especially made for petite women. It was her biggest and most sophisticated offer she had since she started her career. She had to diet and exercise profusely. She had to have the perfect figure for petite women. Nakalabing dinampot ni Justienne ang mason jar at binuksan. Napapabuntong-hininga na sinimulan nito ang pagkain.  “I only have three days left. Pagkatapos ay puwede na akong kumain ng carbs,” ani Mariquit na dumampot din ng isang mason jar at binuksan. Kagaya ni Justienne ay natatakam din nitong tiningnan ang pagkain ni Trutty. Mariquit was an actress. She was best known for her kontrabida roles but she had been having some bida roles lately. May gagawin na swimsuit scene ang kaibigan at nobya ng kakambal para sa isang pelikula nito. She also had to diet and stay away from carbs and salt. “I have two weeks,” ang napapabuntong-hininga na sabi ni Jay Ann. “I want some chocolate cake and mac and cheese.” Hindi dumampot ang kaibigan ng salad jar. Tiningnan nito ang mga garapon nang masama. Jay Ann was a former beauty queen and currently a model. Dating sa ibang bansa ang modeling career nito ngunit napagpasyahang magbalik na sa Pilipinas. Mayroong photoshoot ang kaibigan sa Japan.  “Can you stop eating now?” hiling ni Jay Ann. “Can’t you see we’re miserable?” Natawa si Trutty Charles. May bahagi sa kanya ang nagpapasalamat na hindi niya dinaranas ang paghihirap ng mga kaibigan. Hindi niya kinailangang mag-diet buong buhay niya upang mapanatili ang balingkitang katawan dahil mabilis siyang natutunawan. Kada dalawang oras ay nagugutom siya. May biro ang ilang kaibigan sa kanya na magiging perpekto ang pisikal niyang anyo anuman ang gawin niya. Hindi kailanman naging komportable si Trutty sa mga ganoong uri ng papuri. Malayo siya sa pagiging perpekto. Hindi niya sasabihin na hindi niya alam na may hitsura siya. Alam niya dahil araw-araw naman siyang tumitingin sa salamin. Ginagawa rin niya ang halos lahat upang mas maging kaaya-aya ang kanyang pisikal na anyo. Nakakailang lamang ang ilang papuri na minsan ay patuya na waring kasalanan niya kung bakit ipinanganak siyang maganda at matangkad. Anak siya ng dalawang batikang artista kaya inasahan na magiging maganda ang mga produkto. Nakakailang din ang ilang akala ng marami na ganda lang ang mayroon siya. Isa rin marahil iyon sa mga dahilan kung bakit mas pinili ni Trutty ang karera sa likod ng kamera hindi katulad ng kanyang kakambal na si Tutti. Dahil mga supling ng dalawang sikat na artista, bata pa lamang sina Tutti at Trutty ay nakikita na sila nang madalas ng publiko. Sinubukang gawing pribado at normal ang kanilang buhay ngunit hindi maiiwasan ang public interest sa kanila. Their parents were one of the most beloved power couples. Kabilang ang kanilang mga magulang sa iilang mag-asawa na nananatiling matatag ang pagsasama kahit nasa magulong mundo ng show business. Baby pa lang sila ng kakambal ay marami na silang patalastas sa TV. Nagkaroon sila ng maraming offers para gumawa ng pelikula at teleserye ngunit hindi pumayag ang kanilang mga magulang. Masyado raw demanding ang mga iyon. Puro commercials at print ads lamang ang kanilang mga ginawa. By the time they were eight, their future was pretty much secured. May pagkakataon sa buhay ng kanilang ama na hindi ito tumanggap ng maraming trabaho upang mas matutukan silang magkapatid. Masinop ang kanilang ama sa pera. He invested their money on businesses. Pinakamalago sa mga negosyong iyon ang Tutti & Trutty, isang clothing brand. Dahil nakahiligan ni Trutty ang fashion designing, itinuon niya ang atensiyon at enerhiya sa pagpapalago niyon. May iba pa siyang clothing line ngunit sa Tutti & Trutty siya talaga nagsimula. Mayroon ding frangrance, lingerie, shoe, makeup, and accesorry brand si Trutty. Pinatunayan niya sa lahat na hindi lang siya maganda. Hindi puro suwerte ang dahilan ng kanyang tagumpay sa murang edad. She had worked so hard to get where she was now.  Mabilis na tinapos ni Trutty ang pagkain upang hindi na gaanong maglaway ang kanyang mga kaibigan. She met the girls through The Charmings, ang sikat na boyband na kinabibilangan ng kanyang kakambal na si Tutti. Sa katunayan girlfriend ang mga ito ng ibang mga miyembro. Girlfriend ni Tutti si Mariquit. Girlfriend naman ni Kent Lauro si Justienne. Jay Ann was Zane’s. Dahil malapit na niyang kaibigan ang mga miyembro ng The Charmings—na endorser din ng Tutti & Trutty—hindi naging imposible na makasundo niya ang tatlong babae. They were all so nice. Ang pinakagusto niya ay ang unique personality ng bawat isa sa mga ito. Regular silang nagkikita sa condo niya. Minsan ay nagsa-shopping sila o nagpupunta sa salon at spa. Magkakasama sila sa mga panahong libre sila at walang trabaho. It was fun having some girl time with them. Noong una ay sila ni Mariquit lang ang magkasama, hanggang sa naging girlfriend ni Kent si Justienne. Jay Ann was the most recent addition to their group. “Na-miss ka namin, bru,” ani Justienne. “Maganda bang talaga ang northern lights?” Na-miss din ni Trutty ang mga kaibigan. Halos dalawang buwan siyang nawala ng bansa. Una siyang nagtungo sa California at pagkatapos ay sa New York para sa pinaghalong work at  pleasure. She attended some seminars and fashion shows. She shopped then sent them to her place in the Philippines. Mas nauna pa ang mga pasalubong niya sa pagdating ng bansa kaysa siya mismo. Pagkatapos ay nagtungo siya ng Dubai, London, at Iceland. She wanted to see the northern lights. On her way home, she stopped to some places to buy more pasalubong. “It’s magical, bru,” tugon ni Trutty, ngiting-ngiti. “Grabe it’s one of the most beautiful things I’ve seen in my life. Napakasulit ng mahabang biyahe. You guys should see.” Nais sana niyang makasama ang mga kaibigan sa biyaheng iyon ngunit abala si Justienne sa pag-aaral at trabaho. Na-extend naman ang teleserye ni Mariquit at sinabayan pa ng pelikula. Kababalik lamang ni Jay Ann sa bansa at kasisimula pa lamang nito ng trabaho. It had been fun vacationing alone, too. Nagawa niyang mag-isip at magmuni-muni. Nakabuo siya ng napakaraming ideya para kanyang mga negosyo. Inisip niyang maigi kung ano ang nais niyang gawin sa kanyang buhay. Napalabi si Mariquit. “I wish we can afford that kind of vacation.” Tumango si Justienne bilang pagsang-ayon.  Hindi mahirap ang dalawang kaibigan. They had jobs that payed well. May mas pinaglalaanan lang ang dalawa sa ngayon. Parehong nais magpatayo ng bahay ang dalawang kaibigan. “One day when I have time,” ani Jay Ann. She was practically an heiress and she had a lucrative job as an international model for years. “Girls, we should invest more on experience. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa future. Hindi natin sigurado kung mananatili ang mga magagandang lugar sa paglipas ng panahon.” Ang mga magulang ni Trutty ang nagturo sa kanya ng bagay na iyon. They should value experiences more than money. Madali marahil para sa kanila ni Tutti dahil ipinanganak sila sa isang saganang buhay. They didn’t have to work their asses off to build their dream houses. “Pupunta kami ni Tutti ng Hawaii sa December,” masayang anunsiyo ni Mariquit. “Siniguro na niyang hindi kami tatanggap ng trabaho by that time. One week.” “That’s great!” tugon ni Trutty. Alam na niya ang bagay na iyon dahil itinawag na ng kanyang kakambal sa kanya. “Next year pa pero plano namin ni Kent na magpunta ng Amsterdam. He’s paying for everything.” Halos umabot hanggang sa tainga ang ngiti ni Justienne. “Nainggit naman ako. I think I should plan for a vacation for me and Zane. Hindi pa ako nakakarating ng Batanes. Hahanap ako ng libreng oras,” sabi ni Jay Ann. Maging si Trutty ay nakaramdam ng hindi maipaliwanag na inggit. It sucked to be the loveless one in the group. Naiinggit siya sa kaligayahan ng mga kaibigan. Kontra sa paniniwala ng marami, hindi ligawin si Trutty. Ang biro ng ilang kaibigan, masyado raw intimidated ang mga kaedad at nakakasalamuha sa success niya. Ang tingin pa ng ilan ay masyado siyang mataas upang abutin. Hindi rin naman niya gaanong naiisip ang bagay na iyon noon dahil masyadong nakatuon ang kanyang atensiyon sa mga goal sa buhay, sa trabaho. Unang nakaramdam ng ganoon klaseng inggit si Trutty nang matagpuan ng kakambal si Mariquit, ang tamang babaeng nakalaan. Noong una ay hindi siya aware na naiinggit siya. She had been truly happy for her twin. Hindi niya inaamin ngunit pinakapaborito niyang kaibigan si Mariquit dahil sa kakambal. Totoo kasi yata ang sinasabi ng ilan na may espesyal na koneksiyon ang magkakambal. Sabay silang nagkakasakit ni Tutti. Nararamdaman niya sa tuwing may nangyayaring hindi maganda sa kapatid. Alam din niya kung malungkot ito kaya ramdam niya ang ibang ligayang dulot ng pagkakaroon nito ng nobya. She wanted to feel that happiness directly. Nagkaroon naman si Trutty ng boyfriend noong high school at college. Parehong hindi nagtagal ng isang buwan ang relasyon. Sa palagay ni Trutty ay hindi niya naramdaman ang totoong pag-ibig sa dalawang lalaki. Sinagot niya ang unang nobyo dahil sa peer pressure. Everyone was telling they were so “bagay”—even her parents who were friends with his parents. Ang pangalawa ay sinagot niya dahil sa awa. She loved him—as a very dear friend. He was the nerdy type. They talked a lot, they were so intellectually suited. Ngunit hindi rin nagtagal ay nabatid nilang hindi sila ang laan para sa isa’t-isa. Pagkatapos niyon ay ibinuhos na ni Trutty ang buong panahon sa craft niya. She worked with many gorgeous guys in the entertainment industry. May mga pinaunlakan siya ng date ngunit mas madalas na hindi na nasusundan. Walang lalaking nakapukaw sa kanyang pansin at nagpatibok ng kanyang puso. Hanggang sa masilayan ng kanyang mga mata si Blumentritt, ang kamiyembro ng kakambal sa The Charmings. Walang ibang nakakaalam ng pagkakaroon niya ng espesyal na damdamin sa binata kundi sarili lang niya. Hindi siya makaamin kahit na sa kakambal na tipikal na alam ang lahat ng tungkol sa kanya. Trutty realized she wanted a boyfriend and a lovely lovelife just like her friends. Iyon nga lang, mukhang malabo na makamit niya ang gusto. Hindi kasi basta-basta ang nagustuhan niyang lalaki. “Kailan ka magpupunta sa bahay ng boys?” tanong ni Mariquit. Napatingin si Trutty sa ilang kahon at paperbags na nasa isang sulok ng condominium unit niya. Lahat ng iyon ay para sa kakambal at mga kaibigan nito. The boys grew on her. Isa pa, tumaas nang husto ang sales nila sa men’s wear dahil sa endorsement ng mga ito. “This Saturday siguro. They are busy with some provincial tours. Sabi ni Tutti, sa Saturday ang off day nila. Kakausapin ko rin sila tungkol sa pagpe-pair sa kanila sa nakuha kong international endorsers.” Nalagdaan na sa wakas ng isang Korean all-girl singing group ang isang endorsement deal para sa Tutti & Trutty. Nasasabik na siyang damitan ang kanyang mga bagong endorser. Mas playful at edgier ang mga designs nila sa pinakabagong collection. Ipinapanalangin niya na maganda sana ang maging market. “Kababalik mo pa lang pero all-business ka na kaagad,” ani Justienne. “I have to. Tapos na ang bakasyon, work na agad.” “Baka wala sa bahay si Blue,” kaswal na sabi ni  Jay Ann. “Palagi siyang wala sa bahay kapag off day nila.” Alam na iyon ni Trutty dahil nakapag-coordinate na siya kay Megumi, ang manager ng grupo. Hindi niya gaanong sigurado kung sadyang pinili niya ang araw na iyon dahil alam niyang wala sa bahay si Blumentritt. Ayon kay Megumi, mananatili ang apat na kalalakihan sa bahay sa araw ng Sabado upang magpahinga. Sunod-sunod kasi ang out of town shows ng banda nitong nakalipas na dalawang buwan. They were busy promoting their newest album. Walang palya na umaalis ng bahay si Blumentritt tuwing walang trabaho. Ang pagkakaroon ng isang araw na off day sa isang linggo ay isa sa mga demand ni Blumentritt bago nito tinanggap ang alok ni Vann Allen na mapasama sa grupo ng The Charminga. Si Blumentritt ang bukod-tanging hindi nag-audition sa limang kalalakihan kaya nakapag-demand. Siyempre ay hindi masyadong nasusunod ang off day demand na iyon lalo na kung maraming importanteng trabaho ngunit sinusubukan nina Megumi na bumawi sa ibang pagkakataon. Walang nakakaalam kung saan nagtutungo ang binata. Walang pinagsasabihan si Blumentritt kahit sa sino sa mga kasamahan nito. Minsan ay naitanong ni Trutty sa kakambal kung hindi ba curious ang mga ito, kung hindi ba naisipan ng mga ito na sundan si Blu. “Noong una ay oo. Maraming itinatago si Blu sa amin. Hindi niya gaanong binubuksan ang sarili niya. Noong una ay mahirap makipagkaibigan sa kanya. Maraming pagkakataon din na gusto namin siyang sundan para malaman ang pinagkakaabalahan niya. Pero naisip din namin na may karapatan naman siyang itago ang private life niya. We should respect his need to keep some secrets from us. May dahilan kung bakit ayaw niyang sabihin kung saan siya nagpupunta sa tuwing umaalis siya ng bahay. Umaasa na lang kami na darating ang araw na lubos na ang tiwala niya sa amin. Darating din siguro ang araw na sasabihin niya sa amin ang ilang bagay. Isa pa, hindi rin namin siya masusundan kahit na gustuhin namin. Kasama ni Blu palagi si Meripen kapag umaalis. Malalalaman kaagad niya na nakasunod kami.” Si Meripen ang head of security ng The Charmings. Kahit saan magtungo ang boyband ay naroon din ang lalaki. He was hired by Vann Allen to take care of the boys. Ngunit nalaman ni Trutty na bodyguard ni Blumentritt talaga si Meripen. He was hired to be the band’s security because he refused to be away from Blu. Upang hindi maging kasuspe-suspetsa ang malaki at medyo nakakatakot na lalaki ay ginawa itong head of security. Kaya naman lalong naitatanong ng ilan sa kanila kung sino ba talaga si Blumentritt. Bakit kailangan nito ng bodyguard? Sa press release, Blumentritt was born in the States. Pinoy ang mga magulang nito. Pumanaw daw ang ama nito sa bago pa man maipanganak. Sa unang apat na taon ng buhay nito ay ang mommy lang nito ang kasama nito. Hanggang sa makakilala ng isang music professor at nagpakasal. Nasa Washington pa rin ang mga magulang ni Blumentritt. Walang nakakaalam kung ano o sino ang nagbunsod sa binata na umuwi ng Pilipinas. Hindi itinatago ngunit hindi rin ibinubunyag sa publiko na Juilliard graduate si Blumentritt. He was even considered a virtuoso. Natapos nito ang kurso sa loob lamang ng tatlong taon. He had performances at Carnegie Hall. He went on a tour for almost a year. Natagpuan ni Vann Allen si Blumentritt na bartender sa isang karaoke bar. Wala silang ideya kung paano napunta ang katulad ng binata sa ganoong lugar. Misteryo. Iyon marahil ang humalina kay Trutty kay Blumentritt. She had wanted to unravel all the mistery. Nais niyang mas makilala si Blu, mas mapalapit upang malaman niya ang bawat sekreto. Naisip ni Trutty na simpleng fascination lang ang kanyang nadarama para sa binata noon una. Magmamaliw din ang fascination na iyon kapag nalaman na niya ang ilang bagay tungkol dito. Ngunit mali yata si Trutty sa assumption niya na iyon. Dahil habang mas nakikilala niya si Blumentritt ay mas lalo siyang nahahalina. Mas lumalakas ang puwersang humahatak sa kanya palapit. Mas lumalalim ang kanyang nadarama. “Minsan ay tinanong niya ako sa set kung bakit hindi mo raw siya tinatawagan o tini-text,” sabi ni Justienne. May nanunudyong ngiti sa mga labi ng kaibigan. “Bakit nga ba? Bago ka umalis ay close na close na kayong dalawa. Siya lang ang nakakatawag sa `yo ng Charles.” Kaswal na nagkibit ng balikat si Trutty. Hindi niya ipinahalata na waring tumalon ang kanyang puso sa kanyang lalamunan. Tumikhim siya bago umabot ng inumin. Sinikap pa rin niyang magpakakaswal dahil ramdam niya ang matamang tingin ng mga kaibigan. “Kahit naman kayo ay hindi ko itinext,” tugon niya. “Sa palagay namin ay bagay kayong dalawa,” ani Mariquit. Naitirik ni Trutty ang kanyang mga mata. Makailang beses na niyang narinig iyon. Pigilan man ni Trutty ang sarili, naniniwala ang kanyang puso. Ngunit sinusubukan niyang huwag gaanong umasa. Dahil alam niya na hindi siya nakikita ni Blumentritt sa ganoong paraan. She was just his friend’s sister. She was a very good friend. “He’s not interested in having a relationship with me,”  wika ni Trutty. Hindi ganoon ang mga katagang binitiwan ni Blumentritt, ganoon pa rin ang kanyang pagkakaintindi. Palaging walang interes na mababakas sa mukha ng binata sa tuwing may mga babaeng nagpaparamdam at nagpapahaging. Pinagtatakhan niya ang bagay na iyon noon hanggang sa nalaman niya ang sagot at nabura ang ilang pantasya at plano. Halos sabay-sabay na tumikwas ang isang kilay ng mga kaibigan ni Trutty. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. Dahil mestiza, alam niyang kaagad na namula ang kanyang mukha. “I am not interested in having a relationship with him,” aniya, masyadong defensive. “Besides friendship.” “You’ve got a crush on him,” ani Jay Ann. Sinikap ni Trutty na kalmahin ang sarili. ‘Crush’ does not begin to cover what she felt. “Not anymore,” ang matapang niyang pahayag. Hindi siya komportableng magsinungaling sa mga kaibigan ngunit masyadong tight ang circle nila. Ayaw niyang maging awkward ang mga bagay-bagay sa tuwing magkakasama ang grupo. Namilog ang mga mata ng mga kaibigan. Noon lang kasi tuwirang inamin ni Trutty na nagkaroon nga siya ng espesyal na damdamin para kay Blumentritt. Inusisa pa siya ng mga kaibigan pagkatapos ngunit hindi na nagsalita pa si Trutty. She wanted to keep things to herself. Isa pa, wala naman nang saysay na sariwain pa ang mga damdamin na iyon. She was over him. Habang nasa bakasyon ay pinag-aralan niyang burahin ang anumang nadarama niya para sa isang binata na emotionally unavailable. Kung wala ka na talagang feelings para sa kanya, bakit iniiwasan mo siyang makita? Bakit itiyempo mo ang pagbibigay ng mga pasalubong sa araw na alam mong maghapon siyang mawawala? Bakit hindi mo maibigay nang personal ang binili mong leather jacket para sa kanya? Walang kasagutan si Trutty sa mga tanong na iyon sa kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD